"Ma, papayagan mo po ba ako?"
"Anak, hindi ko alam kung bakit ka pa nagpapaalam. You're old enough to make your own decisions." Natatawang sabi ni Mama.
"Eh kasi po--.."
"Mya Charlotte, it's okay. I am happy na inaalala mo pa rin ako kapag magdedesisyon ka pero I want you to know that you are free. Do whatever you want just don't hurt yourself or others. Okay?"
Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Opo, Ma. Thank you po."
"You're welcome, anak. Now go to Davao with your boyfriend. Take care of yourself ha? Text me when you land. Ako na ang magsasabi kay Lola." Sabi ni Mama.
"Opo, Ma. Love you!" I beamed.
"Love you din, anak."
Binaba niya na ang tawag. Napangiti naman ako dahil sasama ako kay Sebastian papunta sa syudad kung san siya pinanganak at lumaki.
Nandito na rin ako sa kwarto ko kaya nagsimula na akong mag-impake. Hindi ko alam kung ilang araw kami dun kaya good for five days clothes ang inimpake ko. Nakaupo ako dito sa sahig habang nakaharap sa closet ko, nasa gilid ko naman ang maleta ko.
Habang nag-iimpake ako ay may kumatok sa pinto. Nang bumukas ito ay napatingin ako dun. I smiled when I saw him.
"Hi." He said before walking towards me.
"Hi, you done packing?" I asked.
Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang bewang ko. "Yup. You? Are you almost done?"
"Yes," Sabi ko bago nagtupi ng damit at nilagay yun sa bag ko. "sinabihan mo na ba si Donya?"
"Yes, and I told her that we'll be back soon." Sabi niya sakin bago nilapit ang kanyang mukha sakin at hinalikan ang buhok ko.
"Ilang araw ba tayo dun?" Tanong ko.
"I don't know. Baka matatagalan tayo dun, gusto kitang ipasyal dun." Sabi niya.
I smiled. "Okay." Basta kasama kita palagi, game ako.
*****
"May private plane kayo?" Tanong ko habang paakyat kami sa eroplano.
"Our family does," Sabi niya. "this is my Dad's."
Edi wow! Ang yaman yaman pala talaga ng pamilya nila. Lalong lalo na ang Lacson side.
Umupo ako dun sa upuang may lamesa. Dun ako sa may bintana umupo. Window seat is my favorite, nakikita ko kasi ang view mula sa labas.
Umupo si Sebastian sa tabi ko at pinatong ang kanyang kamay sa hita ko. Huminga ako ng malalim at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"You wanna sleep?" Malambing niyang tanong sakin.
"No, I'm fine." I replied.
'No, I'm fine' mo yang mukha mo, Mya. Nakatulog ako ng mahimbing sa kanyang balikat. Nang magising ako ay maglaland na sa airport ang eroplano.
"Morning," He grinned. "how's your sleep?"
"Shucks! I'm sorry, Bast! Nangalay ka ba? Sorry, sorry. Di ko na namalayang nakatulog ako." Tuloy tuloy kong sabi.
He chuckled before kissing my forehead. "I'm fine. Ang importante ay nakatulog ka, you woke up so early."
Maaga kasi yung flight namin. Gusto ni Sebastian na makarating agad kami sa Davao. Didiretso na nga kami sa hospital pagnakaalis na kami dito sa airport.
"How about you? Nakatulog ka ba?"
"Yeah. It felt so good to sleep beside you." Malambing niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Heart of the Sea
FanfictionLet the currents guide your heart. Highest rank: #1 in KathNiel