Chapter 9

154 6 0
                                    

"Ah ganun ba. Sige nextime nalang ija. Kain ka ulit dito. Ilhoon anak, sa ayaw at sa gusto mo. Ihatid mo tong si Bomi. Wala siyang kasama pauwi, delikado. Bomi ituro mo nalang sa anak ko ang daan papunta sa inyo ha. Salamat iha. See you next time. Anak ilhoon, be gentleman. Ako na ang bahala dito sa eatery, ihatid mo na si Bomi sakanila. Mag ingat kayo ha?!"

Omg. Is it real?! Is it real?! Pinapahatid ako ng future-mother-in-law ko sa future-husband ko. Waaah! Hoonie please, say yes. Please Ilhoon please :(

"Ilhoon anak pumayag ka na. Kahit anong mangyari babae padin yan. At mahal ko yang batang yan, pag may nangyari dyan naku."

Wow. Na-touch naman ako sa sinabi ni Tita Shin. Huhu, iyak na me.

Pero di padin sumasagot si Ilhoon. Nahihiya ka lang ba? O ayaw mo talaga ako makasama?

"Eh wag nalang ho Tita Shin. Maliwanag pa naman po---"

"Okay lets go."

Waaaah! Is this really happening? Did he just say yes?!

Tinanggal ni Ilhoon ang apron niya at naglakad papalabas ng eatery. Iniwan niya ko pero okay lang. We'll be together anyway.

"Ito talagang batang to, kunwari pa. Oh siya sige na lumakad na kayo. Gabi na baka pag nalaman to ni Ate Hyom mo, magalit pa sakin yun. Wag ka mag-alala. Harmless yang anak ko. Sige bomi, mag-ingat kayo anak."

Hahahaha! Natawa naman ako sa harmless. Ay nako tita, ako pa nga yung Harmful sa anak niyo eh. Lol. Ang bait talaga ni Tita Shin. She's like a mother to me.

"Sige po tita. Salamat po."

Niyakap ako ni Tita Shin at tuluyan na kong lumabas ng eatery. Paglabas ko sa pintuan ay nakita ko si Ilhoon na mukhang bagot na sa kaka-intay sakin.

"Mga ilang oras mo kong balak pag-intayin ha? Alam mo bang masyado mo na kong iniistorbo?"

"Sorry nagpaalam pa kasi ako kay mama eh, este kay Tita Shin. Sa mama mo."

Di ako pinansin ni Ilhoon at naglakad na siya. Itinuro ko sakanya ang daan papunta sa bahay, pero hindi naman siya sumasabay sakin sa paglakad. He's always 2 steps away from me. Pag hinahabol ko siya, binibilisan niya. Why are you so cold to me Hoonie? Am I that trashy, huh?!

"Uy Ilhoonie antay naman."

"Wag mo nga ako tawaging ganyan. Hindi ako bading."

Bading? Tawaging ano? Ilhoonie?

"Yung ilhoonie? Cute kaya. Tsaka anong bading ka dyan. You're so manly kaya."

R.I.P FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon