Act 6

18 0 0
                                    

December 31, 2005

             12pm

              Nakikipagpalitan kami ng putok ng baril sa mga depensang sumalubong sa amin, Narinig ko ang sirena na umalingawngaw sa buong lugar na iyon sabay tinig ng isang tila lalaking nagbibigay ng lakas ng loob sa mga kasama nito. Agad akong napaisip, itinutok ko ang armas ko sa tila speaker sa poste at binaril yun. Tila nagalit sila at muli ay pinaulanan kami ng bala. Sumenyas ang team leader namin na ikutan namin ang mga kalaban. Agad kaming kumilos at pinaikutan ang mga kalaban namin, niratrat namin sila habang nakatalikod sila, dahil duon ay nakausad na kami at ang iba pa. Narating namin ang kalsada patungo sa gusali ng bangko. Tatakbo sana ako nang biglang may balang tumama sa lupa, dahilan upang madapa ako at magtago. Nasa daraanan namin ang mga kalaban, hindi kami makausad dahil sa magandang pwesto nila. Bago pa ako mag isip kung ano ang gagawin ko, biglang lumitaw ang tangke namin, muli ay pinaputukan ang mga kaaway namin nakaharang sa aming harapan. Tila naubos sila nang patuloy silang binomba ng tangke namin, ngunit isang ingay ang narinig namin mula sa itaas, chopper ng kaaway namin, mababa lang ang lipad nito. Maya maya ay biglang isang mabilis na ilaw ang lumabas mula dito. Direchong tumama ito sa tangke namin, dahilan upang sumabog ito. Walang utos ay tinakbo ko ang entrance ng bangko at dumiretso duon, napalingon ako sa likod ko, kita ko ang ilang tira ng mga bala mula sa chopper na nanduon sa labas. Tinignan ko ang nilalakaran ko, kita ko ang ilang katawan ng mga kalaban namin. Muli ay ipinagpatuloy ko ang aking paglakad upang marating ang pinakalooban nito. Nadaanan namin ang malaking kuwarto kung saan nkapuwesto ang ilang bloke ng mga electronic devices o parang cpu ng computer, nawala ang atensyon ko nang makita ko ang anino ng mga tao sa likod, naroon ang pintuan papasok sa main hall. Agad akong sumenyas sa iba na may kalaban. Agad sumenyas ang team leader namin na ubusin sila. Agad akong naghagis ng granada at nang sumabog ay nakita kong lumitaw ang mga nagtatago at niratrat sila.

             Agad namin tinakbo ang pinto papunta sa main hall, nagulat ako nang may sumigaw nang sundalo. Napaupo ako at tumiyempo upang humanap ng magandang puwesto. Agad ko silang ginulat at niratrat. Tumba ang isa, dalawa, tatlo at may mga sumunod pang iba. Sumenyas ang team leader namin na umakyat sa hagdan upang marating ang rooftop ng gusali. Paakyat pa lang ako nang mahagip ng mga mata ko ang papuwestong mga kalaban sa ibaba at sa may gilid. Agad kong niratrat sila, pero priority namin mapatumba ang jamming tower upang maisagawa na ang direktang opensiba. Habang inaakyat ko ang hagdan, tumama sa mukha at sa pisngi ko ang buhangin at alikabok mula sa rooftop. Nang marating ko ang itaas nakitang kong pumuwesto sila upang depensahan ang tower. Pero inunahan ko sila at pinapaputukan sila, ang iba nagtago, mukhang di kami makakausad kung ang gamit ko ay ang rifle lang, agad kong ipinalit ang armas ko na may built in grenade launcher. Agad kong itinutok iyon at pinapaputukan sila. Mukhang napaatras ang ilang natira at tila natakot sa paggapi sa kanila. Muli ay umusad kami at tuluyang inubos namin sila. Nang masiguradong clear na ang buong area, agad akong inutusan ng aming team leader na ilagay na ang pampasabog sa tower, agad agad kong ipinuwesto iyon at iniready. Nang mailagay na iyon nang tama, kinuha ko ang trigger button, sa hudyat ng aming team leader, sinenyas nya ang pagpindot dito. Agad ko itong pinundot at narinig ko ang malakas na pagsabog, at nang linungin ko ay nakita ko ang tila pagtumba ng tower. At nang tuluyan na itong bumagsak ay muli, narinig ko sa aming radyo ang magulong static sounds, tila bumabalik na ang aming signal. Iniradyo ng aming team leader na tumba na ang jamming tower. Narinig nila ito at nakumpirma na wala na ang nag jajam ng signal. Muli ay nagpasalamat ang Commander namin na nagawa na namin ang trabaho nang mga sandaling yun.

                     Inadvise ng aming commander na darating ang aming sundo, pero kelangang i clear muna namin ang paligid, mahirap na at baka di na kami makaalis duon, agad akong kinausap ng team leader na gamitin ang aming drone upang i clear ang landing zone. Agad kong kinuha ang drone sa kamay ni team leader. Agad kong itinutok ang puwesto nito sa ilang kaaway. Nakita ko ang mga kalaban na kulay pula, nang i ready ko ang pagbomba, nakita ko na bumaba mula sa ulap ang puting liwanag na sobrang liwanag at dire direcho itong tumama sa tinarget ko sa drone. Kumalog ang buong puwesto, narinig ko ang ilang hiyaw ng mga kaaway namin. Muli ay tinutok ko ang drone sa ilang natitirang kalaban sa kalapit na building. Rinig ko muli ang kalog at matinis na tunog at sabay ang malakas na sabog. Sumigaw ang team leader namin, may enemy chopper ang pinapaulanan kami ng bala, muli ay itinutok ko ang drone sa chopper, maya maya pa ay narinig ko ang tila matinis na tunog sabay sabog. Narinig ko ang tila pagbagsak ng chopper. Duon ay napatayo na kami, sabay nun ay lumapag ang sundo naming helicopter. Sumakay sila sa chopper upang umalis na duon.  Nang makasakai sila ay sumakai na din ako, pumuwesto ako sa minigun, upang idepensa ang chopper namin mula sa mga rpg o rocket ng mga kaaway. Nang makalipad kami ay rinig ko ang tama ng bala sa chopper namin, agad kong niratrat sila at sabay tingin kung meron pang ibang natira, may dalawa pa, tila itinututok sa amin ang rocket launcher, pero agad ko silang niratrat, kita kong naiputok nila ang rocket pero paitaas ang direksyon nito. Agad na naming nilisan ang lugar na yun. Habang lumilipad kami ay narinig ko ang tila utos ng commander namin na kailangan na naming umalis upang humanap ng ibang safezone upang maglanding dahil tila hindi pa safe ang bumaba sa ibaba dahil hindi pa 100% na fully controlled ng militar ang buong lugar.

                   Nasa ere pa din kami pero tila hirap ang piloto namin na humanap ng landing zone, napalingon ako kay gerry na tila naidlip. Kita ko sa mukha nya ang matinding hapo ng buong katawan nya. Ako naman ay tila napagod na din, naipikit ko ang dalawang mga mata ko. Alam kong kailangan kong magpahinga dahil hindi pa tapos ang opensiba ng buong militar. Naramdaman ko ang tila bumababa na galaw ng chopper. Nakita kong seryosong nagiding si gerry at ang iba pa. Nang makalanding kami ay bumukas ang pinto at nakita ko ang ilang sundalo na nagkagulo at ang iba nasa isang tabi lang at umiyak. Kaya napababa ako at mas nakita ko pang ang buong kaguluhan. Habang naglalakad ay napaupo ako, agad akong napatayo dahil tinulungan ako ni gerry, kaya naman natutuwa ako dahil alam kong maski nasa giyera kami, ramdam ko ang tila kapatid na gumagabay sa akin. Naipikit ko ang dalawang mata ko habang nasa ibabaw ko ang aking talaarawan. Napaisip ako, ano ang mangyayari bukas? Buhay pa kaya ako?

******************************     END OF ACT 6     *******************************************************

follow me on Twitter & Instagram @khevingonzales

visit my blogsite at tropanglikodblog.tk

***********************************************************************************************************

Talaarawan Ni MichaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon