Part 12

10 0 0
                                    

January 3, 2006

            Pasado alas-siyete impunto ng gabi, naalimpungatan ako sa ingay sa labas at malakas na preno ng trak na sinasakyan namin. Naalimpungatan din ang iba, kasama na din si Gerry. Agad akong bumaba at nang makalabas, agad akong naglakad ng dahan dahan papunta sa nagmamaneho ng trak. Sumilip ako sa salamin ng trak, nang mapansin ako ng drayber, sinabi nitong may nakita syang patrol ng ilang grupo. Duon ay sumenyas ako na bumaba sila at maingat. Bumalik ulit ako sa likod nang trak, nagulat sila nang makita nila, ako. Nagtanong si gerry kung ano ang problema, nasabi kong may mga kalaban sa dadaanan namin, duon ay inutos ko sa kanila na umalis nang trak. Duon ay lumabas sila at nang wala nang maiwan pa saloob ng trak, sumenyas ako na maglakad patungo sa dapat naming puntahan. Nang medyo nakakalayo na kami ng aming nilalakad, nakarinig kami ng pagsabog, oo alam naming winasak ng mga kalaban namin ang inabandonang trak. Sinabi ko na kailangan naming marating ang location bago mag umaga. Halos ilang metro na ang aming nalalakad, nagpasya akong magpahinga kami upang mag ipon ng lakas para bukas. Ilang sandali ay nag kanya-kanya ng puwesto ang mga kasama ko, dahil kahit nakapag pahinga na kami, di namin maialis ang pagod sa buo naming katawan, Napili kong pumuwesto sa isang malaking bato kung saan malapit ito sa ilog, umupo ako, sa ilang saglit, tinanggal ko ang helmet ko at napapunas ng panyo. At nang ihiga ko ang katawan ko, napatingin ako sa kalangitan, kung saan kitang kita ko ang malawak na kalawakan, mga kumikinang na mga bituin na nagpapaganda ng mga sandaling iyon. Naramdaman ko ang paghiga malapit ni gerry, maya maya nag salita siya na kung iniisip ko ang galit ni captain dahil hindi ko naprotektahan ang kapatid nya. Oo, inuusig ako ng konsensiya ko, napapikit ako at sumariwa muli ang mga nangyari kaninang hapon. Naghihingalo ito, kita ko ang pagdaloy ng masaganang dugo mula sa katawan nito, sabay pag abot ng isang sulat sa akin, kita ko sa mata niya na handa siyang umalis ng mga sandaling yun.

               Napadilat ako nang mata dahil hindi ko na kayang isipin ang mga nangyari kanina, hindi ko maintindihan ang mga kinuwento ni gerry sa akin, ngunit nang sabihin nyang huwag akong mag alala dahil hindi ko ginusto ang nangyari kanina. Sinabi ko na sana nga ako na lang ang tinamaan ng bala ng mga sandaling yun, tutal inutil naman ako, baldado at walang kwenta. Matapos kong sabihin ko iyon kay gerry ay napatayo ako, sabay kuha ng helmet at isuot sa ulo ko. At kahit nilisan ko na ang puwesto ni gerry, narinig ko pang tinatawag ako ni gerry. Hindi ko na siya pinansin pa dahil alam kong wala din namang mangyayari at ganun pa din ang tingin nila sa akin. Habang naglalakad ako ay lumapit sa akin ang radio operator namin kung saan, may tawag ako mula sa ground command. Alam ko at inaasahan ko namang mangyayari ito, kaya sinundan ko ang operator ng radyo, nang iabot nya sa akin ang radyo, narinig ko ang boses ng commander namin. Nalaman nya ang nangyari sa kapatid ni captain. Duon ay inako ko ang lahat ng mga pwedeng ipataw na parusa sa akin. Pero sinabi naman ni commander na hindi naman nya ako sinisisi sa mga nangyari dahil hindi naman ito ginusto at aksidente lang lahat, duon ay derekta kong sinabi at ipinangako ko na hindi na ito mauulit pa at hindi ko hahayaang may mag buwis pa ng buhay pa sa grupo ko. Narinig kong bumuntong hininga si commander at sinabi na huwag kong ipahamak ang sarili ko dahil ito na ang dahilan kung bakit kami naging sundalo, simula pa lang na itapak ko ang mga paa namin sa kampo, expect the unexpected things. Duon ay sumang ayon ako at nag paalam na, nang maglakad na muli ako ay iba ang nasa utak  ko nang mga sandaling iyon, daig ko pa ang manhid dahil ramdam ko ang sakit nang mawala nang mahal sa buhay. Duon ay naramdaman ko ang pagdaloy ng mga luha mula sa mga mata ko, dahilan upang manlabo ang paningin ko. Nang pinunasan ko ang luha ko, umalingangaw ang putok ng baril sa paligid namin.

                   Agad silang nagising, naalerto kaming lahat pero tahimik kami, ayaw namin gumawa ng ingay upang makita kami. Napansin ko ang humahangos at pawisang paglapit ni gerry, sinabi nitong may ilang patrol sa paligid namin, pero hindi pa kami nakikita dahil madilim ang buong paligid. Agad kong inutos sa iba na sumibat na kami, sinabi kong nasa lugar kami ng mga kaaway at baka maraming reresbak sa amin kapag pinalagan namin sila. Agad kong inutos si gerry na mauna ang iba upang makatakas, pero sinabi ni gerry na sasamahan nya ako. Pero, hindi pwede, hindi ako papayag na may isa pang kasamahan ko ang mapapahamak nang dahil sa ginawa kong pagpapabaya kanina, hinding hindi ko na pwedeng payagan ito, Sinabi kong magpapaiwan ako dahil kailangang may maiwan upang hindi sila agad masundan ng mga nagpapatrol. Gusto pa na magmatigas ni gerry, ngunit sinabi ko na susunod ako sa kanila. Kita ko na ayaw pang umalis ni gerry, ngunit nagalit ako at sinabing mauna na sya, sinabi ko na susunod naman ako sa kanya agad. Walang nagawa si gerry at iniwan nya ako. Nang mawala na sya ay ikinasa ko ang armas ko, kinuha ko ang granada upang ihagis iyon, sabay bato duon sa harapan ko. Umalingawngaw ang malakas na pagsabog nito sabay umusok ang buong paligid. Narinig ko na tila papunta na sila sa puwesto ko. Nang masipat ko ang isa na tumatakbong papalapit sa akin ay bumulaga ako sabay rat rat ng baril ko, tumba ang isa, nagtago muli ako at naramdaman ko ang pagtama ng bala sa pinuwestuhan ko. Tuluy tuloy iyon at tila hindi titigil hanggat di nila ako napapatay. Muli ay gumanti ako ng putok sa kanila upang mapatigil ko sila habang tumatakas ang iba. Hindi pwedeng malagasan ang grupo dahil kailangan sila sa susunod naming location. Nang maubusan ako nang bala nagkarga ako muli ng magazine at niratrat sila, ramdam ko na paubos na ang bala ko nang mga sandaling yun. At nang mag click na lang ito ay ibinagsak ko ito, pero kumuha ako muli ng granada at ibinato ito sa kanila. Sabay tumakbo ako nang mabilis at rinig ko ang yanig nang pagsabog sa buong paligid. Hingal man ay binilisan ko ang pagtakbo, di baleng mamatay nang tumatakbo kesa sila ang tumodas sa akin. Tuloy pa din ako sa mabilis kong pagtakbo. Narinig ko ang ilang boses na parang hinahanap ako. Duon ay nahulog ako sa mababaw na bangin, napagulong ako. Saktong may lagusan duon at nagtago ako.

                   Nakita ko ang ilang ilaw ng mga napakaraming flashlights. Rinig ko din ang boses na tila na badtrip sila dahil hindi nila ako nakita. Nang makaramdam ako, ay nakita kong lumisan sila at ilang yabag ng mga paa nila mulsa ibabaw ng pinagtataguan ko. Duon ay napahinga ako nang maluwag. Pero nag iingat pa din ako na baka marinig nila ako. Matapos ang paglipas ng ilang oras, ginamit ko ang radyo ko upang tawagan ang mga kasama mo at sabihing buhay ako. Nahihirapan ako tumawag dahil sa mababang signal reception sa puwesto ko. Nainis ako dahil kailangan kong tumawag sa kanila. Naisip ko ang morsecode. Duon ay ginawa ko ang pag click gamit ang morse code. Nag antay ako kung may sasagot sa tawag ko baka may nakikinig pa. Pero ilang saglit pa, walang respond mula sa radyo ko. Buwisit talaga naman oh! Wala akong nagawa, luminga linga ako sa paligid kung may mga naglalakad. Dahan dahan akong naglalakad palabas sa tinataguan ko. Nang makalabas ako sa tinataguan ko, dumampi ang malamig na hangin sa hating gabi. Habang naglalakad ako ay sinubukan kong i dial muli ang mga kasamahan ko baka mag ka signal na muli. Click ako nang click pero daig ko pa ang kumakapa ng paligid. Naglakad muli ako sa paligid upang humanap ng signal. Nagkaroon ako nang pag asa nang marinig ko na may putol putol na signal akong naririnig. Naiinis na ako, muli ay naghanap ako ng signal upang makatawag na ako. Tumingin ako sa paligid at tanging ingay ng mga insekto at dahon ang naririnig ko. Maya maya nakatawag ako, nakausap ko si gerry, sinabi kong ayos lang ako. Sinabi kong hahabol ako sa kanila upang makatuloy na sa lokasyon namin. Nang masabi ko na ang mga dapat kong sabihin, hindi ko sinasadyang naapakan ko ang nalaglag na sanga ng mga puno. Umalingangaw ang malakas na tunog nito. Kinabahan ako bigla, alam kong narinig nila ito. Maya mayarinig ko ang takbo ng mga tao sa paligid dahilan upang tumakbo na ako. Nalintikan na!

********************************      End of Part 12      **********************************************************

follow me on Instagram & Twitter @khevingonzales

*********************************************************************************************************************

Talaarawan Ni MichaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon