Act 9

17 0 0
                                    

January 2, 2006

Narating namin ang lugar kung saan ang mga kasamahan namin ay hirap na sa pagdepensa sa aming dadaanan namin. Nang makalapit ako, agad kong hinanap ang leader sa grupong ito. Itinuro sa akin ng sundalo na nasa may tumumbang truck siya at tila alanganin dahil unti unting lumalapit ang mga ito duon sa puwesto ng leader nila. Agad kong niradyo kay captain ang sitwasyon, ilang sandali pa, humahangos na napalapit sa amin si captain. Ipinaliwanag ko sa kanya na nasa gitna sya kung saan ang puwesto namin at ng kalaban. Napatingin si captain sa gilid at duon nya nakita ang captain na may tama nga ito sa paa. At isang 45 na baril lang ang hawak nito. Agad na nag isip ang captain namin, kinalabit nya ako at kinausap. Pinaliwanag nya sa akin ang plano nya. Habang pinapaliwanag nya iyon, napagawi ako kung saan naroon ang kasama namin, lumalaban at handang tanggapin ang anumang mangyayari sa mga sandaling yun. Hindi ko na pinatapos si captain at agad na inihanda ko ang armas ko. Sinabi ko kay captain na kailangan ko lang ng covering fire para matakbo ko ang kinaroroonan ng kasamahan ko. Muli ay saglit na pumikit at nagdasal nang mabilis at agad na pumuwesto sa isang gilid ng puwesto namin. Sumenyas ang captain namin na i cover fire ako. Iniyuko ko ang ulo ko at nang sumigaw si captain ng covering fire, umalingawngaw ang putok ng baril nila. At duon ay tinakbo ko nang mabilis ang puwesto ng kasamahan ko. Habang tinatakbo ko ang puwesto tila ramdam ko ang pagbagal ng mga sandali. Rinig ko ang mga putok ng baril na tila tunog sa loob ng kuweba, kita ko pa sa isang gilid ng mga paningin ko ang takbo lipat ng pwesto ng mga kaaway namin. Agad na muli ay bumalik ang normal sa lahat, napayuko ako nang marating ko ang puwesto nito. Tila nakaramdam ito nang ginhawa nang makita ako nito. Agad kong niradyo si captain na nasa puwesto na ko. Muli ay inisip ko ang pwede kong gawin. Ano nga ba?

Habang naglelecture ang guro namin sa literature, napansin ko ang tila pagisnab sa akin ni jeyce, muli ay sumutsot ako sa kanya, ngunit di nya ako pinansin. Dahil duon ay napaisip ako na tila nagtatampo ito dahil di ko sinagot na alam ko kung anong araw ngayon, napangiti ako. Narinig ko bigla ang pagsalita ng guro namin, at sabay dismiss sa amin. Nang matapos yun ay nakita kong nag-ayos si jeyce ng mga gamit nya sabay lagay sa bag nya at sabay lisan. Tinawag ko sya ngunit di nya ako pinansin. Duon ay mabilis kong inayos ang mga gamit ko. Lumabas ako ng klase ngunit di ko na sya naabutan pa. Takte naman, eh kasi nga supresa ko yun sa kanya yun. Duon ay nanlumo ako nang sobra ng sandaling yun. Nakakaiyak naman, di man lang nya inantay paliwanag ko, hindi nya alam na may regalo ako sa kanya. Duon ay nakita kong lumabas ng klase ang kaibigan ni jeyce. Lumapit sya at kinausap ako kung pwede daw bang mag usap kami sa pribadong lugar. Napatingin ako nang mauna syang maglakad, ngunit tila napasunod ako sakanya at tila may gusto din akong malaman. Narinig kong sumisigaw si captain sa radyo. Ano ba daw yung plano ko, agad kong sinabi na i cover fire nila ako upang marating ang puwesto nila. Bubuhatin ko sya dahil hindi nya kaya maglakad ng malayo pa. Agad silang sumang ayon, sinabi ko sa kasamahan ko na bubuhatin ko sya at umoo na lang sya. Nang ihanda ko ang pagbuhat ko sa kanya ay tinawagan kong muli si captain at muling sinabi na bigyan ako nang senyales kung handa na sila. Agad kong isinakay sa likod ko ang sugatang sundalo at inihanda ang sarili ko. Humihinga ako nang malalim, upang kumuha ng lakas ng loob, tila duon ay nakaramdam ako nang kaba, ngunit ayaw ko pa ring daigan ng sobrang takot ng mga sandaling yun. Kailangang ihanda ko na ang sarili ko. Ito na, nang marinig ko ang maliit na sigaw ni captain, umalingawngaw muli ang malakas na ingay ng baril at sumigaw sa radyo si captain ng takbo at duon, kahit mabigat ay pinilit ko ang tumakbo nang mabilis.

