"What's bothering you? You're awfully quiet." Tanong ko habang naglalakad kami dito sa SM.
He held my hand tightly before kissing it. "Nothing, I'm just thinking about us."
"Are you...thinking about breaking up with me?" Natigil ako sa paglalakad kaya natigil din siya.
Tumawa siya bago ako hinarap. He kissed my forehead. "Of course not. Sa tingin mo gusto kitang hiwalayan?" He sighed. "I'd never do that."
"Okay," I said softly. Nagpatuloy kami sa paglalakad. "ano ba yung iniisip mo?"
"Iniisip ko kung kailan ka kaya papayag na ikasal sakin." I saw him smirk.
My jaw dropped before turning to him. "Are you serious?"
"Yeah," He nodded. "I want you to be tied to me. Para wala ka nang kawala."
"Don't you think it's too early to think about that, Bast? We just started dating..." I bit my lip.
I got excited when he mentioned about marriage but I think it's too early. Kailangan pa naming kilalanin ang isa't isa.
"I know," He sighed. "maybe I'm just so in love with you that's why I thought about us getting married." He grinned.
But I'm happy that he imagined us, getting married. He wants to marry me. Me! Jusko, kinikilig ako.
Pumasok kami sa isang kainan dahil nagugutom na raw siya. Ako rin naman, nahihiya lang akong magsabi.
Holding hands pa rin kami hahang nag-oorder. Sabi ko na siya nalang ang mag-oorder para makapagreserve na ako ng mauupuan namin. Ayaw niya. Ang clingy!
"Sorry, Sir, dili pa ni available." Sabi nung Cashier. (Sorry, Sir. Hindi pa ito available)
"Unsa lang man ang available?" Sagot ni Sebastian. (Ano lang ang available?)
Napatingin ako sa nobyo ko. Namangha ako habang kinakausap niya yung babae. Hindi ko alam kung bakit ang sexy niya habang nagsasalita in bisaya.
Di nagtagal ay natapos din kaming mag-order. Hawak hawak niya ang tray namin habang naglalakad kami papunta sa isang bakanteng lamesa.
Pagkaupo namin ay agad kong nilagay ang mga pagkain namin sa lamesa at tinabi ang tray. Bago kami kumain ay nagdasal ako, tiningnan niya lang ako habang ginagawa ko yun.
"What do you want to do after this?" Malambing niyang tanong bago sumubo.
Nilunok ko yung kinain ko. "Grocery. Wala mashadong laman ang fridge natin. Umuwi rin tayo agad, gusto kong magsiesta..."
Napansin kong natahimik siya pero malapad ang kanyang ngiti habang kumakain. Tinaasan ko siya ng kilay at napansin niya yun.
"What?" Natatawa niyang tanong.
"Why are you smiling like that? May nasabi ba akong nakakatawa?" Tanong ko.
"No," He chuckled. "you sounded like a wife when you mentioned about grocery."
Nag-init ang pisngi ko. "Dami mong alam, Bast."
"Whatever," He said. "eat up." Utos niya.
Matapos naming kumain ay dumiretso na kami sa supermarket. Nakaakbay siya sakin habang naglalakad kami. Nagreklamo pa siya nung pinakuha ko siya ng cart at nauna akong maglakad.
BINABASA MO ANG
Heart of the Sea
FanfictionLet the currents guide your heart. Highest rank: #1 in KathNiel