Chapter 1

281 7 0
                                    

"Bomiiiiii!"

Isang pamilyar na boses ang narinig ko.

Aba. Sino naman tong nag lakas loob na istorbohin ako?!

Panira ng moment!

Ang ganda ganda ng view ko dito oh.

E bahala siya di ko siya lilingunin.

Haaay. Eto nanaman ako. Nakatayo at lihim na sumisilip sa 3-A (3rd yr. Section A) Pinagmamasdan ang pag rereport ng aking husband-to-be na si Jung Ilhoon. //mianhae feeler ako e.

Jusko di ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya. Dahil bukod sa nakaka-dugo talaga ng ilong ang English, e super focus lang talaga ako sa Perfect niyang mukha.

Kahit mas mataray pa siya sa pinag-halong babae at bakla, ang angelic padin ng face niya. Kaiyak TT___TT

"Yoon Bomi!"

Leche naman. Istorbo. Nag da-daydream ako dito e.

Lumingon ako sa likod ko para makita kung sino yung hinayupak na tumawag sakin.

At ayun nga. Si Jung Eunji. Ang best friend kong napaka-perfect kung tumayming. Psh.

Lumapit na siya papunta sakin. Hingal na hingal.

"Eunji naman. Bakit ba? Kita nang busy ako dito e."

"E di kaya kita mahanap! Kaya ayun nung nakita kita dito tinawag kita."

Binatukan ko siya.

"Yun lang? OA mo talaga! By the way thank you ha. Sinira mo yung moment ko."

"Welcome! Yaan mo next time ulit."

Inirapan ko lang siya. Pero di ako galit. Ganyan lang talaga kami ng Bestfriend ko. Sarcastic!

"Ano nanaman ba kasing ginagawa mo dito ha?! For the nth time Bomi. Aren't you tired? Nagiging stalker ka na e. Hoo. Scary!"

"Wag mo ko i-english dyan. Di porket pinakamatalino ka sa klase. Hoy tandaan mo lowest section tayo. Section F. Kung baga sa lahat ng pinaka-bobo, ikaw ang matalino. Pero tanga ka padin. Pare-pareho lang tayong bobo."

Tumawa lang siya. Oo. Matalino si Eunji. Pero walang wala kay Ilhoon ko. Mataas lang kasi talaga ang standard ng school namin kaya Section F lang siya.

Sumilip uli ako kay Ilhoon.

Hay. Ang tali-talino niya talaga. Samantalang ako... E ano naman? Opposite do attract.

Natapos na ang report niya. At ayun standing ovation ang teacher niya pati classmates niya.

Ang galing niya talaga. Nasa kanya na lahat.

Matalino

Gwapo

Perfect appearance din gaya ng sinasabi ng mga tao sakin.

Hindi nga lang siya ganon ka friendly dahil "Snobber" siya.

Pero kahit ganun siya ang dami pading nag kakagusto sakanya.

Everyday nakakatanggap siya ng regalo at letter sa locker niya.

Walang naglalakas loob na mag confess kay Ilhoon. Ako pa lang ata ang una.

Mataray nga kasi siya. Di ka niya kakausapin unless mahalaga yung sasabihin niya.

Di rin siya masyadong nakikipag usap lalo na pag di niya kakilala.

Isang beses niya lang ako kinausap. Nung hinarang ko siya sa paglalakad at nag confess akong gustong gusto ko siya. 1st year kami nun.

Sabi niya sakin,

"Oh tapos ka na? Padaanin mo na ko."

Kahit yun lang yun tandang tanda ko padin, minarkahan ko yun sa aking diary bilang "Most Unforgettable Moment."

E bakit ba? First time niya kong kausapin e. Kahit di maituturing na usap yun. Napakasaya ko padin. Heaven!

Mamatay matay ako sa kilig nung time na yun.

By the way.

Yung mga letter na natatanggap niya?

Tinatapon niya lang. Ni hindi niya binabasa. Kaya ako, di ko ginawa yun.

Bakit kelangan mo pa itago kung sino ka at kung ano ang nararamdaman mo kung pwede mo namang sabihin ng harapan sakanya.

E matapang ako e. Alam ni Ilhoon na gustong gusto ko siya. Since 1st year kami, crush ko na siya.

Ilang beses na akong nag confess sakanya. At kahit dinadaanan niya lang ako. Pinag sisigawan ko padin yun.

Proud ako eh.

Kulang na nga lang ligawan ko siya e. Pero kahit kelan di ko gagawin yun. Kahit papano may delikadesa padin ako bilang babae. Dapat ako ang nililigawan, hindi ako ang manliligaw. Kaya hanggang confession lang ako at pag papapansin.

"Ano girl? Balik na tayo sa room!"

"Oo na! Wait lang ha?"

Sumilip ako sa room nila Ilhoon. Nakalabas na yung teacher. Next subject na ata sila.

"Ilhoonie!~"

Tinawag ko si Ilhoon at lumingon naman siya.

"Pinanood kita mag report. Ang galing galing mo talaga. Pupunta na ko sa room ko. Good luck ha?" /okay sign/

Gaya ng inaasahan ko di niya ko pinansin. Pero atleast pinatapos niya ko mag salita bago siya tumalikod. Okay na ko dun. Knowing na pinakinggan niya ko. <3

R.I.P FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon