"Good morning, Ma." Bati ni Tita Anne nang makapasok na kami sa loob ng mansion.
Ngumiti si Lola Meredith kay Tita Anne at napatingin samin. Napawi ang ngiti niya nang makita niya si Nanay. Dahil nakaupo siya sa sofa, napatayo siya habang nakatingin pa rin kay Nanay.
"You. What are you doing here?" Malamig na tanong ni Lola Meredith kay Nanay.
Napayuko si Nanay. "Ma..."
"Ano?! Yan lang ang sasabihin mo sakin?!" Sigaw ni Lola Meredith.
Napaatras ako sa takot, ganon din si Maximus. Napansin kong nanginginig siya kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Ma...I-I'm sorry. I was so scared, you told me to leave." Naiiyak na sabi ni Nanay.
"I made you leave so you will realize your mistake! That mistake is choosing that fisherman over your own family! Pero anong nangyari?! Dun ka pa rin kahit ang hirap hirap niyo na! I can't believe you!" Namumula na sa galit si Lola Meredith.
Hinawakan ni Tita Anne ang magkabilang balikat ni Lola Meredith para pakalmahin siya.
"Ma, kumalma ka. Your blood pressure..." Mahinang sabi ni Tita Anne.
"Ma, sorry na po. Opo, kasalanan ko na po. Kayo po yung tama, ako po yung mali," Pagsuko ni Nanay. "Ma, please forgive me."
"I will only forgive you if you leave your husband and live here in Manila. And fix yourself! Just look at you Jacqueline! You were very luxurious before, what happened now?!" Iritadong sabi ni Lola Meredith.
"Ma...Kiko is dead. He died because of lung cancer." Mahinang sabi ni Nanay.
Nakita kong nagulat si Lola Meredith dun pero agad din niyang binalik ang kanyang striktang tingin.
"Kung kailan pa siya namatay, dun ka pa lalapit sakin? Bakit? Pinagbawalan ka ba niyang lumapit sakin?" Ramdam ko ang pait sa boses ni Lola Meredith nang sabihin niya yun.
"No, Mama! Kiko is a very nice man. Palagi niya po akong pinipilit na lumapit sa inyo noon pero natatakot lang ako. Wala siyang kasalanan dito, Ma. It's my fault. Everything is my fault." Nanay said.
"Ito ang karma mo, Jacqueline. Don't you know how bad it is to leave your family for a guy?" Umismid si Lola Meredith. "live here. Earn my forgiveness."
"Mama, Jackie is living with me now. Also her kids." Tita Anne said.
"Kids?" Tinaasan niya ng kilay si Tita Anne.
Tumingin si Tita Anne samin, sinundan namab ito ni Lola Meredith. Lumapit samin si Nanay at hinawakan kami ni Maximus.
"Ma, these are my children. Mya Charlotte and Maximus Cray." Sabi ni Nanay.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang maglakad palapit samin si Lola Meredith. Humigpit ang hawak ni Maximus sa kamay ko.
"You remind me of your Mother when she was still a teenager. So naive...and stubborn," Nakasimangot na sabi ni Lola Meredith sakin bago tumingin kay Maximus. "and you. You remind of your Father. All sweaty and...poor." She said with disgust.
Napayuko si Maximus. Lumunok naman ako. Naaawa ako kay Maximus, ayokong ginaganito siya pero ano namang laban ko kay Lola Meredith?
"Mama..." Mahinang sabi ni Tita Anne.
"Nakapagtapos ba ang dalawang ito?" Taas kilay na tanong ni Lola Meredith kay Nanay.
"Only Mya, Ma. Wala na kasi kaming p-pera para sa tuition ni Max." Yumuko si Nanay dahil sa hiya.
"My God, Jacqueline!" Inis na sabi ni Lola Meredith. "Jovieanne, put my grandchild in Ateneo! And tell the maids to buy his school supplies! And you, Jacqueline, make sure to take care of his uniform! Magpatahi ka."
BINABASA MO ANG
Heart of the Sea
FanfictionLet the currents guide your heart. Highest rank: #1 in KathNiel