Act 8

22 0 0
                                    

January 2, 2006

Nasa daan kami, habang nakadungaw ako sa bintana ng aming sasakyan, muling bumalik ang nakakalungkot na alalala ang bumalik sa aking isipan. Ipinikit ko ang aking mga mata at muling sumariwa ang tila kahapon lamang na nangyari sa buhay ko. Araw nun ng mga puso. Bago pa man sumapit ang araw na yun, inipon ko na ang ilang kinita kong extra sa sideline ko sa isang fast food chain. Hindi talaga ako sanay sa ganuong trabaho dahil may kaya kahit paano ang aking pamilya at kayang supurtahan ang pangangailangan ko sa pag aaral sa kolehiyo. Saktong gabi nun at kinabukasan ang araw ng mga puso, napadaan ako sa isang tindahan, nakita ko ang isang napakagandang kuwintas. Napangiti ako dahil napakaganda nun. Sakto ang presyo dahil sakto yun sa kinita ko. Agad akong pumasok sa tindahan. Pauwi na ko nung araw na yun,habang nasa daan ako, nakasalubong ko ang best friend kong si Ely. Nagulat ako pero tinawag ko sya. Parang nagulat sya pero ngumiti din sa akin. Nagtaka sya kung ano ang dala ko at saan ako galing. Ipinaliwanag ko sa kanya kung bakit, nagulat sya. Dahil alam nyang di ko gusto ang magtrabaho sa ganun pero sabi ko, gusto ko na ibigay sa taong mahal ko ang regalong pinaghirapan ko, Napatango sya at tinapik nya ang balikat ko. Sabay namutawi sa bibig nya na wag ko daw masyado pagurin ang sarili ko. Nagulat ako sa sagot nya, nabiro ko pa sya na baka gusto nya ako. Nasapok nya ang balikat ko sabay tawa naming dalawa. Nagulat ako nang tapikin ako ni Captain. Bumalik ako sa reyalidad, sinabi nyang malapit na kami sa war zone area. Kinasa ko ang rifle ko at isinuot ang helmet ko. Habang unti unting palapit kami sa lugar ay rinig namin sa malayo ang ilang putukan ng mga baril. Natanaw ko ang ilang helicopter na kasama namin sa gagawing opensiba. Narinig ko mula sa radyo namin na mag ingat kami dahil maraming nakaabang sa aming pagdating. Ipinikit ko ang dalawa kong mga mata. Ramdam ko ang tila kaba na may mangyayari na di ko inaasahan pero sinabi ng isipan ko na kailangang ihanda ko na ang sarili ko. Kahit unting nginig ang kamay ko, minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa daang binabagtas namin. Natatanaw ko ang ilang harang na barikada, kita ko sila kahit ilang metro na lang ang layo namin, napayuko kami nang biglang paputukan kami sa aming pagdating, ipinkit ko ang mga mata ko.

Araw nun ng mga Puso, inaayos ko ang damit ko nang pumasok ang mama ko sa aking kuwarto. Nagulat ako nang lumapit sya sa akin at iniayos ang kuwelyo ng uniform ko. Nagulat ako nang bigla ay namutawi sa bibig nya na hinay hinay lang sa pagibig. Mahirap daw pag nasaktan, matagal maghilom. Natawa ako ng bahagya sa sinabi ni mama. Sumagot ako nang hinding hindi ako kayang saktan ni Jeyce. Dahil duon ay bumuntong hininga si mama at hinalikan ako sa noo. Kaya mahal na mahal ko di mama, alam nya ang nararamdaman ko. Nang makapag ayos ay inayos ko muli ang sarili at nag paalam na sa kanila, dahil may pasok pa ako. Napatingin ako sa langit, napakaliwanag nito at nasilaw ako sa sobrang liwanag. Nang imulat nya ang mga mata ko. Kita ko si Captain na may inaayos sa gamit nya, nakatumba ang sasakyan namin, sinigawan nya akong lumabas na kami, kahit masakit ang likod ko, pinilit ko ang itayo at igalaw ang sarili ko papunta sa pintuan ng sasakyan namin. Nang buksan ko ay nakita ko ang ilang helicopter mula sa ere na niratrat ang mga kalaban mula sa harapan namin. Agad akong lumabas, itinapon ko ang baril ko palabas, hirap ako makalakad dahil sa pagtaob ng sasakyan namin. Kinuha ko muli ang armas ko at dinala yun. Nakita kong lumabas din si Captain at naglakad sa isang tagong harang para maka iwas sa ilang daplis ng mga bala. Nagulat ako dahil natakbo ko ang direksyon ni captain kahit tumatama ang mga bala ng baril sa gilid ko. Inutos sa akin ni captain na kailangang makausad kami, kailangang malinis ko ang harapan namin kung nasaan ang mga tumambang sa amin. Agad akong naghanap ng isang harang duon at tinakbo ko yun, sabay napaupo ako duon sa kapirasong sirang simento. Ramdam ko ang yanig ng likod ko dahil sa daming tadtad ng bala sa akin. Hindi pwedeng magtagal ako dito, kaya nang maisip kong kailangang makausad kami nang di nila nakikita ay kinuha ko ang smoke bomb ko at ibinato sa likuran ko. Nang makapal na ang usok ay sumenyas si captain na sumugod na. Tinakbo ko at nasuong ako sa sobrang kapal ng usok.

Papalapit na ko sa University, muli kong sinilip ang nakabalot na regalo ko para sa kanya. Nagulat ako nang mapansin ko ang papalapit na si Jeyce kasama ang ilang mga kaibigan nya. Muli ay itinago ko sa aking bag ang regalo ko. Sabay tinawag ako ni Jeyce sabay kaway sa akin. Napangiti ako at tila ramdam ko na masaya din sya dahil siguro espesyal ang araw na ito. Nang makalapit sya kasama ang ilang kaibigan nya ay natuwa ako at biniro kung ano ba ang nakain nya at tila masaya sya sa araw na yun. Biglang sumimangot sya ng mukha, dahilan upang tumawa ako nang medyo malakas. Pero napagawi ang tingin ko sa isa nyang kaibigan. Nakita ata ni jeyce kung sino ang tinitignan ko. Duon ay ipinakilala nya ako sa kaibigan nya. Hindi ko matandaan ang pangalan nya dahil medyo matagal na ang araw na yun. Sabay muling lakad namin, pero tila iwas sa akin yung kaibigan nya kaya naghikbit balikat ako sa kanya. Napansin ko ang tila muling pagharap ni jeyce sa akin at may isang tanong ang namutawi sa bibig nya. Nakita ko ang kalaban ko sa harap ko na susugod papunta sa akin, agad kong kinalabit ang gatilyo ng rifle ko, duon ay tumama ang bala at napahiga ito. Tumagas ang napakaraming dugo dito sabay kong pinapatukan ko ang isa pa na babarilin ang isang kasama kong sundalo. Agad ko nang inunahan ang ungas at niratrat sya. Nakita kong nag thank you sa akin siya sabay ngiti ko dun. Agad akong tinawag ni captain. Kailangang linisin muna namin ang ilang natitirang bloke ng harang sa daan. Muli ay nagkarga ako ng bagong bala sa armas ko sabay kasa ng baril. Binalaan kami ni captain na mag ingat sa mga sniper sa gilid at sa mga matataas na puno. Agad akong inutusan ni captain na mauna sa paglakad, agad akong nagdasal na sana hindi ko maramdaman ang sakit kung sakaling tamaan ako ng bala. Nang mauna akong maglakad ay ramdam ko ang tensyon sa buong paligid ng kalsada, sabay isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid.

Habang naglalakad kami, biglang lumapit sa akin si jeyce, ramdam ko ang kilig sa bawat sandali na nandiyan siya sa tabi ko. Mukhang may sasabihin siya sa akin. Agad siyang bumulong sa akin, kung alam ko ba kung anong araw ngayon. Napatawa ako bigla pero tumatalon sa saya ang puso ko nang mga sandaling yun. Mukhang atat syang malaman kung ano ba? Anong regalo nya sa akin. Pero nang trip ako na di ko alam, bigla ay sumimangot sya at nang mauna sya sa pintuan, biglang syang dumila sa harap ko sabay pasok sa classroom namin. Haitss, kaya ko mahal itong babaeng ito, kahit wagas syang makautos at mang inis, mahal na mahal ko si jeyce. Napatingin ako sa babaeng ipinakilala sa akin ni jeyce. Tahimik syang naglalakad at nang tumigil sya sa harap ng pintuan, namutawi sa labi nya, tinanong nya ako kung mahal ko ba daw si jeyce, napangiti ako sabay sabi ng Oo. Pagkasagot ko sa tanong nya ay pumasok sya sa loob at naiwan ako na tulala. Weirdo. Nakita ko ang ilang katawan ng mga kalaban namin, naliligo na ang mga ito sa sarili nilang mga dugo. Agad kong kinuha ang isang kuwintas, nakaburda sa metal na hugis puso ang mga katagang "Never Believe in thy god". Napailing ako sa nakita ko. Mukhang walang kinakatakutan ang mga kalaban namin. Agad kong inabot kay captain ang nakita kong kuwintas at ito ay isinama nya sa mga intel ng mga kalaban. Habang nag hahanap ng iba pang mga ebidensiya, nabigla kami sa tawag ng commander sa amin. Kailangan naming puntahan amg iba, dahil inambush din sila, Kinumpirma ni captain na pupunta kami duon. Agad kaming pinulong ni captain nang mabilis. Kailangang makapunta kami sa ilang kasama namin na inambush din. Hinati nya kami sa dalawa at ako ang ginawang lider sa unang grupo. Wala nang oras upang mag pili at agad akong inatasan na mamuna sa unang grupo. Kasama ko ang pitong sundalo, sa totoo lang di ko alam kung paano ito gagawin. Pero walang choice ako upang mag inarte. Agad kong inutos sa kanila na umusad na kami. Nag sign of cross ako upang mag ingat ako, sampu ng mga kasama ko. Anong mangyayari sa susunod.

************************** End of Act 8 ********************************************************

Follow me on my Twitter & Instagram Account : @khevingonzales

check out my news blogsite : tropanglikodblog.tk

thanks for your continuos support and reading to my stories.

*****************************************************************************************************

Talaarawan Ni MichaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon