I

7.7K 117 17
                                    

"Mya, yung almusal ni Donya Tanyang, handa na ba?" Pangatlong beses na tanong sakin ni Kat.

Natawa ako. "Eto na, patapos na. Nasunog kasi ni Lengleng yung itlog kaya pinalitan ko."

Napasapo siya sa noo niya. "Ilang itlog ba ang nasayang niya?"

"Mga apat." Sabi ko naman bago inilagay sa plato ang mga niluto ko.

"Ay, punyeta de marimar! Alam niyang malayo yung palengke dito sa Hacienda eh." Umirap si Kat.

"Kumalma ka nga, ako nang bahalang mamalengke mamaya. Magpapasama nalang ako kay Benjie." Sabi ko.

Nagtaka ako dahil natahimik si Kat kaya tiningnan ko siya. Nawala yung simangot sa mukha niya at napalitan ng ngiting nakakaloko.

"Ikaw, ha." Pang-aasar niya.

Tumawa ako bago pinitik ang noo niya at pinasa sa kanya yung platong hawak ko na may pagkain.

"Malisyosa. Tigilan niyo na nga yang pang-aasar niyo samin ni Benjie." Sabi ko.

"Ay, sus! Ang sweet niyo kasi," Tumawa siya. "ang sweet ni Benjie sayo. Basta talaga drayber, sweet lover!"

Kumindat siya sakin bago dali daling pumunta sa lamesa kung san naghihintay si Donya Tanyang.

Ngumiti ako habang napailing iling. Matagal na nila kaming inaasar ni Benjie. Hindi ko din alam kung pano nagsimula yung pang-aasar nila. Malapit kami sa isa't isa ni Benjie dahil sabay kaming lumaki, magkapitbahay lang kasi kami at magkalapit ang mga magulang namin.

Inalis ko na yung suot kong apron at hinugasan yung mga ginamit kong pangluto. Inayos ko na ang sarili ko bago naglakad sa lamesa kung saan payapang kumakain si Donya Tanyang.

"Magandang morning, Donya Tanyang!" Nakangiti kong bati.

Natawa si Donya Tanyang bago pinunasan ang gilid ng bunganga niya. "Ang taas talaga ng energy mo araw araw, Mya."

Mabait si Donya Tanyang at maayos niyang tinatrato ang mga tauhan niya dito sa kanyang Hacienda, lalong lalo na kaming mga babae. 81 years old na si Donya Tanyang, active pa rin siya at sumasali sa mga zumba party sa bayan.

"Ay, shempre naman po, Donya! Kaya kumain ka lang nang kumain diyan ah, drink your bitaminas din!" Nakangiti kong sabi.

"Oo na, Mya. Kahit matanda na ako, hindi pa naman ako ulyanin." Pagbibiro niya.

Tumawa kami nina Kat na nasa gilid lang ni Donya Tanyang pati yung ibang kasambahay sa gilid.

"Oo nga pala, Donya. Mamamalengke po ako ngayon, pwede po ba akong humingi ng pera?" Magalang kong tanong.

"Oo naman, iha. Sa susunod, wag ka nang magpaalam sakin dahil pinagkakatiwalaan naman kita sa pera ko," Ngumiti siya sakin. "pero hindi kita papayagang mamalengke na mag-isa."

Magsasalita pa sana ako nang unahan ako ni Kat na may malaking ngisi sa labi.

"Nako, Donya! Magpapasama raw po siya Benjie." Nakangising sabi ni Kat.

Inirapan ko siya. "Kung hindi busy si Benjie, sa kanya ako magpapasama pero kung busy siya, edi sa iba." Babaeng to, napakamalisyosa.

Nakita kong ngumiti ng nakakaloko si Donya Tanyang sakin. "Sabi ko na nga ba't may namamagitan sa inyong dalawa. Don't worry, I support you."

Namula ako. "W-Wala pong namamagitan samin, Donya Tanyang! Bestfriends lang po kami." Depensa ko.

"Diyan naman nagsisimula yan, iha. Bestfriends lang din kami ni Don Emirto noon bago kami nagpakasal." She smiled.

Heart of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon