054

265 18 20
                                    


»dream«

“don't you think you're being harsh enough to let her soak in the rain? ” napatingin kaming lahat kay Jeowin hyung dahil doon.

napaiwas ako ng tingin sa kanya saka bumalik sa pagsusulat sa notebook ko.  its raining hard outside and i don't get what they're talking about. 

“sabi niya di daw siya aalis hanggat hindi niya nakakausap si hyung e. ” Damin asnwered.  Sino na naman kaya ang pinag-uusapan nila?

“oo nga hyung,  saka binigyan namin na siya ng payong. ” Vlad seconded.

napatingin ako sa kanilang lahat dahil doon.  sino bang pinag uusapan nila?

“sht!  guys!  nasa labas sila Nashyl!” sigaw ni Seven hyung kaya napangunot ang noo ko. anong ginagawa nila noona dito?

“Seven Choi! tigilan mo yang pagmumura mo kung ayaw mong palamunin kita ng sili!” sigaw ni Jeowin hyung kaya naman nagtawanan yung maknae line. napangiwi nalang ako dahil don. ewan ko sa kanila.

“he! yung Jeona mo nasa baba! Tara at–” napatigil si Seven hyung sa sinasabi niya at lahat kami ng makarinig kami ng sigaw sa labas. sa sobrang lakas ata ng mga sigawan dinig na yon hanggang kanto.

lahat kami lumapit sa bintana saka tinignan yon. halos manlaki ang mata ko ng makita si Jeyn na naka luhod sa kalsada habang basang basa ulan habang ganon yung mga kaibigan niya. bakit silang lahat nandito?

napamaang kaming lahat ng makita kong sampalin ni Nashyl si Jeyn. sht! no!

“oh shit! Seven hyung! patigilin mo yung girlfriend mo!” sigaw ni Damin.

aalma pa sana si Jeowin hyung dahil sa pagmumura marahil ni Damin pero agad ng tumakbo pababa si hyung kaya sinundan namin siya. ako naman nagpahuli ng konti dahil hanggang ngayon nasasaktan parin ako kapag nakikita ko si Jeyn.

“Nashyl! stop hurting Jeyn ano ba?!” dinig kong sigaw ni Jeona pero parang walang marinig si Nashyl noona.

“wag niyo kasing kunsintihin yan! Jeona naman! Ilang araw na siyang nagpapakatanga dito para sa lalaking yon! kung ayaw siyang kausapin then so be it! hindi yung tanga na nga siya pinagmumukha niya pang tanga yung sarili niya! besides kasalanan niya naman! sino ba naman kasing tanga pa ang maniniwala kung niloloko ka lang naman pala?!” malakas na sigaw ni Nashyl noona kaya naman napakuyom ako ng kamo dahil doon.

“unnie stop na please. pag-usapan nalang natin ng maayos to. Jeyn unnie, uwi na tayo, di ka pwedeng magpaulan diba? sige na..” I heard Chelsy's pleading voice.

“i'm not coming home..” napapikit ako ng marinig ko yung nanginginig niyang boses. damn it!

“Nash, pumasok na kayo sa loob hindi maganda kung dito pa kayo sa labas mag-uusap usap ng ganyan.” si Seven hyung yon.

“don't touch me! hindi kami papasok sa loob! uuwi na kami! Halika na Jeyn!” sigaw ulit ni Nashyl noona.

napansin kong parang nafrustrate si Seven hyung sa sinabi at ginawa ni noona pero hindi ko naman gaanong napansin. i was just looking at Jeyn.

[Jeyn] ▫ l.seokmin || p.jihyo ✔Where stories live. Discover now