"Damn it, Mya! Why did you cut yourself?! Hindi ba sanay ka nang maghiwa ng pagkain?!" Galit na sigaw ni Sebastian habang palakad lakad siya rito sa sala.
Nandito kami ngayon sa sala. Nakaupo ako sa sofa, ganon din si Lola Jill dahil ginagamot niya ang sugat ko. Si Lolo Chris naman ay nasa kabilang sofa.
Tahimik naman na ginagamot ni Lola Jill ang daliri ko. Kagat kagat ko ang labi ko dahil tinitiis ko yung hapdi.
"Sebastian..." Kalmadong sabi ni Lolo Chris sa kanyang Apo.
"Were you distracted?" Malamig na tanong ni Sebastian, hindi ako sumagot. Suminghap siya bago tumingin kay Lola Jill. "Lola, how deep is it? Should we take her to the hospital?"
Natawa ng mahina si Lola Jill kaya tinaasan siya ng kilay ni Sebastian.
"Hay nako, Apo. Mashado kang praning," Sabi ni Lola Jill bago sinara yung first aid kit niya at tumayo na. "nalinisan ko na ang sugat niya at may bandage na. No need to go to the hospital."
"Thank you po, Lola Jill." I smiled softly.
"You're welcome, iha. Mag-iingat ka na sa susunod, ha?" Sabi ni Lola Jill.
Sasagot na sana ako nang sumingit ang supladong si Sebastian.
"Wala ng susunod. You're not chopping vegetables anymore, woman." Malamig niyang sabi sakin.
I sighed. "Bast naman."
"Don't Bast me, Mya." He rolled his eyes at me.
Humalakhak si Lolo Chris sabay tayo. "Kumain na nga tayo ng hapunan para makapagpahinga na tayo. Dito ka ba matutulog, Mya?"
"Ah, hindi po. Uuwi po ako samin." Magalang kong sabi.
"Oh, sige. Kain na tayo." Sabi ni Lolo Chris.
Naunang pumunta sa kusina ang mag-asawa. Lumunok ako nang maglakad papunta sakin si Sebastian at umupo sa tabi ko. Nakakatakot talaga ang aura niya ngayon.
Bumuntong hininga ako bago tumayo. "Let's eat--.."
Nabigla ako nang hawakan niya yung kamay kong walang sugat at hinila palapit sa kanya. Bumagsak ako sa kanyang mga hita. Nag-init ang pisngi ko nang yakapin niya ako ng sobrang higpit.
"I hate you." He whispered against my neck.
Hindi ko napigilang ngumiti. "Why?"
"Because you scared me." Bulong niya.
Tumaas ang mga balahibo ko dahil sa baba ng kanyang boses. "I'm sorry." Hinaplos ko ang kanyang kamay na mahigpit na nakapulupot sa aking bewang.
"Were you distracted? Of what?"
"I wasn't, I was just tired." Palusot ko.
Bumuntong hininga siya. "Sana di ka nalang tumulong sa kusina kung pagod ka." Inis niyang sabi.
"Sorry na, alam mo namang mahal ko ang pagluluto." I grinned.
"Shut up, you love me more." Sabi niya.
I giggled. "That's true."
"Good," Sabi niya at biglang tumayo. Tinakpan ko ang bibig ko nang mapatili ako dahil effortless niya kaming tinayo. "give me a kiss." Sabi niya bago ako hinarap sa kanya.
"At bakit?"
"Because you made me angry." He rolled his eyes again.
BINABASA MO ANG
Heart of the Sea
FanfictionLet the currents guide your heart. Highest rank: #1 in KathNiel