Kim Taehyung's POV
“May pasalubong ako sayo.”
“Ano yun?” Excited niyang tanong habang nilalapit niya ang mukha niya sa akin. Hindi padin talaga siya nagbabago. Ang cute cute niya padin.
“Favorite mo.” sabi ko. “Waaaah, corned beef?” Hindi ko pa sinasabi ang sagot pero sumisigaw na siya. Grabe lang. Napaka-corn beef freak talaga nitong babaeng to. “Nahulaan mo agad? Ts.” Sagot ko. At bigla naman siyang nagtatatalon sa kama. Nakahiga kasi kami kama niya. Wag na kayong mag taka, ganito kami ka-close ni Bomi.
Lumapit siya sakin at yinakap ako ng mahigpit. Ang sakit sa leeg. “Kyaaaaaaaaah! Thank you V. I love you Alien ko.” Biglang nag init ang pisngi ko sa sinabi ni Bomi. Kung maka-I love you siya sakin, di niya ba naisip na baka bigyan ko ng ibang meaning yun? Hindi na kami gaya ng dati na naliligo pa ng sabay (with clothes on). I mean hindi na kami bata. Hindi pa talaga siya nag ma-mature.
“Ikaw talaga. Andun na kay Tita yung mga corned beef mo. Isang box yun ha. Mag-tae ka sana.” Sarcastic kong sabi sakanya. Binatukan niya ko. Aray ha. “Ang sama mo. Ngayon na nga lang tayo nagkita e. Wait tignan ko lang sa baba yung sinasabi mong isang box, baka niloloko mo lang ako e.” At tumakbo siya palabas ng kwarto. Baliw talaga, tss.
Ako si Kim Taehyung. V ang nickname ko. Pero ‘Alien’ ang tawag sakin ni Bomi. Bata pa lang kami, mag kaibigan na kami. Mag kaibigan kasi ang papa niya at papa ko since childhood. Patay na ang mama ko. Business partners din sila. Neighbors kami dati, pero nung Grade 4 ako, lumipat na kami sa US. May kailangan kasi asikasuhin si Dad dun, walang maiiwan sakin dito kaya sinama niya nalang ako. Dun kami nagka-hiwalay ni Bomi. Pero nangako ako sakanya na babalik ako. Tinupad ko diba?
Hindi ko lang childhood friend si Bomi, childhood girlfriend ko din siya. Haha, nung mga bata pa kami nag palitan kami ng vow sa isa't isa. Yung kasal-kasalan na laro. Pero girlfriend/boyfriend yung samin. Haha.
“V, thanks talaga ha. Grabe ang dami nun. Salamat alien ko.” Ang cute niya talaga. “Wala yun. Boma, namiss mo ko?” humiga siya ulit sa tabi ko.
“Hindi e.” sabi niya. Weh, sinungaling. “Hindi daw, pero kung maka-cling ka sa leeg ko kanina. Abnoy ka talaga!” Pinisil ko ang ilong niya. Sobrang namiss ko tong taong to.
“Haha. Pero no jokes, sobra! Sobrang namiss kita.” Hinawakan niya ang mukha ko at bahagyang sinampal ito. Pero hindi naman masakit, parang tinapik niya lang. “Namiss din kita Boma. Sobraaaaa.”
“Dito ka na ba magse-stay?” Tanong niya sakin. “Ayaw mo?”
“Sobrang gusto ko. Sinabi na sakin ni Dad na dito ka na titira. Sinisiguro ko lang. Dito ka na ha?” Dito na kasi ako titira. I'm staying for good. Dun nadin ako mag aaral sa school nila Bomi. Naayos na ni Papa lahat yun bago pa ko bumalik dito. Ayoko na sa US. Pumayag naman si Dad e. Miss ko na Pinas, miss ko na siya.
BINABASA MO ANG
R.I.P Feelings
FanfictionApink's Yoon Bomi and Btob's Jung Ilhoon fanfic story. [HoonMi] Theme: RomCom Characters: Apink's Yoon Bomi Btob's Jung Ilhoon BTS' Kim Taehyung/V Girls Day's Lee Hyeri Apink's Jung Eunji Exo's Kim Joon Myeon/SUHO B2st's Jang Hyunseung 4Minute's Kim...