Chapter 31

15.6K 602 82
                                    

'Carrot'


RAVEN


"So you finally snapped, huh?"


Binagsak ko ang baseball bat na hawak ko at tumingin kay Kion na nakadekwatro lang sa bench dito sa school at nakatingin sa akin na naglalaro ng softball. Nagkibit-balikat lang ako at lumapit sa kanya sabay kuha ng tubig ko na nasa gilid niya.


"That's a good start, Raven. Don't be weak."
Nakangiti niyang sabi sa akin. Pinaningkitan ko lang siya tsaka hinarap at tiningnan ko siyang mabuti.


"I've been thinking it over last night, ikaw ang rason kung bakit ko tinalikuran ang pangako ko kay Cash."
Diretso kong sabi habang nakatingin sa kanya ng maigi. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Teka, bakit ako?" Painosente niyang tanong.


"You told me that the Tanakas are evil. You told me sila rin naman ang may kasalanan kung bakit nawala si Cash. I snapped seeing them partying and having fun because I see them as pests from that day on. So lahat ng sinabi mo sa akin, ginamit ko 'yun para ibalik ang galit ko. Now I'm banished from Black Ariz bar dahil anak naman pala ng may-ari nun 'yung hinulog ko mula sa terrace."
Walang gana kong sagot sa kanya at tinapon na 'yung water bottle na walang laman dun sa trash bin. Narinig kong tumawa lang si Kion sa sinabi ko at tumango-tango pa. Umirap lang ako at umupo na sa tabi niya.


"So.. now that you're back to being the sadist that you are, firing ta'yo?"
Sinamaan ko lang siya ng tingin sa sinabi niya. I don't know about him pero palagi nalang niyang sinasabi na mag-firing kami sa Black Hole. I already broke my promise to Cash that I won't use violence anymore. I won't break my promise about not playing with a gun.


Umayaw ako sa alok niya at nakita ko na naman ang desmayado niyang mukha. Natawa lang ako. Bakit naman kasi kailangan ko pang matutong bumaril? I'm in for ass-kicking but I'm not in for killing. There's a big difference.


Kinuha ko na 'yung bag ko at nagsimula nang maglakad paalis pero napahinto kaagad ako at sandaling humarap sa kanya. "Kion?" Mahina kong sambit pero narinig niya naman dahilan para lumingon siya sa akin.


"Any news about Buggy?"
Walang gana kong tanong. Nawawalan na ako ng gana kasi ilang araw nang hindi napapakita si Buggy sa amin. Pinuntahan ko naman siya kanina sa bahay nila pero sabi nung Mommy niya nagbakasyon raw.

Which was weird dahil una sa lahat, hindi pa naman bakasyon at hindi naman ugali ni Buggy na umabsent. Top honor kaya 'yun.


"Unfortunately, wala.."
Desmayadong sagot ni Kion. Tumango nalang ako at tipid na ngumiti at tuluyan nang umalis. Habang naglalakad ako sa hallway, napapikit nalang ako at sinapo ang noo ko. Nasan ka na ba kasi, Buggy?


Hindi man lang siya nag-iwan ng e-mail, text o kung ano. Kahit simpleng tuldok wala. Naghihiganti rin kaya siya sa akin nung hindi ako nagparamdam ng isang linggo? Napailing nalang ako sa naisip ko. Hindi naman siguro. Sana pumasok na siya bukas.

Kinuha ko nalang ang susi ng motor ko at dumiretso na sa parking lot at nung nasa tapat na ako ng motor ko ay sinuot ko na kaagad ang helmet ko at sumakay na. Paglabas palang ng motor ko sa gate ng school ay napa-brake ako ng wala sa oras dahil may mga itim na kotseng nakaharang sa tapat ng gate.

Muntik ko pang mabundol 'yung isa. Inis kong tinanggal ang helmet ko at tumingin sa mga kotse.


"What the hell?! Parking lot ba 'to?"
Ginulo ko ang buhok ko sa inis at napairap nalang ako nung makita kong lumabas si Natasha mula sa isang kotse. Humarap siya sa akin na nagmamakaawa na naman ang mukha kaya napapikit nalang ako at walang gana siyang tiningnan.

Babysitting June TanakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon