039

252 22 8
                                    


»jeyn«

nakakainis si dream. bat ba ayaw niyang samahan ako? pssh. nakakatampo. naisip ko tuloy, baka pinaglalaruan niya lang talaga ako. pero ano naman ba sakin kung pinaglalaruan niya lang ako? tangna sumasakit kasi yung puso ko kapag naiisip na baka totoo nga yon. na baka hindi niya talaga ako mahal. na baka pinagtitripan lang ako ni dream. nakakainis! bahala na nga. hays.

maingat kong isinarado yung gate ng makalabas ako. buti nalang walang nagising ni isa sa kanila kundi raratratin na naman ako ng mga yon ng tanong kung anong gagawin ko sa labas ng ganitong oras.

nakakatampo kasi! feeling ko walang nakakaalala ng birthday ko! birthday ko na ngayon pero wala manlang isang bumabati sa kanila. oo na, given ng tulog na silang lahat pero nakakainis kaninang midnight mga gising pa sila. umaasa nga ako na kaya sila gising kasi may hinanda silang surprise sakin kaso umasa lang talaga ako. umabot na ata hanggang 1AM at nakatulog na silang lahat wala parin akong bating natatanggap. nakakainis. tss.

“baby!” bahagya akong napatalon ng marinig kong may sumigaw non. napilingon ako sa gilid ko only to see dream tunning towards me.

what the? anong ginagawa niya dito? akala ko ba ayaw niya akong samahan?

“a-anong ginagawa mo dito?” kinakabahang tanong ko sa kanya ng makalapit na siya. bahagya akong napahawak sa may bandang puso ko dahil sobrang bilis ng tibok non. para akong hihikain ngayong nandito siya sa harapan ko.

first time ko siyang makita ng mas malapitan. at tangna bakit ba ang gwapo niya? mas gwapo pa siya kay dreemen. teka bat ko ba sila pinagkokompara?

“baby naman. alangan pabayaan kitang maggala ng ganitong oras? diba nga sabi ko delikado?” aniya habang humihingal parin.

baby.ilang beses niya ng tinatawagan sakin yan at hindi ko alam kung bakit sobrang nasisiyahan yung puso ko kapag tinatawag niya ako ng ganon. baliw na ba ako? hindi ba dapat mainis ako?

“okay lang naman. wala naman sigurong nakakapasok na holdapper or kidnapper dito sa village.” sagot ko habang hindi mapakali. ayoko siyang tignan. feeling ko malulusaw ako kapag tinitigan ko siya pabalik.

“tsk. kahit na ba. san ka ba kasi pupunta?” aniya. para naman akong bata na pinagbabawalan ng tatay niya.

“sa may park lang.” sagot ko saka nagsimula ng maglakad. di naman siya nagpahuli at sumunod lang din siya. ang kaso lang, nasa likuran ko siya, as if he's guarding me from behind.

teka nga pala, bat ang bilis niyang makarating dito sa bahay namin? taga dito lang din ba sila?

“dream..” tawag ko sa kanya pero hindi ko siya nililingon.

“yes baby?” damn that baby thing. napakagat ako sa labi para pigilan yung ngiti ko saka humarap sa kanya.

“bat ang bilis mong makapunta sa bahay namin? taga dito lang din ba kayo?” seryosong tanong ko sa kanya.

napangiti naman siya saka tumango. “yeah. mga five  or six houses lang yung pagitan natin. bakit?” aniya habang nakangiti parin.

pwede bang tumigil siya sa kakangiti? nahihirapan akong magconcentrate na kausapin siya e. pssh.

“ahh okay.” tipid na sagot ko saka tinalikuran siya ulit at naglakad na naman.

[Jeyn] ▫ l.seokmin || p.jihyo ✔Where stories live. Discover now