Chapter 41

14.5K 576 118
                                    

'It Wrecks You'


RAVEN


"Raven?"


Tumingin lang ako sa pinto ng kwarto ko nung marinig ko ang tawag ni Mommy. Hindi ako sumagot at binalik lang ang tingin ko sa dagger na hawak ko. It's been a week since I've kept myself isolated in my room.

Natasha called me at sinabi niyang hindi ako pwedeng maging distubro sa 'clan tradition' nila at parang galit pa siya sa akin nung sinabi niya 'yun. Palagi naman siyang galit kaya hindi na nakakagulat. It made me crazy to think that I was talking to the girl who made all this possible but I can't blame her because I have my own fault as well.


I've had no contact with anyone for a week. At sa tuwing may nagpapahanap sa akin, pinapasabi ko kay Mommy na nagbakasyon muna ako.

Crazy of my friends to think I really did. Wala namang dumalaw kaya nasanay na ako. Walang dumalaw.. kahit si June. I guess he really was busy with their clan tradition. I think by now alam na niya ang elite clan rule na sinasabi ni Master Tanaka. Maybe by now.. he's having second thoughts. Pumukit nalang ako nung bigla kong nasugatan ang kamay ko sa dagger na hawak ko.


"Piece of trash."
Mahina kong sambit at tinapon 'yung dagger sa pinto. Napabuga nalang ako ng hangin nung marinig ko muli ang katok ni Mommy sa pinto ng kwarto ko.


Sinalpak ang headset sa tenga ko pero bigla nalang bumukas ang pinto ng kwarto ko dahilan para tumingin kaagad ako sa pinto. Kumunot lang ang noo ko nung nakita ko si Mommy na kinakabahang nakatingin sa akin at sa labas ng pinto.

Agad akong napaupo sa kama ko nung nakita ko palang ang heels ng taong papasok sa kwarto ko. I trailed her a look from head to toe. Her flashy smile, her well-defined tattoo and her shoulder level straight cut hair and to the mole on her cheek.


"Amber.."


Hindi ko napigilang banggitin ang pangalan niya. Tumingin lang siya sa akin at ngumiti tsaka na kami iniwan ni Mommy. Si Amber na mismo ang nagsara ng pinto at hinila niya ang isang upuan papunta sa gilid ng kama ko at umupo doon tsaka tumingin sa akin.


"Why are you locked up in your room? Grounded ka ba? May sakit ka?"
Sunod-sunod niyang tanong pero isang kibit-balikat lang ang naisagot ko na ikinatawa niya lang naman. Tiningnan ko siya na nakikipag-usap sa akin na parang matagal na kaming magkaibigan.

I am still in a daze while I was looking at her this whole time. From suspecting her to be Cash's killer to finding her and knowing little things about her.


"Nagkita na ba kayo ni Kion?"
Pasimple kong tanong nung natapos na siya sa mga pinagsasabi niya kung 'san siya galing, kung ilang lugar ang napuntahan niya nung umalis siya sa clan at kung ano ang mga plano niya.


Saglit lang siyang tumigil at ngumiti ulit sa akin. "He's with his girls, again. I don't want to disturb." Nakayuko niyang sagot. Napangiwi lang ako at pumapasok na naman sa isip ko ang mukha ni Kion na pinapalibutan ng mga babae. Kion wasn't a flirt, a man-whore or whatever.. he's just simply surrounded by girls.


"I heard about the bounding."
Pag-iiba niya sa usapan. Tumingin lang ako sa dagger na nakaturok sa pinto at binalik ang tingin ko kay Amber.


"Not my business."
Pasimple kong sagot at umiwas ng tingin sa kanya.


"W-What? You're June's girlfriend, right?"
I winced at what she said. Humiga nalang ako sa kama ko at tumalikod sa kanya. Tiningnan ko ang isang picture frame na kalalagay ko lang nung araw na bumalik ako dito sa mansion.

Babysitting June TanakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon