Maaga akong pumasok sa mansion. Kailangan kong magpaalam kay Donya Tanyang dahil mamaya na kami luluwas papuntang Maynila.
Habang nagluluto ako ng almusal ng mga Lacson ay umiiyak na ang tatlo. Sila kasi ang una kong sinabihan na aalis na ako. Hindi ko rin alam kung kelan kami babalik.
"Myang naman! Iiwan mo na kami?" Naiiyak na sabi ni Kat.
Natawa ako bago pinatay ang apoy ng stove. Kinuha ko yung plato at nilagay ang mga niluto kong itlog dun. Hinarap ko sila bago nilagay sa counter ang pagkain.
Lumapit ako sa tatlo at ngumiti. "Babalik naman ako eh. Kailangan lang naming mag-ipon ng pera para makabayad sa mga utang namin."
"Gusto mo bang tumulong--.." Pinutol ko na ang sasabihin ni Lengleng.
"Hindi na. Problemang pamilya to, may solusyon na rin si Nanay. Wag kayong mag-alala, kapag nakababayad na kami babalik ako agad dito sa mansion."
Umiyak si Maimai at niyakap ako. Tumawa ako bago niyakap balik si Maimai.
"Mamimiss kita, Myang! Mamimiss ko ang mga luto mo. The best pa naman ang mga luto mo!" Iyak ni Maimai.
"Magaling rin naman kayong magluto, ah?"
"Wow, kahit ako?" Natatawang sabi ni Lengleng.
Ngumisi ako. "Oo, kahit ikaw."
"Salamat, Myang. Ikaw lang talaga ang naniniwalang marunong akong magluto." Tumawa si Lengleng bago pinunasan ang kanyang mga luha.
"Alagaan mo ang sarili mo dun, ah? Kumain ka ng maayos! Baka pumayat ka lalo dun." Sabi ni Kat.
"Oo na, ina." Pang-aasar ko.
Nung malapit nang mag-alas ocho ay nilapag na namin ang mga pagkain sa lamesa. Alas ocho kasing gumigising si Donya Tanyang. Ang kambal naman ay walang exact time ang paggising. Minsan maaga, minsan late. Kaya minsan, nauuna nang kumain si Donya Tanyang ng almusal.
Nung nakita kong naglalakad na si Donya Tanyang papunta sa dining table habang inaalalayan ni Kat ay ngumiti ako.
"Magandang morning, Donya!" Sabi ko.
Ngumiti si Donya bago umupo sa kanyang upuan at tumingin sakin. "Magandang morning din, Mya. Kumain na ba kayo?"
"Opo, Donya. Sige, kumain na po kayo." Sabi ko.
Tumango si Donya bago nagdasal. Ngumiti ako habang pinapanuod siyang kumain pero agad ding napawi ang ngiti ko nang maalala kong aalis na pala ako mamaya.
Napansin yun ni Donya kaya tinawag niya ako.
"Ayos ka lang ba, iha?" Nag-aalalang tanong ni Donya.
Lumunok ako bago lumapit kay Donya. Umupo ako sa tabing upuan at ngumiti ng malungkot.
"Donya...magpapaalam ako. Mamayang hapon po kasi luluwas na kami ng pamilya ko patungong Maynila. Lubog na po kasi kami sa utang at lalapit kami sa pamilya ni Nanay para humingi ng tulong." I sighed pero looking away.
"Iha," Hinawakan ni Donya ang aking pisngi at hinarap ang mukha ko sa kanya. "kailangan niyo ba talagang umalis? I can help you with your financial problems, Mya. You've been a very good worker here, gusto kong suklian yun."
"Donya, nasusuklian mo naman po yun eh. Araw araw pa nga. Maliban sa sweldo, sinusuklian niyo rin po ako, kami, ng kabaitan niyo. Sobra sobra na po ang tulong na binibigay niyo sa pamilya ko. Nakakahiya na nga po eh." Ngumiti ako ng malungkot.
"Mya, anak, hindi naman nakakahiya ang humingi ng tulong sakin. Oo, alam kong marami kayong utang sakin pero ayos lang sakin kung hindi niyo pa ito mababayaran. I can wait. Money is not an issue to me, iha. Hindi sa nagmamayabang ako, ha?" She chuckled.
BINABASA MO ANG
Heart of the Sea
FanfictionLet the currents guide your heart. Highest rank: #1 in KathNiel