Chapter 32

15.6K 633 141
                                    

'Safe'


RAVEN

"Buggy, ano 'to?" Nanginginig ang kamay ko habang sinusubukan kong hawakan ang tattoo ni Buggy pero hinawi niya lang ang kamay ko at agad na sinuot ang t-shirt niya. Napalunok nalang ako at saglit na lumayo sa kanya.


"I hope you sent the teachers an excuse letter for me."
Walang emosyon niyang sabi. Napapikit nalang ako. Of course, when I was gone for a weeks, Buggy sent a fake excuse letter to the profs at ngayong siya naman ang wala.. hindi ko nagawa.

Napayuko ako at hinawakan ang batok ko. Narinig ko lang ang mahina niyang tawa at dinampot ang bag niya na nasa carpet.

"Just what I thought.. useless." Natigilan kaagad ako sa salitang lumabas mula sa bibig ni Buggy. Agad ko siyang tiningnan pero hindi siya nakatingin sa akin at dumiretso lang papunta sa pinto.

"You are too busy with those useless Tanakas!" Huli niyang sambit bago lumabas ng apartment ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa sinabi niya. Should I be mad? Should I be sad? Or should I hate him?


Napasapo nalang ako sa noo at isinalampak ang sarili ko sa sofa. How come Buggy became a hunter? How come Yuen became a hunter? How come Lisa became a hunter? Ano na bang nangyayari? Lahat nalang ba ng kaibigan ko magiging ganito?

Ewan ko kung paano ako nakatulog nung gabing 'yun. Basta ang una kong ginawa nung nagising ako ay maghanda papunta sa school at agad kong hinanap si Buggy. Hindi ko na pinansin 'yung paninita sa akin nung guard dahil hindi ako naka-school uniform. Basta nalang akong pumasok at dumiretso sa classroom namin.

Dun ko nakita si Buggy na kasama si Yuen at nagtatawanan silang dalawa. I clenched my jaw seeing these two. Agad akong pumasok sa classroom namin at nilapitan silang dalawa. Nung nasa tapat na nila ako ay sandali silang tumigil sa pagtatawanan at sabay na lumingon sa akin.


"Hey, Rav!"
Naningkit lang ang mga mata ko sa pagbati sa akin ni Yuen. Different from how he usually greets me. Pero hindi ko na muna siya pinansin at tiningnan si Buggy. Hinawakan ko kaagad ang kwelyo niya at hinila siya palabas ng classroom. Hindi naman siya pumalag kaya mabilis ko lang siyang nahila papunta sa rooftop ng building A.


Pagdating namin dun ay umupo lang siya sa sirang upuan at walang ganang tumingin sa akin. Tiningnan ko ang pagkakasuot niya sa uniform niya. He didn't button the first two buttons of his polo kaya nakita kong umusli ang tattoo niya. Napakagat ako sa labi ko at nameywang tsaka humarap sa kanya.


"What? Gusto mong makita ng lahat 'yang tattoo mo?"
Inis kong tanong sa kanya. Umangat lang ang gilid ng labi niya. He crossed his arms and nodded like a bastard. Napapikit nalang ako at sinapo ang noo ko.


"Buggy! Hindi ka ba nag-iisip?! Alam mo ba ang pinasok mo?! Ni wala ka ngang alam sa—"


"And who are you to lecture me, huh? Sino ka ba?"
Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa tanong niya. Sumikip pa ang dibdib ko sa tono ng pananalita niya lalo na sa titig na binibigay niya sa akin. Na parang ayaw na ayaw niya akong makita. I balled my fists and calmed myself down.


"What do you mean 'who am I'? I'm Raven! Kaibigan mo ako!"
Sigaw ko sa kanya pero tumawa lang siya at tumingin sa malayo. His laugh was insulting me but I stood my ground at hinintay siyang matapos sa kakatawa.


"Oh right~ you're Raven Shou. The uncrowned yakuza heiress. Naging alalay ng isang demonyong Tanaka at naging sunod-sunoran sa kanila. Umiyak dahil sa isang Tanaka. Hindi ka nga pumapasok at hindi ka nga nakikipag-usap sa akin dahil masyadong importante ang pag-aalaga sa taong hindi naman kailangang alagaan tapos sasabihin mong kaibigan kita? Where were you when I was in trouble, huh? You were in a beach! You were kissing a filthy beast! How are you supposed to be my friend?!"

Babysitting June TanakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon