Chapter 4

156 3 0
                                    

"Kuya bat tayo lang kumakain ngayon? Asan si Kuya Sungjong?"

Kami lang ni kuya Js kumakain ng hapunan ngayon. Wala si kuya Sungjong. Sila lolo at lola nag bakasyon sa Taguig. Sila Ate Hyomin, at Kuya Kris naman nasa isang business trip sa La Union.

"Di sumabay sakin pag uwi eh. Pupuntahan niya daw yung nililigawan niya, si Jiwon."

"Ah. Landi talaga nun. Araw araw may date?!"

"Inggit ka lang eh."

"Yabang mo! Porket sinagot ka na ni Ate HyunA? Sabihin ko nga dun i-break ka!"

"As if namang susunod sayo yun. Di siya uto-uto noh!"

"She is. Kasi sinagot ka niya. Akalain mo yun, nagpaloko siya sayo." /smirk

"Che! Ikaw nga yung nagpapaloko dyan e. I mean you're inlove with a person who won't love you back. At 3 years na ha."

Natigilan ako sa pagkain. Medyo masakit yun ah. Huh. Kung alam mo lang! Inlove din siya sakin noh! Ah eh malapit na pala.

"For your information, he's also inlove with me. He's just in denial.

"Oh com'on Bomi. Wake up coocoo brain! Stop fooling yourself, mas lalo ka masasaktan sige ka."

"Atleast Im cute."

"Hahahahaha."

Napatawa nalang si kuya sa sinabi ko. Tumawa nalang din ako.

Fake laugh.

Kasi nasaktan ako, di dahil sa sinabi niyang yun kundi dahil alam kong totoo.

Ang tanga ko dahil lagi kong niloloko ang sarili kong may chance pa kaming dalawa. Na dadating din yung time na he'll love me back. Yes Im fool. So what? Mahal ko si Ilhoon eh. Di ko siya susukuan. Alam ko gusto niya din ako. Or kung hindi man, Magugustuhan niya din ako.

Aja!

Friday pala ngayon. Walang pasok bukas. Enebeyen. Two days ko nanaman siyang di makikita. It seems like 2 years you know?

*Calling Eunjiji*

"Oh bakit?"

"Kamusta ka naman dyan?"

"Eto. Tambay sa couch. Still can't get over. I still remembered every single details about what happened that afternoon."

"Ay ganun? So pag kinikilig nag eenglish?!"

"Eh wala e. Cute ako."

"Anong connect?! Sige na cute ka na! Uy may sasabihin ako sayo. Pero wag ka sisigaw ah. Wag ka tatalon. Wag ka maghahagis ng kung ano mang bagay na makita mo dyan sa couch niyo. Wag mo sasabunutan ang sarili mo ah. Baka mapanot ka na. Promise wag ka kikiligin."

"Dami naman. Kung tungkol kay Ilhoon yan, I can't promise na di ko gagawin ang mga bagay na yan. Pero kung hindi, edi sige. Ano ba yon?"

"I finally got his number."

Oh my gosh. Yung matagal ko ng hina-hunting for three years. Finally eto na.

"Sure ka bang yan yun? Akin na dali. Kanino mo nakuha? Oy wag mo itetext ah. Akin lang si Ilhoon ko. Akin na. Ahhhh! Dalian mo."

"Di ka naman masyadong excited nyan. Pinakuha ko sa pinsan ni Suho na classmate dati ni Ilhoon. Of course I won't text him. I have my Suho remember? Ang sayo ay sayo, at ang akin ay akin."

"Oo na. So akin na dali. May papel na ko dito."

"0916xxxxxxx."

"Sige bestfriend. Thanks ah. I'll call you later. Babu. Love you."

Call ended.

Ano gagawin ko? Itetext ko ba?

Ay wag. Snobber yun. Di yun magrereply sa unknown number. Tawagan ko nalang.

Good luck saken. Fighting!

R.I.P FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon