Act 5

28 0 0
                                    

December 31, 2005

           Nagising ako, ramdam ng buong katawan ko ang matinding hapo na dahil sa kahapong dinanas ko, nakita ko si gerry na kinakargahan ng bala ang kanyang armas. Nagulat sya nang maupo ako katapat nya, buti na lang daw at nagising na ko. Habang natutulog daw ako, dumaan ang ground commander ng tinulugan namin, sabi nito ay lalarga kami ngayong umaga para umusad. Ihanda na namin daw ang aming mga sarili sa mga pwedeng maganap habang ginagawa namin ang aming tungkulin. Ramdam ko na masakit pala ang makita na tila nahihirapan na ang iba mong kasamahan. Para kang tinutusok ng napakaraming karayom sa dibdib mo. Kaya nagulat si gerry nang ihanda ko na ang aking sarili sa mga pwedeng maganap habang nandito kami. Binuksan ko ang dala kong bag, inilabas ko ang assault sniper rifle, kinargahan ko yun ng bala at kinasa. At nagkarga din ako ng bala sa magnum kong baril. Matupos yun ay isunukbit ko ang dala kong magnum habang dala ang rifle. Agad akong puwesto sa ilang nakahanda nang mga sundalo. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napahabol at nasa likod ko na si gerry, ngumiti ako at tila ngumiti rin ang kupal. Nakita kong lumapit na ang ground commander ng aming tinuluyan kagabi at nagsalita, sinabi nyang oras na para umusad, mula dito ay kailangan naming maglakbay gamit ang military truck papunta sa war zone. Pero binalaan nya kami na pwede kaming ambushin habang nasa daan kami kaya dapat ay palaging naka red alert kami dahil papasok kami sa teritoryo ng kalaban. Dinagdag pa nya na hindi pwedeng gumamit ng transreciever radio dahil na jajam ng mga kalaban ito at naririnig nila kung anong opensiba ang aming gagawin, pagkatapos magbigay ng napakahulugang speech, may ihinabol syang huling paalala, kailangan naming makauwi ng buhay. Natawa na lang ako sa sinabi nya.

                 Habang bumibyahe ang aming truck papunta sa aming destinasyon, nakita ko ang kaharap kong may idina dial sa radyo na, sinaway ko sya dahil sinabi ng ground commander kanina na bawal ang radyo habang bumibyahe kami. Napansin nyang seryoso ako at humingi ng paumahin. Parang nakonsensya ako sa ginawa ko pero tama lang yun, dahil para din sa kaligtasan namin yun. Napalingon ako kay gerry na tila nagdadasal. Dahil duon ay napatingin ako sa labas habang kita ko ang isa pang truck kung saan lulan ito ng ilang mga pasaherong kasamahan ko din. Maya maya ay nakarinig ako ng ingay, tila may matinis na tunog, naalerto kami at ilang segundo, nakita kong may tumamang rpg sa truck na nasa likod namin, sumabog yun at nagliliyab. Sumigaw ang driver namin ng labas dahil may nanira sa amin ng rpg o rocket. Bago pa man kami makababa, nakita kong tinaman din ang truck namin, kaya't napagulong ako. Nadapa ako at sumubsob sa lupa, nang imulat ko ang dalawang mata ko, napatingin ako dahil marami nang dugo sa harap ko, agad akong tumayo at pinunasan ang dugo sa pisngi ko, sabay kuha ng baril ko. Nakita ko ang walang buhay na katawan ng kasama ko kaya hinatak ko ito sa gilid ng sumabog naming truck. Nakita ko ang mga kasamahan kong nakikipagpalitan ng putok ng mga sandaling yun, tila sobran tagatak ang pawis nila pero determinado silang ipagtanggol ang sarili at ilang kasamahan kaya nang kalabitin ako ni gerry dahil tila nawawala isip ko, itinutok ko ang sniper rifle ko sa ilang mga kaaway, natamaan ko ang iba pero kailangang umusad, agad akong lumipat ng pwesto upang magapi ang ilang kaaway na nasa kabilang side kung nasaan kami, kita ko sa scope ng baril ko ang itsura nila, tila mga muslim sila pero mababanaag mo ang sakit at galit at poot sa mata nila. Tila gusto nila kaming ubusin, kaya nang masakto ko yun, hineadshot ko yun at ayun sabog ang ulo. Naging sunud sunod yun dahil siguro sa matinding trainig ko nun sa kampo. Babarilin ko pa sana ang iba nang makita kong dumating na ang aming reinforcements, kita ko ang itim na military chopper na tinadtad ng bala ang natitira namin kaaway. Nang masiguradong wala nang natira, agad isang sasakyan ang pumarada sa harap namin. Agad ako sumakay duon, sabay din si gerry. Pinapuwesto ako ng driver sa minigun na nasa ibabaw ng sinasakyan namin.

           Habang umuusad ay iniiikot ko ang minigun sa bawat direksyong dadaanan namin. Narinig kong nagbigay ng advisory ang commander namin mula sa radyo ng aming sinasakyan, ina advise kaming mag ingat dahil multiple enemies ang papunta sa aming direksyon. Matapos nun ay binilisan ng aming driver ang pagmamaneho, ako inalerto ko pa lalo ang sarili ko dahil alam kong marami sila. May nakita akong ilang mga tao na tila nagtatago sa kanilang bahay at sinasara yun, Sinabi ng aming driver na wag magpapaputok sa sibilyan hangga't hindi sila nagpapaputok. Nang may tumamang bala sa gilid ng sasakyan namin, napalingon ako sa kaliwa, kita ko ang mga kaaway na binabaril kami. Agad kong itinutok ang minigun ko duon at tinadtad sila, namatay sila,narinig kong nagsalita si gerry ng nice one cowboy. Ngumiti ako ngunit hindi pa oras upang kumampante. Alam kong nagsisimula pa lang kami, wala pa nga sa kalahati yung nagagawa namin. Muli ay narinig ko ang advisory ng aming commander sa radyo, may isang task syang ipinagagawa sa amin, kailangang sirain namin ang jammer tower sa isang bangko duon, para makapasok na ang air support sa area. Matapos nun ay huminto ang kotse, bumaba kami upang pumunta sa ilan pa naming mga kasamahan na nanduon din, Duon ay nakita kong nagbibigay ng short briefing ang sarhento. Sinabi nyang kailangang ma takeover namin ang buong gusali nang bangko na iyon, nasa rooftop nun ang jammer tower na syang dahilan kaya di kami makakuha ng air at ground support sa lugar na iyon. Maraming kaaway ang nanduon upang protektahan ang gusaling iyon, kaya naman nag advise siya na mag iingat kami. Pagkatapos nun ay umalis na sya upang manduhan ang ilang tropa.

          Habang naglalakad kami, bigla kaming pinaputukan ng sniper, napatago kami. Sumenyas ang team leader namin na itumba ang marksman. Mula sa kanan, isang sirang building kung saan nanduon ang bumabaril. Agad na nakita ko ang isang sundalo na humanap ng puwesto upang hanapin iyon. Sumenyas sa akin ang team leader na pumunta sa kanya, Nagulat ako, sigurado ba syang pinapapunta nya ako duon? Mukhang delikado nang pumunta duon dahil may tsansang matodas ako. Pero nang bulungan ako ng isang sundalo sa likod ko, sabi nya, pain daw ako para lumabas yung marksman. Kinabahan ako sa lagay na yun ngunit wala na akong magagawa. Huminga ako nang malalim at sabay na tumakbo papunta duon sa puwesto ng team leader namin. Naramdaman ko ang tila pagtama ng bala sa bawat daanan ko. Nang marati ko ang puwesto ng team leader namin narinig ko ang sunud sunod na putok ng sundalong may bitbit na sniper, maya maya pa sumenyas ito na tumba na ito. Napahinga ako nang malalim nang sandaling yun, sabay tinapik ako sa balikat ng team leader namin nang good job son.  Natuwa naman ako kahit paano pero di mo maalis ang takot sa buong pagkatao ko nang mga sandaling yun, eto na nga ba ang sinasabi nilang totoong buhay ng isang sundalo. Nagulat ako nang biglang sumakay sa likod ko si gerry, tila tuwang tuwa dahil astig ko daw kanina. Loko talaga tong ungas na to. Maya maya ay sinaway kami ng team leader at sinabing kailangang marating namin agad agad ang bank building upang sirain ang jamming tower. Para maka detect na ang air at land support at para malaman kung nasaan ang ilang mga natitira pang mga kalaban. Nang magpatuloy kaming naglakad, ramdam kong nasa tila mala impyernong lugar ako nang mga sandaling yun. Ramdam ko ang mas matitinding hirap na dadanasin ko sa bawat araw na lilipas. Alam kong simula pa lang itong mga bagay na ito dahil marami pang pwedeng mangyari sa mga susunod na opensibang gagawin namin.

*****************************     END OF ACT 5 ****************************************************

FOLLOW ME ON TWITTER AND INSTAGRAM @KHEVINGONZALES

******************************************************************************************************

Talaarawan Ni MichaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon