057 ╰dream╮

233 18 63
                                    


nakanguso lang ako habang nakatingin kay Jeyn. paano, magdadalawang linggo na siyang natutulog. madalang narin makadalaw yung iba kasi naghahanda na sila para sa upcoming graduation.

oo, sang buwan nalang kasi gagraduate na kami tapos hindi parin nagigising si baby jeyn ko.

kiss ko kaya to ng magising? tutal nag aala sleeping beauty naman siya. madami pa naman akong ikukwento sa kanya. ni hindi niya na nga nakita yung birthday ni Myren e. dami pa namang pakulo ng barkada non.

“baby, gising ka na..” panggigising ko kahit na alam kong malabo. minsan talaga para akong tanga.

kausapin baga naman yung tulog. pero hey! sabi ni otor mas maganda daw kausapin ang tulog no.

“baby, nako, di mo na naranasan makikain sa handa ni Myren. tsk tsk...” sabi ko ulit habang nagdidikit ng post-it note sa may pader ng kwarto niya.

hindi ko na nga mabilang kung ilang post-it note yung nadidikit ko e. basta dikit lang ako. pero syempre may sense ang nakasulat no. duh.

“alam mo ba..wait, alam ko hindi. basta, gusto sana ni Myren na dito ganapin yung birthday niya, e kaso may ibang plano si Josiah hyung. Syempre alam mo naman yun diba? matagal ng may gusto kay Myren yun e, di lang makaamin kasi duwag.“ natatawang kwento ko saka itinabi muna yung mga post-it notes.

“so ayun, sa ibang lugar nila ginanap tapos alam mo ba kinuwento nila yung nangyari kasi sabi ko ayaw kong umalis. mamaya kasi, umalis ako tapos nalalaman ko gising ka na. mali yon, dapat kasi ako muna una mong makikita kapag nagising ka na. so eto nga, hahaha, sorry daldal ko e. nung pinagdalhan nila ako ng pagkain dito, sinabi nila na basted daw si hyung. akalain mo yung first try basted agad. hahaha. masyadong cold hearted yung friend mo baby..pati si hyung na sobrang ward di kinaya tunawin yung nagyeyelo na atang puso ni Myren...” natatawang kwento ko habang pinaglalaruan yung daliri niya.

“tapos sila Mavy at Chemy? ewan ko ba dun sa mga 'yon. ewan ko ba ba't galit na galit yung maknae niyo sa tall dark and handsome naming aso hahaha..” pagpapatuloy ko.

“tapos sila Chelsy at Damin? ayun parang aso't pusa parin. di magkasundo. ewan ko ba bat pinag aawayan nila yung barya. like ano bang meron sa barya at pinag aawayan nila?”

huminga ako ng malalim saka napatingin sa kanya..

tulog parin...

“tapos sila Jeona noona at Jeowin hyung? ewan ko ba dun pero daig pa magjowa mag away..

tapos sila Nashyl noona at Seven hyung? nag-uusap naman ng matino kahit minsan. siguro kapag may inuutos lang yung profs sa kanila, kasi diba wala ka? so Nashyl noona muna kapalit mo pansamantala tapos si Hyung naman sa boys kaya sila magkasama lagi..”

Si Demy at Vlad? ewan ko ba don, di naman nag-uusap pero parang papatayin yung isa't isa. Si Momo? pansin ko lang lagi siyang malungkot ngayon samantalang si emo boy Warren naman palagi lang nakatingin kay Momo pero wala namang alam si Momo. gulo nila no?

tapos si Steven? susme, alam mo ba kinwento sakin nila Damin? may nililigawan na daw! kilala mo ba yung maknae nila Seijy? pero hindi si Sorene ah, yung Hyesha ata yon? basta iyon, nililigawan daw ni Steven yon which is parang malabong mangyari. feeling ko nga yung babae pa yung nanliligaw e. alam mo naman yun.

hmm, kung sila Thax at Junyc naman iniisip mo, well, di naman magpapahuli ang dalawang yon. Malamang nga nilalandi na naman ni Junyc yung kapatid ni Samarra e tapos si Thax naman malamang si Xiary ang nilalandi non. And speaking of Hauxtyn at Samarra, okay na sila, tho, umaaligid parin si Elisse, pero alam ko namang makakaya nila yon. sus patapos na kaya story nila.”

sa haba ng kwento ko, wala manlang akong nakuhang response sa kanya. sigh.

“baby... ikaw nalang ang kulang. gumising ka na kasi..ikakasal pa tayo after graduation e..” sabi ko saka naglabas ng isang maliit na box.

binuksan ko yun saka nilabas yung laman.

“see this baby? this is yours...” mababa ang boses na saad ko pero pinilit kong ngumiti saka marahang sinuot sa daliri niya yung bagay na hawak ko.

“look baby, bagay sayo...bagay na bagay..” nakangiting saad ko saka hinalikan yung daliri niya na may singsing.

tinignan ko siya saka marahang pumikit at sumubsob sa leeg niya.

“baby...” pinigilan kong pumiyok habang tinatawag siya.

i can't stop my tears from falling habang hawak hawak ang kamay niya.

inangat ko ang ulo ko saka tinitigan siya.

if fairytales do come true..

please let my wish come true..

i just want my jeyn to wake up..

without any more words i put my lips on hers. wishing that my kiss could wake her up. or at least mafeel niya manlang na nandito lang ako by doing that.

“please baby..wake up..” i whispered before hugging her tight.

wake jeyn..

please...

🥀

[ang bait ko talaga hays]

[Jeyn] ▫ l.seokmin || p.jihyo ✔Where stories live. Discover now