058 ╰dream╮

219 18 9
                                    


“nagpropose ka na?” tanong ni Myren. nakita niya siguro yung singsing na nakasuot kay Jeyn. I smiled.

“yeah.” maigsi pero nakangiting sagot ko. inabot ko sa kanya yung binalatan kong tangerine. wala kasi akong magawa. saka tapos ko na yung pagdedesenyo sa kwarto ni Jeyn. feeling ko kasi malapit na siyang magising.

“nice. nagpropose ka sa tulog. napaka magical.” sarcastic na saad niya kaya naman napasimangot ako. napabitter ng isang 'to.

“kung hinayaan mo sana manligaw si Josiah hyung edi sana di ka nag aala ampalaya dyan.” saad ko saka inirapan siya. napaka bitter kasi.

“nah. i'd rather be alone.” aniya saka kinain nalang yung tangerine.

ewan ko ba sa kanya ba't di niya nalang hinayaan si Josiah hyung na manligaw samantalang parang may feelings naman siya dun sa tao.

ewan. gulo nila.

“oh, nandito pala kayo..” napatingin kami sa pinto ng may pumasok. si Tita Hyunji pala.

humalik si Myren sa pisngi niya samantalang ako nagbow lang. di ko alam gagawin e, tho alam naman na niyang nagpropose ako since nagpunta siya dito nung nakaraang araw.

“magandang gabi po..” bati naming sabay ni Myren.

“good evening din sa inyo. oo nga pala, Dream, I think you need to go home, hinahanap ka ng Mama mo.” ani Tita kaya naman napakunot ang noo ko.

“po? pero hindi ko po pwedeng iwan si Jeyn?” sagot ko.

“silly, nandito naman kami ni Myren. kami nalang magbabantay sa kanya. Isa pa, kanina pa daw tawag ng tawag Mama ko pero di ka sumasagot. I think may emergency sa inyo..” mas lalong napakunot ang noo ko dahil don.

napatingin ako sa phone ko at ganon na lang ang gulat ko ng makakita ng sobrang daming messages galing kay eomma plus missed calls. nakasilent kasi yung phone ko kaya di ko nalaman agad. ano kayang problema?

“wala naman po siguro? isa pa, gusto ko pong bantayan si Jeyn..” sagot ko kahit na nag-aalangan ako kung uuwi ba ako o hindi.

“umuwi ka kaya muna? isa pa, wala ka bang tiwala samin ni Tita? duh? saka mukha ka ng banggay sa totoo lang. matulog ka muna pansamantala habang kami pa ni Tita nagbabantay dito.” hindi ko alam kung dapat ba akong matawa dahil ang haba ng sinabi niya o wag nalang.

“tama si Myren, iho. umuwi ka muna. huwag mong pabayaan yung sarili mo.” sabi ni tita.

napabuntong hininga naman ako dahil sa mga sinabi nila. mukhang kailangan ko ngang umuwi muna.

napatingin ako kay Jeyn saka napabuntong hininga ulit. lumapit ako sa kanya saka hinalikan siya sa noo.

“baby, uwi muna ako a? wag mo ko mamiss masyado. babalik din ako.” bulong ko sakanya.

kinuha ko yung gamit ko saka tumingin ulit kay Jeyn. tsk.

“balik nalang po ako agad.” sabi ko.

umiling naman si Tita  “take your time Dream. kami ng bahala kay Jeyn. ingat ka.” aniya kaya naman napatango nalang ako.

tinignan ko pa ng isang beses si Jeyn bago nagsimula ng lumabas ng room niya.

ng makalabas ako agad akong tumawag sa bahay.

“eomma, waeyo?” tanong ko agad.

wala akong ibang narinig kundi pagsinghot niya. anong nangyari?

“Dream, yung papa mo..” aniya na siyang ikinabahala ko.

anong nangyari kay appa?

“anong nangyari po?”

“sinugod siya sa hospital kanina. pumunta ka na dito please..” hagulhol ni eomma kaya naman napatakbo agad ako palabas ng hospital.

sinabi sakin ni eomma kung saang hospital dinala si appa kaya naman madaling madali ako.

damn. wag namang pati si appa...

🥀

[oops]

[Jeyn] ▫ l.seokmin || p.jihyo ✔Where stories live. Discover now