Chapter 2

184 6 0
                                    

Ako si Bomi. Ang ubod na cute na si Yoon Bomi. Sabi kasi sakin ni Eomma, nung ipinagbubuntis niya daw ako ay nagpasabog si Lord ng cuteness. Sinalo niya daw lahat. Kaya ayun. Nung ipinanganak ako, cuteness overload ang kinalabasan. Lol.

15 years old na ko. May isang napaka-gwapong kuya na nag ngangalang Yoon Hyun Seung. (Jang Hyunseung of B2st)

Ang kuya ko college na. 2nd year college. Magkaiba kami ng university na pinapasukan ni kuya. Ako may gusto nun dahil ayoko ng comparisson, matalino si kuya e. Ako bobo. Ayoko lang na ikukumpara kaming dalawa. But don't get me wrong. (oh english yan) I love my brother. Sobrang mahal ko si kuya JS. (nickname niya)

Si eomma at appa ay nasa L.A. Nilipat kasi yung main branch ng company namin dun. Kaya kailangan nila i-handle yun. Naiintindihan naman namin ni kuya yun. Hindi kami nag tanim ng kahit konting sama ng loob sa parents namin. Dahil alam naman naming para samin din ang ginagawa nila. Tsaka di naman sila nag kulang samin. Every month nag papadala sila ng financial support samin ni kuya. Pati nadin kila Lolo at Lola at sa mga pinsan ko. Hindi din sila nakakalimot tumawag sa amin. Tapos tuwing may occasions, kahit super busy sila. Nakakauwi padin talaga sila dito sa Pilipinas. Ganyan nila kami kamahal ni kuya.

Nakatira kami ni kuya sa bahay ng Lola at Lolo namin. Di pa naman sila matanda. Around 50 lang. Kasama namin sa bahay yung tatlo kong pinsan. Sila kuya Kris Wu, ate Park Hyomin, at si kuya Lee Sungjong.

Nagta-trabaho pa ang lolo at lola ko. Pero mas madalas nasa bahay nalang talaga sila. Kasi hina-handle na nila ate Hyomin at kuya Kris yung business nila.

Si kuya Sungjong naman nag-aaral pa. Pareho sila ng university ni kuya JS. Same year level din. Di nga lang mag kaklase dahil magka-iba sila ng course.

/End of introduction.

Pabalik na kami sa klase ni Eunji ngayon. Hay. Ayoko na mag-aral. Si Ilhoon nalang talaga ang dahilan ng pag pasok ko e. Katamad -______-

Pagpasok namin ng room umupo agad ako. Antay sa boring naming teacher sa History.

Hay. Parang nangangati ang paa ko ah. I wanna go out. Haha. Gusto ko dumaan sa room nila Ilhoon.

Gawain ko yun e. Kunyari mag-ccr pero dadaan lang sabay silip sa room nila. Makapag-papansin at makapag-pacute lang. Actually mga 8-10 times siguro ako dumadaan sa room nila. Oh dba? Half day lang yan ah. Bat kasi di ko siya naging kaklase e. Haha. Asa!

"Eunji!"

Lumingon kagad si Eunji na nasa harapan ko lang naman. Dun siya nakaupo. Ako sa likod niya. Pinakalikod na yung chair ko. Last row. Tabi ako ng bintana kaso non sense din dahil palagi namang nakasarado yun. Lalabas daw kasi yung aircon e. Hay. San ka nakakita ng aircon na naglalakad. Mga hangal na teacher, pwe!

"Magpapansin ka nanaman. Ayan na si Mam oh." Sabay turo sa teacher naming 3 minutes late. Kapal ng mukha neto. Pero pag late ang estudyante, nagagalit. Leche!

After 25 minutes.

Hay. Ang tagal. Ang boring. Nakaka-irita. Pakealam ko naman sa World War I? Di ko na kailangan malaman yan. Di naman ako nabubuhay sa nakaraan e. Hay. Ang tagal mag discuss nitong lecheng to. Akala niya naman interesado ako sa mga pinagsasabi niya. Inaantok na ko. Pinipilit ko nalang talagang buksan ang mata ko para di halata. Nakasandal na ang ulo ko sa bintana sa sobrang pagka-buryo.

Nang biglang...

Dumaan si Ilhoon sa corridor. As usual. Naka-lagay nanaman ang kamay niya sa bulsa niya. Hay. Napaka-gwapong nilalang. San kaya siya pupunta?

Di na ko nag atubili at nag paalam sa lecheng history teacher namin.

"Maam. May I go out?"

"Okay. Dalian mo!"

Pake ko sayo! Tumakbo na ko palabas ng room at sinundan ang direksyon ni Ilhoon.

"Ilhoon ko!"

Lumingon siya. Waaah! Sisigaw na ba ko?

Ngayon ay kasabay ko na siyang mag lakad. Naabutan ko na siya.

"San ka pupunta? May klase ha. Inutusan ka nanaman ba ng teacher mo? Haay. Bakit ba sila ganun? Di porket ikaw ang top sa klase niyo pwede ka na nilang utos-utusan. Sino sila para gawin yun sa pinakamamahal ko? Gusto mo ba ireport ko sila sa.......

Huminto siya at humarap sakin na naging dahilan ng pag hinto ko sa pagsasalita at paglalakad.

"Mag c-cr ako."

Napahinto ako at na star struck. Nakita kong nasa tapat na pala kami ng Male comfort room. Pangalawang beses na to na kinausap niya ko. Waaaaaah!

Nakatingin lang ako sakanya habang nakatalikod siya papasok sa Cr. At ako? Eto, star struck padin at di makapaniwala sa nangyari.

"Haay ang kulit talaga. Bumalik ka na nga sa room niyo. Parang bata!"

Im. Done. Nag salita nanaman siya and this time I think Im gonna faint. (wrong gramming. lol)

Okay. Im. So. Done.

R.I.P FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon