Last chapter.
(Last chapter but not the epilogue)
Sunshine's POV
Ang hirap pala magmove on no? Kahit anong gawin mo.. automatic nagfaflashback yung mga sinabi nung gabing naghiwalay kami..
Kapag naalala ko ang lahat, di parin talaga tumitigil yung puso ko kakaiyak dahil sa sobrang sakit nung maraming karayom na tumutusok sa puso ko araw araw.
Kahit ano ginawa ko para makamove-on.. Nagtangka akong magpakamatay, pero alam ko na mali yun.. Naglalasing ako kahit may pasok sa school, kababae kong tao pero ginawa ko yun nagbabakasakaling makalimot kahit konti, pero hindi parin pala kayang kalimutan yung sakit kong nararamdan.
Pero.. nakamove on ako kasi binaling ko nalang atensyon ko sa pag aaral ko.. pag weekends, pagkatapos gawin mga thesis or whatsoever nagbabasa nalang ako ng mga story sa wattpad or sa pocketbooks.
Di narin pala ako nakatira sa bahay nila rain. Ang kapal nalang ng mukha ko kung doon pa ako titira no. Hahahaha.
And as expected.. naging sila ulit. Tanggap ko na na sila talaga sa isa't isa.
Si cloud? Ayun.. seryoso na ang loko kay Amy. Hahaha. Bilib ako dun sa Amy kasi napagtiisan niya yung boyfriend niya kahit medyo may pagkababaero hahaha.
At ako? Eto.. hindi talaga ako tinigilan ni sky. Kahit ilang years siguro ako magpahintay na sagutin ko siya, gagawin niya parin na hintayin ako.
5 months rin ako nagmoveon at 5 months rin niya ako niligawan.. binabato ng mga lines niyang nakakakilig.. mga punch lines niyang sobrang cliche. Mga sayaw niyang sobrang kulit. Nagpapasalamat ako sakanya kasi nung panahong mamatay matay ako nung nasaktan ako, hindi niya ako iniwan.. Lagi siyang nanjan para pasayahin niya ako..
Kami na rin simula kahapon. Hahahaha. Englendeketelege. Alam narin ng pamilya ko sa probinsya.. Yung mga bakla.. mas nabuang nung nakita si sky. Yung dalawang tomboy naman naging babae na simula nung nakita nila tong si sky nung nililigawan niya ako.. May manliligaw na nga yung dalawa e hahahaha.
Salamat na rin kay Rain at Autumn kasi kung hindi dahil sakanila.. di ko to makikilala si sky e. Salamat kay rain sa pagsaktan niya sakin kasi natuto ako.. Nalaman ko talaga yung totoong meaning ng salitang LOVE. Salamat sa SUMMER kasi hindi ko makikilala si Rain na nagpabago din ng buhay ko..
**
*After 10 years*
Nakakapanibago ang lahat.
Ang yaman ko na.. Sikat na sikat na ako sa buong mundo. CEO na rin ako.. Lahat ng pangarap ko natupad.. Dahil yun sa tulong ni Sky. :)
Nandito pala ako sa Park.. yung park kung saan ako naglalabas ng sama ng loob..
"Miss.. yung panyo mo."
Familiar nung boses na yun ah.. Nilingon ko siya tapos binigay niya yung panyo.. s-si.. Rain..
"Sunshine.."
Kilala niya pa ako?
"Huh? Kilala mo pa pala ako?"
"Oo naman. Haha. Sino bang hindi makakakilala sa babaeng sikat na sikat na business woman sa buong mundo?"
Hahaha. Alam niya pala yun. Matagal na din kasi na wala kaming communication e..
"Haha ano palang ginagawa mo dito?"
"Bawal ba? Hahaha joke lang. Eto pala oh. Invitation yan sa kasal namin ni autumn. Napauna na yung anak e. Hahaha"
Magpapakasal sila? Tapos magkakaanak na nga sila?
"Buntis si autumn? Congrats ha. Kakasal narin niyan ako.. Kasal namin ni Sky."
"Ohh i see. Ayan na siya. Advance congrats ha. Pumunta kayo sa wedding namin ha. Aasahan kita. Osya. I need to go. Nice to meet you again. Bye"
Lumingon naman ako.. At nanjan na yung boy of my dreams ko. May dalang ice cream..
"Si rain? Ano yan?"
"Wedding invitation. Kaya wag kang magselos jan hahahaha. Alam mo naman ikaw papakasalan ko e."
Nagblush naman ang lalake. Hahahaha ang cute niya.
"Sige. Next time sila na yung bibigyan natin ng wedding invitation.. magpopropose nadin ako sayo.."
Ayiiiiie. Hahahaha. Feeling ko tuloy nung tumanda ako doon ako naging childish dahil sa lalaking to.
AN: Epilogue na niyan po :)
BINABASA MO ANG
Summer love. *Completed*
Teen FictionHi guys. This is not my first story :3 Huhubells. Dinelete ko kasi lahat ng yung sayang mga reads. So Eto nalang basahin niyp :) 'Don't expect to much' Expectation is too much disappointment. Di naman po ako magaling na writer :3 Gnawa ko lang to pa...