070 ╰jeyn╮

239 13 41
                                    


“guys, nakita niyo ba si Dream?” tanong ko ng makababa ako. umagang-umaga wala agad siya. katabi ko naman siyang natulog kagabi? oy! wag kayong malisosyo walang nangyari okay? pssh. magkatabi kami kasi sa salas kaming lahat natulog, yep, dito kami sa bahay natulog, kagabi ko nga lang din narealize na ito yung dating bahay namin eh.

malay ko ba naman ito yon, may mga nagbago narin kasi sa ilang gamit. namiss ko tong bahay na 'to sa totoo lang. ilang taon din kasi ang nakalipas ng lumipat kami ng bahay. hay.

“hindi eh,unnie. baka kasama yung boys, wala rin kasi sila as you can see.” sagot ni Chemy kaya naman napatango ako. oo nga no, wala rin pala yung ibang boys.

“unnie, okay lang ba kung utusan kita?” tanong ni Demy ng makalapit ako sa kanila. busy kasi sila sa something na hindi ko malaman.

“sige ano ba yon?” tanong ko habang natango pa.

“may nakalimutan kasi kaming bilhin sa convenient store malapit lang naman dito sa bahay niyo. pwede bang pabili naman? may bike naman doon sa garahe niyo unnie kaya di ka na mahihirapan hehehe sorry talaga.” aniya kaya tumawa naman nalang ako. sus maliit na bagay.

“baliw okay lang. ano bang bibilhin?” tanong ko ulit.

“yung singsing–este yung tape hehehe.” aniya kaya napatango nalang ako kahit naguguluhan. may sinabi ba siyang singsing? alam ko narinig ko eh? hay nako.

binigyan naman nila ako ng pera pambili saka ako nagpunta sa garahe namin. napangiti ako ng makita yung bike na malaki tapos isang maliit. magkamukha yon. at alam kong yung maliit yung bike kong ginagamit noong bata ako.

wow. hanggang ngayon pala okay pa siya? alam ko nasira ko yun noon nung muntik na akong mabangga sa isang bata eh. kay Dreemen. hmm. kamusta na kaya siya? Sana okay lang siya.

sa totoo lang hindi naman masama si Dreemen eh. siguro nagkaroon lang ako ng pagkukulang noon kaya siguro nagawa niya akong hiwalayan at lokohin. pero okay na ako ngayon. isa pa may Dream naman na ako.

sumakay na ako sa bike saka umalis na. medyo mabagal yung pagpedal ko kasi gusto ko munang tignan yung ilang bahay. yung iba ang dami ng nagbago pero yung iba ganon parin.

alam ko madadaanan ko yung park dito? may mga nagbago rin kaya? o ganon parin? siguro maraming bata ngayon don? ohemgee sana meron! gusto ko makipaglaro sa kanila. ohemg–

“OHMYGOD!” i shrieked ng may nakita akong patawid sa daraanan ko.

kinabig ko yung hawakan para hindi ko siya mabunggo kaso huli na ang lahat. nagkabungguan kami pero nakakapagtaka lang na hindi ako nasaktan nung bumagsak ako.

nagtatakang napatingin ako doon sa nabunggo ko at ohmygod nasalo niya pala ako.

“ohmygod! okay ka lang ba? hey sorry omg! im really sorry.” tarantang saad ko saka tinulungan siya tumayo.

hindi naman siya nagsasalita nakayuko lang siya. ohmygod. baka hindi siya okay?

“halika dadalin na kita sa hospital! baka hindi ka okay! ohmygod! dapat kong tawagan si Dream ko!” sabi ko saka hinanap yung phone ko sa bulsa kaso–

“sht! naiwan ko pa?! seriously?! teka kuya halika na sa hospital!” hindi ko na talaga alam ang gagawin ko pero siya kalmado lang.

[Jeyn] ▫ l.seokmin || p.jihyo ✔Where stories live. Discover now