Epilogue

12 0 0
                                    

Umuulan nung araw na iyon. Nandun silang lahat. Tahimik sila habang naglalakad kami. Diretsong tindig ako habang buhat buhat ko sya, rinig ko ang trumpeta na tinugtugtog ang awitin para sa magiting bayani na sundalo. Makulimlim ang ulap at kahit mabigat ay di ko alintana ito dahil alam kong mas gugustuhin ko pang huwag nang marating iyon. Kita ko sa malayo ang mga kapwa ko sundalo. Nasa loob na kami ng tolda, duon ay aming ipinuwesto upang ipatong sya. Sumaludo ako sa kanilang dalawa sa huling pagkakataon. Duon ay umalis kami upang pumuwesto sa tabi ng ilan naming kasamang sundalo.

Habang nagsasalita ang pari ay nakita ko ang pag iyak ng magulang ni michael. Andun lahat ang mga kamag anak niya. Dalawa sila ni garcia na ililibing sa araw na ito. Andun ang lahat ng mga kamag anak nila. Nang matapos magsalita ang pari ay nagsalita na sila captain. Ipinaliwanag niya sa magulang ni michael na may naging pagtatalo sila, pero naipaliwanag na din ni captain na humingi na sya ng kapatarawan kay michael. Sa mga magulang naman ni garcia ay ipinaliwanag nya kung bakit ito namatay at duon ay lalong umiyak ito.

Nang ibinaba na ang mga labi nila, tuloy ang iyakan nila. Ako naman ay nakamasid lang sa di kalayuan. Narinig sa buong libingan ang alingawngaw ng putok ng mga baril, simbolo ng pagsaludo sa mga nalagas naming kasama. Nang ibigay ko kay michael ang bulaklak ay nangako akong ipaghihiganti ko sya sa mga animal na yun. At dun ay napatingin ako sa umuulang kalangitan.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Talaarawan Ni MichaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon