Act 2

54 1 0
                                    

June 11, 2005

                Isang nakakabinging Ingay ang gumulat sa akin ng sandaling yun. Parang rindi ang tainga ko ng mga sandaling yun, Oo, Parang tila panggulat sa akin nung mga sandaling yun. Nagising ako, pati ang iba ay nagising din sa ingay na iyon. Agad akong nagmadaling nag ayos at sinuot ko ang damit pang militar. Mabilis kong tinakbo ang palabas ng men's quarters at duon sa labas ay nanlamig ako ng mga sandaling yun. Pasado ala una ng madaling araw nun at tila lahat ay nanduon na sa labas, pumuwesto ako sa harapan at nagsilinya din ang iba pang mga kasama kong sundalo. Bigla ay napaliyad ako dahil dumating na, sa tingin ko ang leader namin. Matangkad ito, mamang mama at matikas. Mababanaag sa asta nya ang tapang at tila di takot na sumagupa sa digmaan. Agad kaming sumaludo upang magbigay galang. Nahulog ang litrato ni jeyce mula sa kamay ko nang sandaling yun. Agad itong napansin ng leader ko at tinignan. Agad niyang kinuha ito at iniharap sa akin, sabay sigaw ng bawal ang syota sa kampo, sa loob ng kampo ay puro training dapat ang ginagawa at di libog. Napahiya ako saglit dahil nabigla ako, ipinahiya nya ako sa buong mga kasamahan ko dun. Mas nabigla ako ng punutin nya ito sa harapan ko. Pinigil ko ang sarili kong magalit, ngunit nakita nya ang sama ng tingin ko. Dahil dun ay pinag push up nya ako ng 150 times, bilang parusa ko. Kahit sobrang sama ng loob ko nun, wala akong magawa kungdi ang gawin yun, at duon nagsimula ang araw ko.

               Matapos manakit ang mga kamay ko nang mga sandaling yun ay napahiga ako sa damuhan, saktong ala sais ng umaga nang matapos kong gawin ang parusa sa akin, taas baba kong tinignan ang mga ulap. Nagulat ako ng biglang nakita ko ang mukha ng leader ko, napatayo ako at natakot na baka parusahan na naman nya ako. Hay buhay, Pero mukhang sinuwerte ako at tila pinalagpas ko ang mga sandaling yun. Una nyang tinuro ang tamang mga ginagawa kapag nasa isang mission patrol, Una, kailangang maging alerto at matalas ang pandinig sa paligid dahil di mo alam kung anong problema ang sasapitin mo. Pangalawa, ang Team Work, dahil ang pagiging isang sundalo ay di lamang nasusukat sa tapang at sa dami ng mga nagawa mo, tandaan daw naming mabuti na ang tunay na sundalo ay may paki alam sa bawat isa at walang naiiwan sa laban, ituring namin ang mga sarili naming parang mga tunay na magkakapatid. At ang huli, na mahalaga sa pagiging isang sundalo, ay kaya mong itaya ang iyong buhay upang ipagtanggol ang ating bansa. Hindi kami pumasok dito upang magtrabaho at pumera, nasa puso at isip namin ang posisyon bilang sundalo. Tinanong nya kami kung takot kami, kung takot ay umalis na sa kampo. May ilang umalis na pero ramdam ng mga paa ko na parang ayaw kong umalis sa kampo.

              Duon ay natapos ang araw ko, saktong tanghali nang magsimula ang tanghalian, Grabe, pam blockbuster ang pila sa tuwing kainan. Pero kailangan mong magtiis na pumila upang makakain. Napalingon ako nang kalabitin ako ni Gerry, kasama nya sila Ariel at Rocky. Habang pumipila kami ay ramdam ko ang tila kulitan ng dalawa. Pero kinausap ako ni Gerry na tila ang plano. Kinakausap nya ako tungkol sa kung bakit ako di umatras at umalis ng kampo, isa lang ang naging sagot ko sa tanong nya, simula nang tumapak ako sa kampo at nag aral ako ng apat na taon sa Military Academy ay hindi na ako muli aatras sa pangarap ko. Nagtanong pa sya kung takot ba akong mamatay, sinagot ko sya ng oo. Takot ako pero kung oras mo na, hindi ka na makakatakas kung oras mo na talaga. Napailing na lang sya sa naging sagot ko sa tanong nya. Habang kumakain, kita ko ang tila dalawang mag syota na to na nag aasaran. Kala mo nasa picnic sila, mukhang di nila alam na seryoso itong pagpasok namin sa kampo.

             Lumipas ang buong araw, matapos ang training sa pag depensa sa sarili ng walang armas. Ayun, naparami ako ng kain. Sa mga sandaling yun ay ramdam ko ang takot na tila bumabalik sa alaala ko, ang nakabigting si Jeyce. Napapikit ako sa tuwing iniisip ko yun. Parang bangungot na di na matatapos. Napansin ni Gerry na malalim ang iniisip ko, nagulat ako ng bigla nyang agawin at kainin ang ulam ko. Loko to ah! Natawa sila sa ginawa ni Gerry, at namalayan kong tumatawa na din ako. Lumipas ang mga sandali na masaya dahil nakilala ko ang tatlong bagong kaibigan ko. Ramdam kong hindi na ako malulungkot dahil kasama ko ang Three Stooges na ito. Hihihi...

            Gabi na naman, Oo, nasa loob na ako ng kuwarto namin, kita kong tulog na sila. Habang natutulog at rinig ko pa ang mga hilik nila. Tila nahawa ako at napahikab ako. Sa bawat letrang isinusulat ko dito, isang bagay ang tanging mahalaga sa akin. Ang tunay na layunin ko ay hanapin ang sarili ko.

                                                                                                                              Private Michael James Hipolito, 21st Infantry Command Group

*****************************************     End of Act 2     *******************************************************************

Try to follow me on

Twitter & Instagram: @khevingonzales

blog site: tropanglikodblog.tk

leaving a Vote and Comment makes me appreciate more! Thank you in Advance!

************************************************************************************************************************

Talaarawan Ni MichaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon