060 ╰dream╮

227 16 11
                                    


Dream

╰◈╮

Jeowin

🥀

naalimpungatan ako sa pagkakatulog ng maramdaman kong nagvvbrate yung phone ko. pikit matang kinuha ko yun saka sinagot.

“yeoboseyo?”

“dream..”

“jeowin hyung?? bakit? hyuuung! ang aga paaaa..”

“tangina dream! alam kong maaga pa pero tangina bumalik ka na dito!”

“huh?”

napabangon ako ng marinig ko yung taranta sa boses ni hyung. anong nangyayari?

“dream! si jeyn! tangina! bumalik ka na dito please!”

halos manlaki yung mata ko ng marinig ko yung pangalan  ni jeyn na binanggit niya.

“anong nangyari?!”

nagpapanic na tanong ko habang mabilis na umalis sa kama saka kinuha yung susi ng kotse.

“mahirap magpaliwanag! basta bumalik ka na dito!”

utos niya kaya naman kahit halos madapa dapa na ako nagmamadaling sumakay ako sa sasakyan pagkababa at pagkalabas ko.

mabilis na pinaharurot ko yun pabalik sa hospital kahit na nanginginig ako. hindi ko alam pero umiiyak na pala ako habang nagddrive.

sht. sht. sht.

lord! wag naman si jeyn ko! please. magpapakatino na ako wag niyo lang kunin si jeyn sakin. please.

nang makarating agad ako sa hospital bara bara ko lang nipark yung sasakyan saka agad tumakbo papasok sa hospital.

“sorry!”

paumanhin ko ng may nabunggo ako.

“hyung!”

sigaw nila Damin ng makita ako. lahat sila nasa labas at hindi ko alam kung bakit.

hindi ko sila pinansin. basta binuksan ko lang yung pintuan at halos manlumo ako ng makitang ang daming doctor ang umaasikaso kay Jeyn.

a-anong nangyari?

bakit?

“sir, sa labas po muna kayo..”

saway nung nurse pero parang wala akong marinig dahil nakatuon lang ang atensyon ko kay Jeyn.

bakit...

bakit nirerevive nila si Jeyn?

a-ano bang nangyari habang wala ako?

🥀

[MALAPIT NG MATAPOOOOS]

[Jeyn] ▫ l.seokmin || p.jihyo ✔Where stories live. Discover now