034

215 17 3
                                    


»jeyn«

after lunch humiwalay na ako sa kanila. pinilit nila akong magkwento kung bakit ganito yung nangyayari sa amin ni nashyl unnie pero hindi ko naman masabi na dahil sa katahan ko kaya kami nagkakaganito.

gusto kong makausap si unnie dahil gusto kong magsorry sa kanya ng personal pero ano bang magagawa ko? ayaw naman akong pansinin ni unnie. siguro hihintayin ko na lang na humupa muna yung galit niya bago ko siya kausapin.

mamaya pa namang 2 pm yung klase ko kaya nagdesisyon akong pumunta muna sa locker ko para maglagay ng gamit ko, para mabawasan yung bigat. sana yung bigat ng damdamin na dinadala ko ngayon kaya ko ring ilagay sa locker ko para kahit papano mabawasan yung bigat ng damdamin ko.

after ko mapunch yung code sa locked ko binuksan ko agad yon at ganon na lamang ang pagkagulat ko ng may makita akong maliit na paso na may maliit na tubo ng halaman plus isang apple na may nakadikit na note. kahit nagtataka kinuha ko yun at binasa.

i hope this can make you smile :)
—panaginip

hindi ko alam pero napangiti ako dahil doon. ang ganda ng sulat niya kahit na lalaki siya. di ko naman na kailangang isipin kung sinong nagbigay nito. obvious naman na sa pangalan na nakalagay.

i don't know why dream is doing this. pero this really made me smile pero agad nawala yon ng maisip ko yung dapat kong gawin. makakaya ko ba talagang saktan siya gayong siya yong nagpapangiti sakin ngayon? sa tingin ko, hindi ko kaya.

napabuga na lang ako ng hangin saka kinuha yung apple at tinabi naman sa gilid yung paso na may tubo ng halaman saka inilagay ko na yung ilan kong gamit saka ko nilock. mamaya ko nalang babalikan yung halaman after ng class ko.

nagsimula na kong maglakad papunta sa room ko kahit na medyo maaga pa. oo nga pala, dadaanan ko yung room nila dream bago yung room ko. hindi ko alam kung dapat ba akong magthank you dahil sa binigay niya o dapat ba wag nalang. nahihiya kasi ako isa pa nagguilty ako.

bakit nga kaya kung kailan may mga taong handa tayong mahalin hindi natin magawang suklian yon? samantalang yung mga taong mahal naman natin iba ang mahal? masyado ng malabo ang mundo para malaman pa ang sagot.

hindi pa man din ako gaanong nakakalapit sa room nila dream ay sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. bakit ganon? kinakabahan ba ako? bat ako kinakabahan?

dahan-dahan ang lakad ko. dinig na dinig ko yung tawa niya pati ng mga kaibigan niya. siguro nakikipag lokohan na naman siya sa mga kaibigan niya. balita ko kasi masayahin siyang tao lalo na kapag kasama ang mga kaibigan niya. kaya siguro maraming nagkakagusto sa kanya dito sa campus.

napahawak ako sa dibdib ko dahil masyadong mabilis ang tibok nito habang padaan na ako sa room nila. isa..dalawa..tatlo..apat na hakbang at nakarating ko na ang pintuan ng room nila pero napatigil agad ako ng may tumawag sakin mula sa room nila.

“jeyn!” malakas na sigaw nung babae, kung di ako nagkakamali si seijy yon. isa sa mga kasali sa banda dito sa campus.

dahil sa sigaw niya narinig kong napahinto sa pagtawa si dream. i'm hesitant to look at their way pero hindi ko magawang pigilan yung sarili ko na mapatingin. and damn! hindi ko na ata ginawa dahil nakita ko siyang nakatitig sakin. when our eyes met, he smiled. dahil ata sa ginawa niya namula ako. mas lalo pa akong namula ng simulan siyang kantyawan ng mgakaibigan niya. i can clearly hear steven's disapproval. i can't help but to laugh inside my mind. baliw talaga sila.

“b-bakit?” tanong ko ng makalapit siya. di ko nga napansin na nakalapit siya.

“may contest kasi na mangyayari this semester. so ma'am asked me for some names and i gave your name. kaya kasali ka, is it okay tho? sorry di ko na hiningi approval mo, its just that, gusto kong kumanta doon. ang galing mo kayang kumanta.” aniya habang ngiting ngiti siya. hindi tuloy maiwasang tanungin kung bakit ganyan siya kasaya kumausap ng tao.

wait. sinabi niya bang kasali ako? huh?

“t-teka ayoko seijy. baka magkamali pa ako. ayoko.” kinakabahang saad ko. kinakabahan na nga ako dahil ramdam ko parin yung titig ni dream sakin tapos eto pa?

“ano ka ba. kaya mo yun no. isa pa, duet naman yon kaya di mo kailangang kabahan.” aniya kaya naman mas lalo akong kinahaban.

duet? hindi ko kaya yon!

“mas lalong ayoko seijy!” pagtanggi ko lalo kaso tinawanan niya lang ako.

“sus sisiw lang sayo yun. o siya, kita tayo sa practice room mamaya okay? may meeting daw e, after class mga around 5 pm. okay?” aniya saka bumalik na sa classroom nila.

naiwan naman ako dung tulala habang iniisip kung dapat ba akong pumunta or hindi. geez. bakit ba kasi ako pa ang naisip nilang isali? at duet? sino naman kaya ang makakaduet ko? juicecolored.

[Jeyn] ▫ l.seokmin || p.jihyo ✔Where stories live. Discover now