Act 4

67 0 0
                                    

December 30, 2005

            Nagising kami sa ingay ng sirena sa buong kampo. Eksaktong Alas Tres ng madaling araw nang makita ko paglabas ko ng kuwarto namin ang napakaraming sundalo na tila nagmamadali at nagkakagulo, dahil duon ay lumitaw sa aming harapan ang aming team leader at saktong sumulpot si Gerry. Tinanong nya kung ano ang nangyari, napa hikbit-balikat ako dahil di ko pa alam kung ano nga ba ang nangyayari. Nang sumigaw ang TL namin, napapuwesto kami, nagbigay sya ng isang seryosong tingin sa aming lahat. Huminga pa sya ng malalalim bago nagbigay ng paliwanag. Lalo akong kinabahan dahil tila hindi magandang araw ang sasalubong sa aming buong tropa. Sinabi ng aming TL na nagapi ng mga kaaway namin o pwedeng sabihing terrorista ang kampo namin. Naubos ang mga sundalo duon dahil bigla silang inambush sila habang natutulog ang iba. May iilang sugatan ang nakaligtas, pero karamihan, lahat ay binawian ng buhay. Napatahimik kami lahat sa aming narinig, dahil duon ay ipinagpatuloy na nya ang pagsasalita. Sinabihan kami ng aming TL na kailangang may mag volunteer na ma assign duon upang tumulong sa opensiba kontra sa mga terorista at para maiganti ang mga sundalong nawalan ng buhay. Nag-isip ako ng ilang beses bago ako nagdesisyong sumama, nagulat ako ng marinig kong sasama din si gerry. Ayun dalawa kami sa mahigit isang daang sundalong ipapadala sa war zone area, bago kami iwan ng aming TL, nagbigay sia ng isang mahalagang bagay sa amin, maaari na di kami makauwi pa ng buhay, pero sana mag iwan kami ng liham sa mga mahal sa buhay namin. Sabay umalis siya at tinungo ang ilan pa naming mga sundalo na naduon.

             Habang inaantay namin ang aming sasakyan magdadala sa amin duon sa aming pupuntahan, nagsulat ako ng isang mahabang liham upang ipaalam sa mga mahal sa buhay ko na may isang insidente ang nangyari, habang isinusulat ko ang bawat letra ng aking paliwanag duon ay ramdam ko ang pagdaloy ng mga luha ko sa aking pisngi. Masakit mang isipin na baka ito na ang huling liham na aking isusulat sa aking mga magulang at kapatid, ipinangako ko na sa aking sarili na magmula nang itapak ko ang aking mga paa sa kampo at sa tungkuling ito ay alam kong ang kalahati ng aking buhay ay nasa hukay na. Matapos kong tapusin ang mga paliwanag ko, nag iwan ako ng isang magandang paliwanag, na pagkatapos ng misyong ito, uuwi ako sa bahay, dahil sobrang na miss ko sila ng sobrang tagal. Habang sineselyuhan ko ang liham ko, lumitaw ang ang mga kukuha ng liham, nagmadali kong isulat sa harap ng envelope ang pangalan ng mga magulang ko. Agad ko itong ibinigay duon at agad na tinungo ang mga dadalhin kong gamit. Sinuot ko ang helmet ko, sabay suot ng military bag ko, hawak ko sa aking dalawang kamay ang isang M16 Assault Rifle at service pistol. May bitbit pa ako sa bag ko na iba. Muli bago kami pumila sa black hawk chopper, ipinikit ko ang mga mata ko at nanalangin sa may kapal na gabayan ako sa aking pupuntahan. Sabay pumasok na ako. Habang nakaupo duon, ramdam ko na tinampal ni gerry ang balikat ko at sabay ngumiti, sabi nya wag daw akong mag alala, dahil makakauwi kami pagkatapos nito, at pag nakauwi kami, mag iinuman kami at maghahanap ng sarap at ligaya sabay tawa nya nang malakas. Napa oo na lang, pampawala ng antok. Ramdam ko ang mahabang biyahe namin.

             Nagising ako sa tapik ng chopper crew sa amin, labinlimang segundo na lang at lalabas na kami, naalerto ako, narinig ko ang ingay ng mga baril kahit nasa ere kami. Napangiti ako dahil tila ako lang ang seryoso, si gerry, ang akala nya sa picnic kami pupunta. Napailing na lang ako. Dahan dahang bumukas ang pinto ng chopper at unti unti ay narinig ko ang nakakabinging ingay ng mga baril. Nang makalapag ang chopper ay humudyat ang crew ng chopper na bumaba na kami, Binilisan namin ang pagbaba, ramdam ng buong pagkatao ko, kahit ng isip at mata ko, eto na nga ang tunay na giyera na aking pinagsanayan, ramdam ko ang kaba ng sandaling yun. Agad akong napaluhod upang i alerto ang sarili ko sa paligid, itinutok ko ang armas ko sa harap ko kahit alam kong di ko alam kung nandyan sila, nakita kong nauna muna sila gerry at ang iba. At nang makausad sila, agad akong naunang sumunod sa kanila pero alerto pa rin dahil alam kong nandiyan lang ang mga kalaban at handang ambushin kami. Habang naglalakad papunta sa Target Zone, narinig ko ang advised call mula sa commander namin, pinag iingat kami dahil mahigit tatlumpong kilometro ang layo ng mga kalaban sa amin, agad na mas naging maingat kami. Habang naglalakad kami ay rinig namin sa malayo ang alingawngaw ng mga putok ng baril. Napaluhod kami, rumadyo ang aming seargent na wag gagawa ng ingay. May enemy patrol sa aming harapan namin. Narinig ko ang ingay ng mga ilang grupo ng naglalakad. Alam kong mga kalaban sila, pero salamat at nakaiwas na kami sa maling kilos namin. Nang humudyat ang seargent namin na maglakad ay naglakad kami ulit.

            Malapit na kami sa target zone, biglang may pumutok na baril. Napayuko kaming lahat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mga sandaling yun, nagtaka ako, wala namang nagpaputok sa amin. Muli ay rumadyo sa amin na umusad na kami, mukhang may lokong nagpaputok sa di kalayuan. Muli ay umusad kami upang marating na ang Target Zone, nang marating namin ang target zone, kita ko ang kaawa awang kalagayan ng aking mga kasamahang sundalo nang sandaling iyon. Ang ilan sa kanila ay may benda sa iba't ibang parte ng katawan. Ang iba tila nakahanda sa mga kalabang paparating pa lang. Nagsalita sa amin ang aming seargent leader namin, kelangan muna naming magpahinga dahil marami kaming gagawin bukas, duon ay napahiga ako sa isang tabi. Habang kumakain ay tumabi sa akin si gerry, habang nag uusap kami sa nangyari kanina ay humudyat ang ground commander sa lugar na yun, matulog na kami. Nang makita kong tulog si gerry ay napatingin ako sa malawak na kalangitan ng gabing yun. Mukhang may mababago sa buhay ko pagkatapos nito.Agad kong isinara ang talaarawan ko at natulog na.

******************************     END OF ACT 4      ***************************************************

leave a Vote and Comment about this story so far, thanks so much!

well appreciated!

you can follow me on Twitter & Instagram @khevingonzales

***************************************************************************************************************

Talaarawan Ni MichaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon