'Who's the enemy?'
RAVEN
Bumaba na kami ni Gunner sa taxi at hinawakan niya kaagad ang kamay ko. I just smiled at him as he sways his hand. Binuksan ko na 'yung gate ng mansion at dahan-dahan na kaming naglakad ni Gunner papasok. Habang naglalakad kami ay tiningnan ko ang kamay ni Gunner na nakahawak sa akin. Pulang-pula parin ang marka ng bracelet sa kamay niya na pilit hinihila-hila nung mga lalaki kanina.
Inangat ni Gunner ang tingin niya sa akin at ngumiti lang.
"Oh, Gunner! Where have you been?!" Nabigla ako sa pagtawag ni Mom sa kanya at ang pagtakbo nito palapit sa amin. Agad niyang niyakap si Gunner at humagulhol ito. Tiningnan ko lang silang dalawa hanggang sa dumating si Dad na parang galit na galit.
"Raven! Ano bang pinaggagawa mo sa utak ng kapatid mo, huh?! He left the house because of you! Paano kung may masamang nangyari sa kanya?!" Sunod-sunod niyang sigaw sa akin. At times like this, I would talk back to him. Magrarason ako nang magrarason hanggang sa mapagtanggol ko ang sarili ko pero nakatingin lang ako kay Gunner at sa kamay nito.
"Ano?! Hindi ka sasagot?! Kapag may nangyaring masama kay Gunner, ikaw ang mananagot!" Sigaw niya at tinuro niya pa ako. Umangat ang gilid ng labi ko at tumingin na sa kanya. Wala akong sinabi at naging ganun lang ang titig ko.
"Ano 'to, Gunner? What happened to your wrist, baby?" Tanong ni Mom nung makita niya ang nangyari sa kamay ni Gunner. Walang sinagot si Gunner at tumingin lang sa akin na parang nanghihingi pa ng sagot. Nakita ko mas lalong nagalit si Dad sa narinig niya at nagtiim-bagang pa siya habang nakatingin sa akin.Nakita ko rin ang pagkuyom ng mga kamao niya. Mas lalong umangat ang gilid ng labi ko.
"Ate? Ayaw mo na ba sa akin?" Kumunot kaagad ang noo ko sa tanong ni Gunner at agad akong tumingin sa kanya. Imbes na sagutin ang tanong ni Mom ay lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko habang nakatitig sa akin. Ngumiti lang ako at pumantay kay Gunner.
"Ayaw mo na ba sa akin kasi pinagalitan ka ni Dad? Ate, sasabihin ko kay Dad na you didn't do anythi—" Hindi ko na siya pinatapos at pinindot ko ang ilong niya.
"You be a good boy and don't make Mommy cry. Okay?" Hinalikan ko na ang noo niya at tumayo na tsaka tumingin kay Dad. I saw the madness from his face. Nakita rin ni Mom kung paano nagalit si Dad kaya lumapit siya rito at hinawakan ang balikat ni Dad pero hinawi lang siya nito dahilan para mapaatras siya at matumba.Pinaningkitan ko kaagad si Dad sa ginawa niya. Sumigaw si Gunner at tumakbo palapit kay Mommy na umiiyak. Dun na kumulo ang dugo ko at nag-iba na ang titig na binigay ko kay Dad.
"Ano? May magagawa ka ba?!" Sigaw niya at lumapit sa akin. Itinaas niya ang palad niya at akmang sasampalin ako nang may sumalo sa kamay niya. Napatitig ako sa kamay na pumigil sa kamay ni Dad. Tumingin ako sa bracelet ng taong 'yun at dun ko nakita ang isang lalaking nakapoker-face lang at pilit na ibinaba ang kamay ni Dad.
It's Kion. Dressed as the devil's angel because of the black polo and jeans that he's wearing. Nakita ko ang bracelet na palagi niyang suot-suot pero muntik ko na siyang hindi makilala dahil sa nagdagdag siya ng piercing at mas lalong pumuti ang balat niya.
"Siguro alam mo nang hindi ko gustong nagagalusan ang mga mukha ng isa sa mga kaibigan ko?" Malalim ang boses ni Kion. Narinig kong tumikhim lang si Dad at umatras na sabay tingin kay Kion. Tumingin lang din si Kion sa kanya at tinuro ang sariling relo.
BINABASA MO ANG
Babysitting June Tanaka
Action[Complete] | Tanaka Series #1 Who would believe that an uncrowned yakuza heiress would babysit a rebellious Tanaka?