Act 1

79 0 0
                                    

June 2, 2005

             Nasa loob ako ng isang bus, ramdam ko ang malamig na samyo ng hangin sa madaling araw. Pasado alas tres ng madaling araw ng mga sandaling yun at tila hindi maialis sa aking isipan ang mga nangyari ng kahapon. Ako si Michael  James Hipolito, isang normal na mamamayan, nag aral ng elementarya hanggang sa sekondarya. Kumuha ng kursong Arkitektura, dahil ang aking ama ay isang arkitekto sa munisipyo. Ang aking ina naman ay isang guro, nagtuturo sa aming bayan. Kahit maliit ang sweldong kinikita nya ay sapat upang makakain kami sa araw araw at maipagtapos nila ako sa pag aaral. Hindi naman sa puro aral ang alam ko, natuto din akong umibig nuong nasa haiskul ako. Oo, duon ko nakilala ang babaeng kinabaliwan ko ng  sobra sobra. Kahit na may mga asungot na tila ayaw sa aming pag iibigan, alam kong mahal namin ang isa't isa. Sya ay si Jeyce Arguelles. Ewan ko kung saan nanggaling ang pangalan, pero ang mahalaga, mahal namin ang isa't isa.

            Tumagal ang relasyon namin ng halos tatlong taon. Alam ng mga magulang ko at ng magulang nya na ako ay kaniyang kasintahan. Hindi ko alam kung gaano ako kasaya nung mga sandaling kami pa ay magkasama. Pero isang bagay ang sumira sa aming relasyon. Araw yun ng aming third anniversarry bilang magkasintahan, bumili ako nun ng bulaklak at tsokolate para batiin sya. Halos ikamatay ko ang mga tumambad sa harapan ko. Nakita kong nakapatong sa ibabaw nya ang isang lalaki. Pareho silang nakahubo. Halos Magdilim ang paningin ko sa sobrang galit ko. Ang mga sumunod na nagyari ay binugbog ko ang kalaguyo nya hanggang sa mawalan sya ng ulirat. Nang ibaling ko ang paningin ko sa mahal kong si jeyce, umiiyak sya at nagmamakaawa sa akin na pakinggan sya. Tila wala na ako sa aking sarili at naibigay ko sa kanya ang mga binili kong regalo sa kanya. Sabay sabi ng "Happy Anniversary", lalo syang naiyak. Ayoko nang makita pa ang sobrang kapal ng mga mukha nila at iniwan ko na sila.

            Nalaman ng mga magulang ko ang ginawang kataksilan ni jeyce sa akin, kaya halos mabalot ng poot at galit ang naramdaman ng mga magulang ko sa taksil kong kasintahan at sa pamilya nya. Mula nung malaman nila ang insidente, hindi na ako lumalapit o kahit makipag usap sa kanya, pinilit nyang komprontahin ako upang ipaliwanag ang ginawa nya, pero tila ayoko nang maging tanga at uto uto sa bawat mga salitang namumutawi sa bibig nya. Mas malala pa sa mabahong imburnal ang mga salitang namutawi sa bibig nya. Kaya upang ituon ang sarili ko, kinausap ko sila papa at mama. Gusto kong mag aral ng military. Sa una ay di pumayag sila, pero pinilit ko sila, ayun nakapag aral ako ng apat na taon sa Military Academy. Sa mga panahong nag aaral ako sa kampo, walang komunikasyon ako sa mga magulang at sa mga kakilala ko. Mabuti na yun kesa sa makipag usap pa at maungkat muli ang kwento sa naging drama ng buhay ko.

            Sa wakas, matapos ang apat na taong pagsusumikap ko ay nakamit ko na ang gusto ko. Isa na akong Sundalo. Sa araw ng aking pagtatapos ay nakita ko ang aking magulang at dalawang kapatid habang inaabot ang aking diploma. Sa loob ng kampo, nakilala ko ang mga kaibigan kong sina Gerry, Ariel at Rocky. Mga naging labasan ng sama ng loob ko sa tuwing inaalala ang sakit ng kahapon na natamo ko mula sa pagmamahal ko kay jeyce. Matapos ang graduation rites ay umuwi ako ng bahay upang kumustahin sila mama duon. Nasa ikatatlong taon na sa haiskul ang pangalawa kong kapatid at nasa Grade 6 na ang bunso namin. Masaya ako at di nila pinababayaan ang pag aaral nila. Pero di ko maiwasang maitanong kung kamusta sila jeyce. Namatay na sya, kuwento ni mama, matapos kong malaman ang ginawa nya. Kinahihiyan sya ng mga tao sa buong lugar namin. Sa di malamang dahilan ay nakitang nakabigti sa loob ng kanyang kuwarto si jeyce. Matapos ilibing ay di na muli pang nakita ang mga magulang nito at nawala parang bula.

           Naluha ako ng malamang ganun nya ginawa ang pagawakas sa lahat ng problema nya. Nakakalungkot dahil kahit may ginawa syang masama, sa loob ng puso at isipan ko, mahal na mahal ko sya. Kaya bago ako umalis papuntang kampo, dumaan ako sa kanyang nitso, ipinagdasal at pinatawad ko na sya sa lahat ng ginawa nya.

           Ginising ako ng kasama kong si gerry, napaidlip ako habang isinusulat ko ito. Dumating na kami sa kampo. Kita ko ang ilang mga sundalo na tila mga bagong recruit din. Sinabi ng Unipormadong lalaki sa amin na bumaba na, Agad kong iniligpit ang mga gamit ko. Oo, andito na ako sa kampo ng mga sundalo. Ang lugar kung saan magsisimula ako sa panibagong buhay ko bilang isang Sundalo.

     

                                                                                                                                                                                Michael....................

***************************************    End of Act 1   *************************************************************************************************

Soldiers are our protector from countries enemies, do not to forget to salute their bravery to us.
Advanced Happy Independence Day!

Follow us on Twitter & Instagram: @khevingonzales
visit my news blogsite at Http://tropanglikodblog.tk

**************************************************************************************************************************************************************

Talaarawan Ni MichaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon