Chapter 11

20.1K 836 223
                                    

'I am Raven Shou'


RAVEN


You really think you can make me leave just like that?


Nakasandal ako sa pinto ng katapat ng kwarto ni June. I can clearly hear his footsteps towards the door kaya hinanda ko na ang ngiti ko. Pagbukas palang ng pinto niya, para siyang nabigla o nainis o ano mang naramdaman niya nung nakita niya akong nakatayo sa harap niya.


"Good morning!"
Masigla kong bati kahit parang mapupunit na ang labi ko kakangiti sa kanya. June looked confused at tinapik niya pa ang pisngi niya. Akala niya siguro nananaginip pa siya.


"What are you still doing here?"
Malamig niyang tanong. Nagkibit-balikat lang ako at agad siyang hinila pero alam kong hindi ko basta-bastang mahihila ang isang Tanaka.. especially, someone like June Tanaka. But I am not Raven Shou for nothing.


Ginamit ko ang lakas ko para hilahin siya. Naramdaman ko namang nagpahila nalang siya sa akin kaya dinala ko siya kaagad sa kusina. Pinaupo ko siya at nilagyan ng bib habang nakangiti ako. Nilapag ko sa harap niya ang oatmeal at isang baso ng gatas.


"Eat up baby June."
Masigla kong sabi sa kanya. 'Yung mukha ni June ay parang hindi maipinta o mabasa. Either he's disgusted by my 'trying hard to be cute' action, or he's still in the state of processing what was really going on.


"B-Baby?"
Nautal pa siya kaya mas nilakihan ko ang ngiti ko. Para na akong Joker dito habang nakatayo sa harap niya. "Yes~ and I'm your babysitter. Now, eat up baby June~" Inusog ko pa palapit sa kanya ang oatmeal at nilagay sa kamay niya ang kutsara.


June flinched by my touch at marahas na tinanggal ang bib sabay tapon nung kutsara at tumayo. Tumingin siya sa akin. Nakita ko na naman 'yung mata niyang walang inilalabas kundi galit. "Diba sabi ko umuwi ka na?!"


Hindi ako nagpatinag sa sigaw niya at nagkibit-balikat lang. "I told you I'm gonna be your babysitter one way or another." Ngumiti ako sa kanya pero mas lalo ata siyang nagalit sa akin. I just shook it off at pinulot 'yung apple sabay pakita sa kanya habang nakangiti. "Apple?" I sweetly asked but he just shoved my hand away.


"You're crazy."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya pero napag-isip isip ko rin.. baliw nga ako. Baliw kasi pumayag ako sa kabaliwang binigay ng Tanaka Clan sa akin. Baliw dahil pinipilit kong ngumiti sa taong walang ginawa kundi ang magalit. Baliw dahil nanatili ako rito kahit pinapaalis na ako.

Baliw naman talaga ako.


"Tama ka. Baliw ako." Pasimple kong sagot at pinulot naman 'yung saging. "Bababa-babanana?" Gusto kong lamunin na ng lupa sa ginagawa ko pero nabuhayan ako nung nakita kong muntik nang matawa si June pero binawi niya ito at sinuntok ang mesa.


"This is ridiculous!"
Sigaw niya at nag-walk out. Napairap ako at marahas na binagsak 'yung saging sa mesa dahilan para mapiga ko ito sa kamay ko. Napangiwi ako at nilinis 'yung mesa tsaka nilinis ang kamay ko. "Kung baliw ako, abnormal naman 'yun. May bipolar disorder yata 'yun."


I relieved my stress and anger by talking to myself. Huminga ako ng malalim at kinain nalang 'yung oatmeal. Kung ayaw niyang kumain, I'll have this. Pero hindi pa ako nakakasubo, marahas na bumukas ang front door. Sinilip ko ito at kumunot ang noo ko nung makita ko ang dalawang Tanaka guard na papasok.


"Miss Shou.."
Tumaas ang kilay ko sa pagsalubong nila sa akin. "Bakit?" Tanong ko sa kanila. Nag-aalinlangan pang magsalita ang isa sa kanila hanggang sa may iba pang dumating. "We need Miss Shou!" Sigaw nito.

Babysitting June TanakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon