Act 7

29 0 0
                                    

January 1, 2006

           Minulat ko ang aking mga mata at tumambad sa aking mukha ang mausok na paligid, halos wala akong makita at rinig ko ang maiingay na usapan ng mga tao. Yun pala eh naghahanda na sila para sa muling opensiba kontra sa mga kalaban. Kita ko ang mga di mapakaling sundalo na pabalik balik sa kahit saang direksyon at tila walang sinasayang na mga segundo. Agad kong binitbit ang dala kong mga gamit upang sumunod sa mga ito. Nakita ko si Gerry na inaayos ang mga gamit nya. Tinawag ko sya at nakita ko sya, agad nya akong pinalapit at may sinabi. May masamang balia pala. Nasa panganib ang aming ilang kasama duon sa target location namin, napapaligiran sila ng mga kaaway. Kasamang nanduon si Cpl. Garcia, bigla ay kinabahan ako pero ayoko munang dagdagan ang mga espikulasyon ng puso at isip ko nang mga sandaling yun. Wala na akong sinayang na sandali at inihanda ang gagawing reinforcement sa mga kasamahan namin. Matapos iayos ang mga gamit namin, kumilos agad kami upang pumunta sa Briefing Room, Nanduon si Lt. Lukban at Capt. Ramirez, sya ang magiging team leader namin sa operation na ito. Naupo kami ni Gerry sa harapan at pumasok na ang iba. Nang nanduon na ang lahat, ipinaliwanag ni Lt. Lukban kung ano at paano kami reresponde. Nasa isang secluded area ang grupo nila Cpl. Garcia at ang natitirang sampung kasama nito, halos paikot ang nakapaligid sa kanila kaya nahihirapan silang umalis duon. Kaya ang naging payo ni Lt. Lukban ay puwersahang pasukin ang bayan kung nasaan sila. May ma aasign mula sa ere at sa lupa. Dagdag niya ay naka ready na ang air support upang sakaling di kami makausad ay gagawa sila ng paraan mula sa himpapawid. Pero inadvice sa amin ni Lt. Lukban na hindi nya sinisigurado na mabibigyan nya kami ng malakas na air support kaya dapat naming gamitin ang mga natutunan namin mula sa apat na taong training sa military. At pagkatapos ibigay ang ilang ipapagawa sa amin, nagsalita naman ang team leader namin sa operasyong ito, si Capt. Ramirez.

              Ipinaliwanag ni Capt. Ramirez sa amin na ang lugar na kung saan sila Cpl. Garcia ay masyadong delikado at kailangan ng matinding talas ng mata at pandinig. Ang lugar na pupuntahan namin ay makipot ang daan at eskinita, dagdag pa ang napakaraming sibilyan duon, kung saan humahalo ang mga kalaban namin kaya madalas maambush ang mga sundalo duon, pero matinding paalala ni Capt. Ramirez sa amin ay huwag mamanakit ng mga sibilyan, lalo na ang mga babae at bata. Napailing ako habang iniisip ko na kawawa ang mga inosenteng bata dahil nadadamay, muli ay nabalik ang atensyon ko dahil kinalabit ako ni Gerry, masama ang tingin sa akin ni Capt. Ramirez, humingi ako ng despensa. Pasalamat daw ako dahil may operaton kaming mahalaga dahil kung wala 500 push ups at 189 meter run ang gagawin ko. Napahiya ako tuloy, kita ko sa isang mata ko na tahimi na natatawa si Gerry, loko to ah, tumatawa pa. Ibinigay na din ni Capt. Ramirez ang ang designated vehicles namin, malas dahil na assign si gerry sa helicopter at ako kasama ko si Capt. Ramirez sa Humbee. Wala naman akong choice kungdi ang sumunod. Bago kami umalis ay sinabihan kong mag ingat sila sa ere, tumatawa lang si gerry at sinabing astigin sila kaya wag daw akong mag alala. Dahil duon ay sumakay na sya nakita ko ang paglipad sa ere ng sinasakyan ni Gerry. Tumakbo na ko papunta sa humbee, papasok na ako nang makita ko si Captain na tila naiinip na, kasi ako ang inaantay nya pala, humingi ako ng pasensya. Sinamaan lang nya ako ng tingin at inutos nyang paandarin ang sasakyan. Palabas na kami ng kampo ng marinig ko ang advisory ni Lt. Lukban sa amin mula sa radyo. Kailangang ma retrieve namin sila within 1 hour dahil pilit na sinisira ng mga kalaban namin ang pader kung nasaan ang mga kasama namin. Dahil duon ay pinaharurot nya ang sasakyan at tila naiinis si Captain Ramirez. Ramdam ko din ang tensyon sa buong pagkatao ko dahil tila nag aalala din ako.

                   Saktong nasa daan kami at nahagip ng mga mata ko ang mga taong tila lilikas ata, ramdam ko sa tingin nila ang galit at poot nang makita nila kami, nahiya ako tuloy sa sarili ko at napayuko. Siguro iniisip nila na kami ang dahilan kung bakit nagkakagulo ngayon sa bayang iyon. Naramdaman ko ang paghinga ng malalim ni Captain, sabay sabi nang ganyan talaga tingin nila sa atin kahit nuong una pa, akala nila dumating tayo para maghari harian pero di nila alam na napakahirap ng trabaho at tungkulin natin, dagdag pa nya nasa kalahati na ang mga paa namin sa hukay. Napasang ayon ako sa sinabi ni captain pero nagulat ako nang linungin nya ako at sinabing nya na kahit ganuon man ang tingin nila sa amin, tandaan ko lang ang dahilan kung bakit ako at kaming lahat naging mga sundalo, Oo, ang ipagtanggol ang mga taong nagtitiwala at naniniwala sa amin o hindi man. Nabigla kami nang marinig ko sa radyo ang advisory ni Lt. Lukban, may mga taong tatambang sa amin mula sa unahan, hindi ko na inantay ang utos ni captain at pumuwesto ako sa minigun, habang lumalapit ay nagdasal ako ng ama namin, naaninag ng mga paningin ko ang pagpuwesto ng mga kalaban kaya pinaputukan ko sila agad bago pa sila pumuwesto, kita ko ang pagtumba ng lima at inikot ko ang tingin ko, niratrat ko ang dalawa na nagtatago sa puno, sabay tingin sa kaliwa, andun ang isa at tila titira pa nang rpg, inunahan ko na sya at naitira nya iyon pa itaas. Agad na humarurot ang aming sasakyan, narinig ko si captain at sinabi nyang di na masama, aba buti nga eh nalinis ko na ang dadaanan namin. Habang binabagtas namin ang daan, hindi mawala sa isipan ko, ang muling pagbalik ng alala ni Jeyce, bakit kasi sya nagpakamatay, kaya ko naman syang patawarin kahit na niloko nya ako, pakakasalan ko sya kahit nakita ko pa yun. Naramdaman ko ang pagagos ng luha ko sa mga pisngi ko.

             Nagulat ako nang may humawak sa akin, Si Captain pala, tinanong nya kung bakit ako lumuluha, nagpalusot ako na na mimiss ko ang mga magulang ko, kahit iba naman talaga. Natawa lang sa akin si Captain at sinabing di sya naniniwala sa akin. Agad akong hindi na tumugon at itinuon ang pansin sa bawat daan na binabagtas namin. Masakit mang isipin ngunit tila lalong bumabalik sa aking gunita ang mga masasayang araw namin ni jeyce, bumalik ang alaala noon. Nasa school cafeteria kami ng mga barkada ko, inaasar nila ako kung bakit wala pa akong gf, sagot ko naman, eh inaantay ko pa syang dumating. Inaantay ko pa daw dumating eh papunta na sya dito. Nagulat ako nang inguso sa akin ng kaibigan ko ang magandang si Jeyce, napaka inosente niya at tila masaya habang kausap ang mga kaibigan nya. Bumilis agad ang tibok nang puso ko. Binulungan ako ng mga kaibigan ko na ligawan k na, parang robot na tila sumunod ako sa gusto nila, naramdaman ko nalang ang sarili kong naglalakad patungo kila Jeyce, Nagulat sila nang makita ako sa harap nila. Kabado at utal utal kong sinabi kay Jeyce na puwede bang manligaw sa kanya. Pero tumakbo sa isipan ko na basted na ko, sigurado yan basted ako. Nang tila matagal na siyang sumagot ay nagpaumanhin ako at umalis na, papalakad na ako palayo sa kanya nang marinig ko syang tawagin ako ulit at sinabing, may sinabi ba daw sya o sagot sa tanong ko, napalingon ako at nakita kong napangiti sya sa tanong ko. Nabigla ako nang sabihin nya na kailangang ipakita nya na deserving ako na maging bf nya. Kahit di sigurado o medyo sigurado yung sagot nya,halos matuwa ako sa sobrang galak ng mga sandaling yun. Daig ko pa ang nanalo sa Lotto. Naramdaman ko ang paggising ni Captain sa akin, ay isang panaginip lang pala yun. Isang panaginip na ayoko nang magising pa. Pero ramdam ko na magkikita na kami ni Jeyce at malapit na yun.

***************************     END OF ACT 7     *********************************************

do guys follow me on Twitter & Instagram @khevingonzales

or visit my commentary blog at: http://tropanglikodblog.tk

***************************************************************************************************

Talaarawan Ni MichaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon