Anne's Pov
Pumunta kami sa Dance studio ni Vhong, since wala daw silang Practice, itu-tour niya daw kami. Dami namang pakeme ni Vhong, pwede naman niyang sabihin na gusto niya kong makasama ngayon. Hihihi charut, kineme.
Kasama ko man si Vhong, pero nakatingin ako kila Liza at Quen. Bakit? Wala naman masamang maging overprotective na tita sa kanyang pamangkin ah?Nagkekwentuhan sila, at nagtatawanan. Habang nakatingin ako sa kanila biglang humarang si Vhong at sabi, " wag kang magalala, mabait yan si Quen", "oo alam ko, kita ko naman e, nagalala lang ako kay Liza" sabi ko. "Bakit?" Tanong niya sakin habang mas lumapit pa siya sakin. "Natatakot kasi ako, baka..wala pala." Di ko na tinuloy. "Weh? Wag naman po ako" sabi ni Vhong habang sinusundot ang aking tagiliran, pinalo ko nga ang kamay niya, alam naman niyang may kiliti ako dun e. "Aray! Sorry na, ano kasi yun?" tanong niya ulit, di pa rin talaga siya nagbabago... tumingin ulit ako kay Liza at Quen. "Wala nga sabi e, kulit mo po" sabi ko, at napatawa kami. Tas napatingin din siya kay Liza and Quen. "Alam mo Anne, naaalala ko ang sarili natin sa kanila" sabi niya habang hinawakan niya ang aking kamay. "Hmm, oo nga, kaso, si Quen matangos ang ilong" sabi ko. Napahawak si Vhong sa ilong niya, "wala namang banggitan ng ilong ng may ilong" sabi niya. Napatawa ako.
Vhong: pero seryoso ako, naaalala ko talaga ang sarili natin sa kanila, noong medyo bata pa tayo at--
Ako: tayo pa, at okay pa ang lahat. *nagulat ako sa sinabi ko at napatakip ako sa aking bibig*
Napatingin sa akin si Vhong. Promise, di ko alam kung bakit ko biglang sinabi yun. Tininngan niya ko ng seryoso, habang palapit ng palapit ang kanyang muka sa aking muka, nanlaki ang mga mata ko. Putres naman ito si Navarro di pa rin nagbabago, ganito pa rin ang kanyang suwabe moves e. Malapit na magtagpo ang aming mga labi, ngunit. KRIIIIIING! KRIIIIIING! Lintres, sino kaya ang bumasag ng momentum namin. Pagtingin ko sa phone ko, abay anak ng kabayo, si Jose Viceral.
Ako: uhm hehe, excuse me muna, *lumayo ako habnag sinagot ko yung tawag* hello?
Vice: Sis! Huhu, di ako mapakali, kailangan kitaaa! *may pag iyak na tono*
Ako: huh?! Bakit?! Tungkol saan?! *nataranta ako*
Vice: Basta sis, I need you ngayon 😭
Ako: Ah eh, sige sige, Papunta na ko.
Napatingin sa akin si Vhong with a worried face.
Vhong: Anong meron? Anong nangyare?
Ako: Si Viceral, tumawag, may problema ata, at kailangan ako ngayon.
Napa tingin si Vhong sa baba.
Vhong: Ganun ba... Sige puntahan mo na. Baka magbigti pa ang kabayong yun.
Napatawa ako.
Ako: Hahahaha, sige, *tinawag ko si Liza* Lizaaa! Tayo na, aalis na tayo dear.
Pagkatawag ko sa kanya. Nag bago ang expression ng kanyang mukha at nagkatinginan sila ni Enrique, parehas silang malingkot. Hmmm, bakit kaya.
Pagkatapos nun, nagpaalam at umalis na kami ni Liza.
@ Vice's house
Pagpasok ko sa bahay nila, bakit kamo ako di nagkatok? No need na, ganyan din naman siya sakin e, minsan nga pupunta sa condo ko para lang kumuha ng pagkain ng walang paalam? Hayst, nevermind.
Ako: Sis! *sumigaw ako pero walang sumagot, dumating ang kasambahay niya* Si Jose po?
Kasmbahay: Ay, nasa taas po mam, mamamatay na daw po siya e
Nanlaki ang mga mata ko. At agad akong umakyat sa taas, sumunod si Liza.
Liza: Tita! Anong nangyayare? *I shrugged at her*
Pagdating namin sa kwarto ni Viceral naka tago sa ilalim ng kumot.
Ako: Sis... Ano ba kasing meron? Ano bang nangyare? Masama ba?.. pag usapan natin to please....
Dahan dahan kong sinabi sa kanya habang palapit kami ng palapit, nang biglang...
Vice: WAAAAAAHHHHH!!! *sumigaw siya ng napaka lakas*
Nagulat kami ni Liza. Napahawaksa puso ang aking pamangkin, nakalimutan ko may sakit pala siya sa puso. Agad ko siyang nilapitan at hinimas himas ko ang kanyang likod.
Ako: Jose! Ano ba?! *sigaw ko*
Vice: Siiiiiiiss!!! May nangyare kasi e.. hihihihi *kinikilig*
I gave her a very confused and questionable look. Ganun rin si Liza.
Ako: Eh ano nga kasi?
Vice: *napakagat labi* kasii....kasi.. NANLILIGAW NA SA AKIN SI JHONG!!
nanlaki ang mga mata ko.
Ako: A-ANO?! Kelan pa?
Vice: hihihi kanina lang, kanina ko lang kasi siya pinayagan eh *kinikilig pa*
Bwisit kala ko pa naman importante e. Napa hinga ako ng malalim.
Ako: kala ko pa naman magpapakamatayka, sabi kasi ng kasambahay mo na sabi momamamatay ka na daw.
Vice: Hmp, gaga! Mamamatay ako, SA KILIG! *kinilig lalo*
Anak ng kabayong bakla. Yun lang pala e.
YOU ARE READING
VhongAnne: She's Dating A Dancer 💓
Fanfictionwould you do anything for the one you love?