Tinakbo ko ang puwestong iyon pabalik kila captain habang buhat buhat ang sugatang sundalo sa likod ko. Rinig ko ang pagputok ng mga baril sa bawat paligid at rinig ko din ang daplis ng mga bala sa bawat hakbang ko. Habang pinipilit ko ang tumakbo nang mabilis nang sandaling yun ay kita ko sila captain na tila bilisan ko daw ang takbo ko nang mga sandaling yun. Loko mga to, may buhat buhat ako kaya hirap ako tumakbo, tila parang napakalayo ang tinatakbo ko. Dumadaloy ang pawis ko sa buong katawan ko dahil din sa tindi ng init nang mga sandaling yun. Muli ay napatingin ako sa langit, muli ay naalala ko ang nangyari. Nang marating namin ang school garden, tumigil duon ang kaibigan ni jeyce at humarap sa akin. Nagulat akomkung bakit nya ako dinala dito. Maraming naglalaro sa isip ko nang mga sandaling yun. Muli ay narinig ko ang mga tanong nya nung sumambay sya sa amin pumasok ni jeyce kanina. Talaga bang daw mahal ko si jeyce. Duon ay napakunot ang noo ko, sabay sabi ng Oo naman. Muli ay parang di natinag ito sa mga pagtatanong nya, nagulat ako sa sunod nyang tanong, paano daw kung may gustong iba si jeyce. Nagulat ako sa tanong nito? Kaibigan ba ito ni jeyce? Mukhang trinatraydor siya nito. Dahil duon ay napatalikod ako at nagpaalam sa kanya, walang halaga na makipagusap sa lokong ito. Nang magsimula akong maglakad palayo sa lugar na yun, narinig ko ang tanong na gumulat sa akin. Sinabi nya na ano ang gagawin ko kapag ang bestfriend ko ang pumatol sa gf kong si jeyce? Dahil duon ay napaharap ako, sabay lapit dito at hawak sa magkabilang balikat nito. Galit kong sinagot sya na ano ba ang gusto nyang palabasin? Pero isang bagay ang nagpakumbinsi sa akin, sabi nya, nanduon ngayon sa bahay nila jeyce ang bestfriend kong Ely. Huh? Yun ang nasambit ko nang mga sandaling yun.

Habang tinatakbo ko ang kinaroroonan nila captain, malapit na ako sa puwesto nila nang biglang may masakit akong maramdaman sa bandang paa ko, nadaplisan ako ng bala sa hita ko. Duon ay napasubsob kami sa aspalto ng kalsada. Duon ay napatingala ako sa langit at nakita ko ang mga usok na dulot ng mga sunog na sasakyan. Ipinikit ko muli ang mata ko, ano nga ba nangyari nang mga sandaling yun? Oo nga pala. Hawak komsa balikat ang kaibigan ni jeyce. Kinalog ko ang balikat nya na huwag magbiro nang ganun, pero randam ko ang galit nang sandaling yun. Pero imbes na sumagot sya sa akin ay lumuha sya akin, duon ay nakonsensya ako dahil babae pala ang kaharap ko nang mga sandaling yun. Naramdaman ko ang unti unting pagdaloy ng mga luha mula sa mata ko. Totoo nga ba ito? Si Ely at Jeyce, may relasyon? Dahil sa galit ko ay nasuntok ko ang pader sa sobrang galit nang mga sandaling yun. Kuyom na kamao at agad akong lumisan, narinig ko na tinawag nya ako pero di ko narinig ang mga sinabi nya. Dahil siguro sa sobrang galit ko nang mga sandaling yun. Ang sakit sakit, trinaydor ka nang sarili mong bestfriend at ng taong pinakamamahal mo, pero gusto kong masigurado muna kung sila nga ba. Wala na din si Ely, sabi ng isang kasama nya sa media club. Dahil duon ay mas lalong lumaki ang hinala ko. Ayaw ko munang siguraduhin pero parang di ko kakayanin kung totoo nga yun. Ang sakit sakit sobra. Di ko na inantay na sumagot ang kasama ni ely at lumakad na ko. Habang nag aantay ako nang masasakyan ko na bus, di ko mapigil ang patuloy na pagdaloy ng luha ko. Kahit pala lalaki, iiyak kapag ganung sitwasyon ang malaman mo. Grabeng sakit na ang naranasan ko, sa araw pa na pinaka espesyal sa amin ni Jeyce. Nakasakay na ko sa bus, at nang makaupo ay parang timang na wala sa sarili akong nakatanaw sa labas ng bus. Hindi ko napansin na nasa harap ako nang bahay nila jeyce. Kumatok ako sa gate nila ngunit walang sumagot. Dahil duon ay pinasok ko ang bahay nila. Sana mali ang hinala ko. Diyos ko. Pagkabukas ng pinto ng bahay ay tinawag ko si jeyce, narating ko ang sala pero tila walang tao duon. Mas nagulat ako nang makita ko ang uniform ni jeyce at ng isang uniform na lalaki, yung bag katabi nito, Sandali, kay Ely ito. Dahil duon ay napatakbo ako sa itaas, nang matapat ako sa kuwarto ni jeyce, ipinikit ko ang mga mata ko.Ayaw kong makita yun, please, tugon ng isip ko, Sabay hawak sa door knob at dahan dahang pinihit yun.

************************* End of Act 9 *****************************************

follow me on my Twitter & Instagram @khevingonzales

check out my commentary blog site: http://tropanglikodblog.tk

read, vote and leave a comment! Well Appreciated It! Thanks in Advance!

**************************************************************************************

Talaarawan Ni MichaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon