042

241 21 0
                                    


»jeyn«

“JEYN HYURI PARK! PWEDE BANG UMUPO KA?! NAHIHILO NA AKO SAYO!” malakas na sigaw ni Nashyl unnie saka sinamaan ako ng tingin.

Napahinto naman ako sa pagbalik-balik na lakad ko saka tinignan silang lahat. Nakatingin lang din silang lahat sakin, pero maya-maya umalis din sila ng pagkakatingin sakin maliban kay Nashyl at Jeona unnie.

“pwede ba unnie wag kang palakad-lakad dyan. hilo na kami dahil sayo okay?” grumpy na saad ni Demy kaya naman napasimangot ako. bat ba kanina ko pang napapansin na ang grumpy ng tofu na 'to?

“bat ang grumpy mo?” nagtatakang tanong ko sa kanya. inirapan niya lang naman ako saka may inayos sa mga handa sa table.

okay, actually kasi, nandito kaming lahat sa may dorm namin, kasi nabalitaan ko, oo nabalitaan ko kasi nga di ako aware sa kung anong meron kay Dream. tapos nabalitaan ko birthday niya. BIRTHDAY NIYA! TAPOS WALA MANLANG AKONG GAGAWIN?! samantalang siya may ginawa nung birthday ko! at tangna hanggang ngayon kinikilig parin ako dahil don!

“wala unnie. tss.” sagot niya saka nagwalk out. baaaa, ano meron don?

“may sapi ba 'yon?” nagtatakang tanong ko.

"nako unnie, walang sapi 'yon. bwisit lang 'yon kasi makikita niya iyong si Vlad.” sagot ni Chelsy kaya naman mas lalong napakunot ang noo ko.

Sino daw?

“Sinong Vlad?” tanong ko.

lahat naman sila napasimangot saka tinignan ako na para bang sinasabing 'are-you-serious' look. luh? malay ko ba sa sinasabi nila?

“hindi pa ba pinapakilala ni Dream ang mga kaibigan niya sayo?” tanong ni Samarra habang nakaupo sa isang vacant chair.

huh? kaibigan ni Dream? may kaibigan bang Vlad, si Dream?

“hindi pa? saka bat naman ipapakilala sakin?” nagtataka na talaga ako sa mga tinatanong nila.

“whatever Jeyn. whatever. abnormal ka ata.” aniya saka umirap. ANO BANG PROBLEMA NILA?!

“wag nga kami unnie. if all we know, may something na sa inyo ni Dream oppa. nakita ka nga naming hinatid niya nung birthday mo eh.” ani Chemy kaya naman napanganga ako. watdahel?

“n-nakita niyo?!” eksahedarang tanong ko.

inirapan naman nila ako.“malamang. gising kaya kami. peste ka. kaya pala nung tignan ka namin sa kwarto mo wala ka. alam mo yung naghanda kami ng surprise for you tapos malalaman namin wala ka naman pala sa kwarto mo? gigir mo kami e no? tss.” sabi ni Momo unnie kaya naman napaikom ako ng bibig.

peste di nga?

“seryoso ba? akala ko nakalimutan niyo yung birthday ko?” di parin makapaniwalang saad ko.

“nako jeyn. ewan namin sayo. nakakatampo. tss.” sabi ni Jeona unnie kaya naman napanguso nalang ako. aish. ngayon sila pa nagtatampo? ako dapat diba?

“guys. mamaya niyo na pag-usapan yan. padating na silang lahat dito.” napatingin kami kay Nashyl unnie dahil sa sinabi niya.

“paano mo nalaman?” tanong ko na nagsimula ng kabahan. peste. padating na sila at kinakabahan na ko dito! first time kong gagawin to!

“nagtext si Seven sakin.” aniya saka nagkibit balikat.

ano daw? nagtext sa kanya si Seven? yung kaibigan ni Dream na lagi niya ring kasama? bat nagtext sa kanya?

[Jeyn] ▫ l.seokmin || p.jihyo ✔Where stories live. Discover now