037

217 16 0
                                    


»jeyn«

hindi ko na alam kung anong gagawin ko. nakatitig lang ako sa phone ko habang paulit ulit na binabasa yung message ni dreemen at dream sakin.

'namimiss na kita'

bulong ko sa isipan ko habang nakatitig sa message ni dream. yeah, I miss him already. yung kakulitan niya namimiss ko na. damn. bakit ba ang hirap ng sitwasyon ko ngayon?

yes, i admit, ayokong mawala si dreemen sakin kasi mahal ko siya. pero ayoko namang saktan si dream na walang ibang ginawa kundi pasayahin ako kahit na nakukulitan ako sa kanya.

pero bakit ba nasasaktan ako kapag naalala kong masasaktan ko si dream? bakit parang hirap na hirap akong huminga kapag naiisip kong masasaktan ko siya? bakit?

“unnie, okay ka lang?” napaangat ako ng tingin ng marinig ko yung boses ni demy.

“kanina ka pa ba dyan?” walang ganang tanong ko sa kanya.

marahan siyang ngumiti saka umiling. “di naman unnie, pero sapat lang para makita kong kanina mo pa hinihimas yang kanang dibdib mo. nahihirapan ka na naman bang huminga unnie? gusto mo kunin ko yung gamot mo?” aniya saka akmang kukuha nga ng gamot ko kaso pinigilan ko siya agad.

“wag na. okay lang ako.” sagot ko saka pinaupo siya sa tabi ko.

“unnie, may problema ka.” hindi ko alam kung tanong yon pero wala naman akong nahimigan ng parang pagtatanong sa boses niya .

i sighed  hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya o wag na lang. di ko kasi alam kung matutulungan niya ako.

“okay lang unnie kung ayaw mo sabihin.” aniya saka marahang hinawakan yung balikat ko. napatingin naman ako don pati sa mukha niya. nakangiti siya habang nakatingin sakin.

minsan iniisip ko, paano kaya maging si demy. napaka masayahin niya kasing bata e. parang wala siyang iniisip.

“demy..” tawag ko sa kanya. mas lalo namang lumaki yung pagkakangiti niya kaya naman napayuko ako.

“katangahan bang magmahal?” tanong ko sa kanya . nag angat ako ng ulo para makita ko yung magiging reaksyon niya.

“bakit unnie? nasasaktan ka na ba?” tanong niya pabalik na hindi ko alam kung bakit tinanong niya. hindi ba't ako ang nagtanong so dapat lang na siya ang sumagot? pero bakit iba?

pero, nasasaktan na nga ba ako?

“alam mo unnie, normal lang naman magmahal e. normal lang din maging tanga kapag nagmamahal ka. pero mas katangahan na kung alam mong nasasaktan ka na kahit mahal mo pa. gets mo ba ako unnie?” aniya habang nakangiti parin.

napakunot ang noo ko dahil doon. anong ibig niyang sabihin?

“base sa mukha mo, hindi.” aniya saka tumawa ng bahagya. napanguso nalang tuloy ako. psh

“ganito ibig kong sabihin unnie. kapag ba kasama mo si dreemen oppa masaya ka pero may part sa puso mo na nasasaktan ka rin at higit pa don yon?” aniya kaya naman napaisip ako.

“oo, masaya, pero minsan nakakasal narin.” walang alinlangang sagot ko.

“eh kapag si dream oppa? masaya ka ba? nasasaktan ka ba? feeling mo ba nasasakal ka kahit hindi naman kayo?” aniya

napaisip ulit ako. sa totoo lang, kahit di pa kami nagkakausap personally ni dream, masaya naman ako, dahil nga sa mga kakulitan niya. hindi katulad ng kay dreemen.

“hindi...ko alam.” alinlangang sagot ko.

marahan naman siyang napatango saka nag isip ulit.

“unnie, kanino ka ba mas nasasaktan? kay dreemen or kay dream oppa? yung sakit ba na yon, ikasisiya mo sa huli o mas ikasasakit mo lang?” tanong niya ulit na hindi ko na naman magawang sagutin.

kanino nga ba ako mas nasasaktan? hindi ko alam..basta alam ko, masakit yung puso ko kapag naiisip kong iiwan ako ni dreemen pero mas doble yung sakit kapag naiisip kong masasaktan ko si dream.

hindi ko na alam.

[Jeyn] ▫ l.seokmin || p.jihyo ✔Where stories live. Discover now