Part 14

9 0 0
                                    

January 10, 2006

            Ilang araw na akong nakakulong sa loob ng kampo ng mga kaaway. Pero malaya kong nakikita na masaksihan ang ensayo ng mga militanteng ito. Karamihan sa kanila ay may takip ang mga mukha, karamihan naman ay mga binatilyo pa. Sinasanay sila dito upang isabak sa giyerang gusto nilang ipaglaban, ang kanilang kalayaan. Habang humahakbang ako, napansin ko na tila napatingin sila sa akin. Kita sa mga nanlilisik nilang mga mata ang tindi ng poot at galit sa tulad kong sundalo. Pero iniwas ko ang tingin ko sa mga mata nila. Mababanaag sa mga mukha nila ang tindi ng poot. Akmang lalakad na ako palayo sa lugar na iyon nang biglang marinig ko na may tumatakbo palapit sa akin, nagulat pa ako nang biglang sunggaban ako ng mga ito. Gulat na gulat ako nang mga sandaling yun at duon ay napatunayan ko na ganun sila galit sa tulad kong isang sundalo. Habang sinasakal nila ako ay may ilang lalaki ang pumuwesto sa harap ko. Bigla nila akong sinuntok sa sikmura, dahilan upang mapaluhod ako pero pilt nila akong tinatayo at patuloy sila sa pag suntok sa akin. Ramdam ko na tila hinang hina na ako nang mga sandaling yun. Hindi ko na kaya ang ginagawa nila, ramdam ko na pipikit na ang mga mata ko nang marinig ko ang tila takbong papalapit sa amin, kahit hinang hina ako at tila mawawalan na ako ng malay kita ko na sinapak ng lalaki ang mga gumugulpi sa akin, duon ay binitiwan nila ako. Napahiga ako, kita kong nagpulasan sila paalis at kita ko ang paglapit sa akin ng lalaki at binuhat ako kasama ng iba pabalik. Nang imulat ko ang mga mata ko, nagising ako at nakita ko ang kisame ng kuwarto ko. Nakita ko ang isang babae na ginagamot ang mga sugat sa mukha ko. Habang ginagamot ako, napansin ko ang pagpasok ng pinuno ng grupong ito. Sinabi nila na kailangang matupad na ang kanilang ipinaglalaban. Duon ay wala akong takot na nagtanong kung bakit ganun sila kagalit sa katulad kong sundalo. Nakita kong direktang nakatingin ito sa mukha ko, at sabay na namutawi sa labi nito ang mga katagang, mamatay tao daw kami.

                  Nagulat ako sa naging sagot nito. Duon ay tumayo siya at tinungo ang bintana ng kuwarto ko. Muli syang nagsalita at duon niya ikinuwento ang dahilan ng sigalot sa pagitan nila at nang militar. Disyembre 23, 1995 noon at naghahanda na ang mga tao nuon para sa kapaskuhan, napakasaya ng mga bata at ng mga dalaga sa lansangan ng kanilang bayan. Ang mga kalalakihan ay abala sa mga ihahanda. Habang nagsasaya ang lahat, isang ingay ang bumulabog ng gabing yun. Isang rocket di umano ay pumaslang sa mga inosenteng mga bata. Naging sunud sunod ito at direktang tinatamaan sila at ang buong kumunidad. Siya nuon ay nagtago sa loob ng bahay nila. Habang nakatingin sa labas ng bintana, kita nya ang pagbaril sa mga magulang nya ng isang mataas na opisyal ng militar. Duon ay tumatak sa kanyang isipan ang ginawang pagpatay sa mga magulang nya, kamag anak at kakilala sa buong lugar nila. Nakaligtas sya at ang iba pa, pero nahirapan sila sa paghahanap ng bagong matitirahan kaya ilan sa mga kasamahan nya ay namatay at ang iba naman ay yumao na din. Habang ikinukuwento nya yun ay nakita ko ang pagkuyom ng dalawang kamao niya. Bunsod siguro ng matinding galit at poot ng mga bagay na nasaksihan niya noon. At nang matapos ay tumigil sya sa pagsalita, lumapit syang muli sa akin at duon ay naramdaman ko ang takot na baka saktan nya ako. Pero biglang hinawakan nya ang magkabilang balikat ko. Duon ay namutawi ang mga salitang masuwerte daw ako dahil hindi pa ako namamatay dahil marami syang plano para sa akin at sa iba pa ko pang mga kasama. Bahagyang pinisil nya ako para iparamdam sa akin na seryoso syang itutumba nya ang ilang mga kasama ko. Pero imbes na matakot ako ay sinabi kong mas mabuti pang patayin na lang nya ako, pero hindi mangyayari ang mga gusto nya. Duon ay ngumiti sya at unti unti syang natawa hanggang sa tumawa sya nang malakas. Naramdaman ko na binitawan nya ang mga balikat ko sabay pagtayo sa kama ko. Tumalikod sya, pero nagsalita syang muli sa akin na kahit anong tapang man ang gawin ko, mangyayari at magaganap ang mga plano nila at ang kanilang tagumpay ay dahil sa aking kagagawan yun. At duon ay lumakad sya paalis at ibinalibag ang pagsara ng pinto. Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano makaka alis sa impyernong lugar na ito.

                        Palakad lakad ako sa loob ng kuwarto ng mga sandaling yun, iniisip kung paano makakaalis sa lugar na ito. Kailangang makaalis ako dito agad dahil umaandar ang oras at tila kailangan ko nang makaalis sa lugar na ito. Pumasok sa isipan ko ang bagay na iyon. Agad akong tumayo at duon ay tinungo ko ang pinto at kumatok duon. Alam kong may bantay sa labas ng kuwarto ko, nang buksan nila iyon ay sinabi ko kung pwede bang gumamit ng cr. Sa una ay di sila pumayag, pero nang sinabi ko na sige kung ayaw niyo, dito ako magbabawas, duon ay inilabas nila ako pero nakasunod pa din sila sa akin. Habang naglalakad ay agad na nag isip ako nang paraan kung paano makakaalis duon sa pamamagitan ng banyo. Natigil ang pag iisip ko nang marating ko ang tapat ng banyo at duon ay ipinasok nila ako. Nang masiguro kong sarado ang pinto, kinilik ko ang door knob ng pinto ng banyo. Duon ay luminga linga ako sa buong paligid ng banyo kung may lagusan duon palabas. Napansin ko ang bintana ng banyo, agad kong tinungo iyon at duon ay tinungtong ko ang mga paa ko sa gilid ng inidoro. Nang maipasok ko ang katawan ko sa bintana ay binilisan ko ang paglabas at nang tuluyan na akong lumabas ay dahan dahan akong tumalon upang hindi marinig. Nang makaalis na ay tinungo ko ang magkabilang daanan ko, pinili ko ang sa kaliwa dahil may mga dumadaan sa kanan na mga nagpapatrolyang militante. Agad akong tumakbo pero ingat na ingat ako upang hindi mapansin ako. Nakita ko sa di kalayuan ang ilang ikinakargang mga baril sa isang malaking trak, pero napansin ko na tila nagbago ang mga kilos ko, biglang pumasok sa isip ko na baka nakatunog sila na nakatakas ako. Agad akong naghanap ng ibang daanan paalis dito. Narating ko ang isang mataas na bakod na gawa sa barbwire. Naghanap ako ng medyo sirang part. Sinuwerte ako dahil nakakita ako nang may medyo may daanan. Pinilit ko na maipasok ang katawan ko duon, habang pinipilit ko ang makalabas ay narinig ko ang tila patakbong tungo sa akin, duon ay binilisan ko ang paglabas at nang tuluyan na akong nakalabas ay agad akong nagtago sa damuhan upang hindi nila ako makita. Nakita ko ang pagtapat ng isang ilaw sa dinaanan ko. Nang mawala na ang liwanag ay tumakbo na ako paalis duon sa pesteng lugar na iyon.

                               Hingal na hingal ako sa pagtakbo ko nang mga sandaling yun, ramdam ko na hindi pa ako malaya sa mga sandaling yun. Agad akong nadapa at napasubsob. Rinig ko sa di kalayuan ang tila mga tao na may dalang flashlight upang hanapin ako. Muli ay bumangon ako at itinuloy ang pagtakbo upang marating ang dulong bahagi ng kagubatang iyon. Tinakbo ko ito upang mabilis na ako makaalis sa lugar na iyon. Narating ko ang gitna ng gubat at nang tumigil ako ay tinignan ko ang paligid ko kung sumusunod pa din sila, pero pawang katahimikan lang ang naririnig ko. Takot at hapo ang naramdaman ng buong pagkatao ko. Napaupo ako saglit, napapikit ang mga mata ko at tila naalala ko ang masasayang sandali namin ni jeyce noon. Sobrang ligaya ang nararamdaman ko nun, hawak kamay kaming naglalakad noon sa parke habang kumakain sya ng koton kendi. Tila ayaw ko nang magising nang sandaling yun, pero nakita ko sa isipan ko na humarap sa akin si jeyce at namutawi sa mga magandang labi nya na gumising ako, hinahabol nila ako. Duon ay narinig ko ang pagtapak ng isang tao sa di kalayuan, dahilan upang biglang imulat ko ang mga mata ko. Nakita kong papalapit ito sa akin at biglang sinakal ako, ito ang lalaking bumugbog sa akin, habang sinasakal nya ako ay pilit kong inaabot ang patalim sa hita nya. Tila nanghihina na ako, pero kailangan kong pumalag, bigla ko syang sinipa sa tiyan,duon ay napakislot sya at nabitawan nya ako, agad kong kinhua ang patalim, pero naabutan nya ang kamay ko hawak ang patalim. Nag aagawan kami sa pagtutok nito. Narinig ko ang pagsalita niya na pumayag na akong patayin nya ako upang maiganti nya ang mga namatay nyang mga kamag anak. Duon ay bumawi ako nang sagot na baliw na ako, sabay dura sa mukha nya, duon ay pinunasan nya ang mukha nya. Agad akong nakakita ng tsansya na madali ko sya, pero tumilapon ang kutsilyo. Sinapak ko sya at tumuba sya, akmang aabutin ko na ang kutsilyo nang sunggaban nya ako sa likuran, sabay sakal sa leeg ko. Duon ay pinilit ko na maialis ang pagkasasakal ng ulupong na ito. Habang sinasakal nya ako ay napatihaya ako habang sinasakal nya ako, pilit kong inaabot ang kutsilyo ay sige sya sa malakas na pagsakal sa akin, nang makakita ako ng tsansya ay agad kong kinuha ito at itinutok padiin sa direksyong iyon. Napapikit ako...

*********************************       END OF CHAPTER 14   **********************************************

WE ARE DOWN TO LAST CHAPTERS OF THIS SERIES.. THANKS FOR READING GUYS!!!

******************************************************************************************************************

Talaarawan Ni MichaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon