XVII

2.8K 115 13
                                    

Late na natapos ang party. I was exhausted, naikot ko ata ang buong function room at nakatakong pa ako. I was tired but I couldn't sleep.

Bumangon ako sa kama at bumaba. Baka may gatas sa fridge. Iinom nalang ako.

Dito kami muna kami nananatili sa Alderidge mansion dahil gusto kaming makasama ni Lola at Lolo. Umuwi nga lang si Tita Anne sa kanyang bahay kasama si Mama. Ayaw kasing iwan na mag-isa ni Mama si Tita kahit may mga kasambahay naman. Close talaga sila.

Pagpasok ko sa kusina ay napatalon ako at napahawak sa bibig ko nang makakita ako ng anino ng isang tao.

"Oh, Apo, are you okay?" Tanong ni Lola Meredith.

"Ah, opo, Lola. Sorry po." I said.

"It's fine, sorry for scaring you." Sabi niya bago uminom sa kanyang tsaa.

Naglakad siya papunta sa mga upuan dito sa kusina at umupo dun.

"Gabing gabi na po, hindi ka pa po ba matutulog?" I asked before opening the fridge.

"I wanted to drink my tea before going to sleep," She chuckled. "ikaw?"

"I couldn't sleep po. Iinom nalang po sana ako ng gatas." I said.

"Mhm," She said softly. "iha, I want to apologize. Sorry kung naging malupit ako nung una tayong nagkita." Sabi ni Lola habang naglalakad palapit sakin.

I closed the fridge and smiled at her. "Lola, it's okay. I understand."

"I'm sure you're thinking that I am not a nice Lola and I'm very strict. It's okay. But can I ask you a question?" She asked.

"Opo." Tumango ako.

"Do I..scare you? Takot ka ba sakin?" Ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses at nasaktan ako dun.

"N-Nako, Lola. Hindi naman po!" Agad kong sabi.

"It's okay, iha. You can tell me the truth, hindi ako magagalit." She smiled.

"Well, nung araw na nagkakilala po tayo ay medyo natakot ako pero mabait naman po talaga kayo." I smiled widely at her.

"You are so kind, my Apo. Proud ako sa ina niyo dahil pinalaki niya kayong maayos ni Maximus," Nakangiti niyang sabi pero yumuko siya at nawala ang ngiti. "I am...also sad for yelling at your Mother the other day. Kahit nasaktan niya ako nung umalis siya, mahal ko pa rin siya. Anak ko siya eh, bunso ko pa."

Nataranta ako nang makita kong tumulo ang kanyang mga luha. Agad akong naghila ng upuan papunta sa kanya at pinaupo siya. Kumuha din ako ng tubig.

"K-Kumalma ka po, Lola. Sabi po ni Tita Anne ay bawal ka pong mastress." Sabi ko habang inaabot sa kanya ang tubig.

She laughed softly before accepting the cup with water. "Oh, I'm fine. Oa talaga yang si Anne, mana sakin."

Tumawa ako. "Nakakatawa nga po yan si Tita Anne eh."

Natuwa ang puso ko nang makita ko siyang tumawa ulit pero malungkot pa rin ang kanyang mukha.

"I was just strict at my children kasi ayaw kong magkaroon ng mali sa kanilang buhay. I want my children to graduate and have a pleasant life. Pinalaki akong mayaman at gusto kong ganon din ang mga anak ko. I want them to marry a guy from a rich family kasi ayokong maghirap sila," She sighed.

"I didn't hate your Father as a person, mabait na tao si Kiko. I only hated his status, natakot ako na baka hindi niya mabibigyan ng magandang buhay ang ina mo. But I was wrong, even though you couldn't afford things that I could, she was still happy. You are happy," She smiled at me, but her smile was sad.

Heart of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon