VIII

3.1K 101 18
                                    

"Alam mo, napakababaw mong tao." Iritado kong sabi sa kanya.

Nandito pa rin ako sa kwarto niya ngunit nakaupo ako sa isang silya at tinali niya ang mga kamay ko gamit ang kanyang mga sinturon. Nakaupo siya ngayon sa sahig habang nag-iimpake.

"You might escape again." Nagkibit balikat siya.

"Grabe! Kailangan mo talaga akong itali?!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Stop whining! Pasalamat ka nga at hindi kita tinali sa kama ko eh!"

Uminit ang pisngi ko. "Ang bastos mo!"

"Ano namang bastos sa sinabi ko?" Tinaasan niya ako ng kilay bago ngumisi. "may iba ka bang iniisip, Mya?"

"W-Wala!"

"I didn't know you were that kinky, Mya." Tumawa siya ng mahina bago sinara ang bag niya at lumapit sakin.

Napalunok ako at bumilis ang tibok ng puso ko. "Lumayo ka sakin!"

"I told you, I like being close to you," Ngumisi siya sakin bago lumuhod sa harapan ko. "anong parusa kaya ang ibibigay sayo?"

Gusto ko siyang sipain. "Hindi pa ba parusa tong ginagawa mo sakin ngayon? Pakawalan mo na nga ako! Nakakaasar ka!"

"Nakakaasar?" Humalakhak siya. "I really like teasing you, Mya. Your reactions are hilarious."

Magsasalita pa sana ako nang may kumatok sa pinto niya. Imbes na pakawalan niya na ako ay tumayo siya at naglakad papunta sa pinto. Bahagya niya itong binuksan para hindi ako makita.

"What?" Malamig niyang sabi sa tao sa labas.

"Sir Sebastian, nandiyan po ba si Mya?" Boses yun ni Kat.

"Oo, she's cleaning my room," Liar! "why?"

"Pinapatawag po kasi siya ni Donya Tanyang. Importante raw po." Sabi ni Kat.

"Okay, thanks." Sabi ni Sebastian bago sinara ang pinto.

Napairap ako, ang bastos talaga! Kawawa naman si Kat.

Nang linungin niya ako ay ngumisi ako. "Oh, ano? Pakawalan mo na ako."

Umirap siya. "Babalik ka kaagad sakin pagkatapos niyong mag-usap ni Mama Lola," Sabi niya habang inaalis ang mga nakataling sinturon sakin. "naiintindihan mo?"

Umirap ako. "Fine."

****

Kumatok ako ng tatlo beses sa pinto ng kwarto ni Donya bago pumasok. Nakaupo siya sa kanyang kama habang hawak hawak ang kanyang wireless telephone.

"Iha, maupo ka." Sabi niya sabay tapik sa tabi niya.

Tumango ako at umupo na rin sa kama niya. "Pinatawag niyo raw po ako, Donya."

"Oo," Tumango siya at bumuntong hininga. "Mya, tumawag ang Nanay mo sakin bago lang. Pinapapunta ka raw sa hospital, inatake raw ang Tatay mo. Bakit hindi mo sinabi sakin ang sakit ng Tatay mo?" Kalmado pero puno ng pag-aalala na sabi ni Donya.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Donya. Inatake nanaman si Tatauly?!

"P-Pasensiya ka na po, Donya," Tumikhim ako nang maramdaman kong namumuo na ang mga luha ko. "may cancer po si Tatay sa baga. Stage 3 na po."

Nakita kong natigil si Donya sa sinabi ko. Dahan dahan siyang tumango. "Mamaya nalang tayo mag-usap. Puntahan mo na muna ang iyong Tatay. Magpahatid ka kay Raul."

"N-Nako, hindi na po, Donya--.."

"Sige na, Mya." Mahinahon niyang sabi sakin.

Bahagya akong napangiti bago pinunasan ang aking mga luha. "Maraming salamat, Donya." Niyakap ko siya.

Heart of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon