Chapter 42

14.2K 586 50
                                    

'It Ruins You'


RAVEN


The time stopped, my breath stopped, my movements stopped. All because of what Kion said. Hindi ako makagalaw at makapagsalita. Hindi ko kayang gawin ang gusto kong gawin at natauhan lang ako nung biglang tumilapon si Kion sa kabilang parte ng VIP room.


"Buggy!"
Rinig kong sigaw ni Cassidy. Yuen rushed to get a hold of Buggy. Pilit siyang pinipigilan nina Cassidy hanggang sa nagising si Lisa at dahan-dahang naglakad palapit kay Buggy at pumigil narin dito.


"You bastard! Kaibigan mo si Cash! Bakit mo nagawa sa kanya 'yun?!—F-ck! Bitawan niyo ako!"
Pilit nagpupumiglas si Buggy sa mga hawak nila. He was able to move nung hindi pa siya hawak ni Lisa pero isang hawak lang ni Lisa sa balikat niya, napapikit na kaagad si Buggy at napaluhod.


"Lisa! Enough!"
Sigaw ni Yuen kay Lisa. Tumingin lang si Lisa sa akin at naghintay kung anong sasabihin o gagawin ko but I was just there, sitting like a statue, unable to speak like a mute.


Tumingin ako kay Kion na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader. I was looking at him and I remembered those glorious days. When Cash was still here, when we were enjoying the crappy life of a teenager.


"H-How?" That was the only sound that came out of my mouth. I don't even know if I really said it. Para akong napaos at napako sa kinauupuan ko. Tumingin lang ako kay Kion na sinapo ang noo niya at yumuko.


"I-I'm sorry.."


Those words.. those hateful words. Kinagat ko ang labi ko sa narinig ko mula sa kanya. Tumingala ako para pigilan ang luhang tutulo na sana at binalik ang tingin kay Kion na tumayo na at dahan-dahang naglakad palapit sa akin.


"I'm sorry.."
Pag-uulit niya at lumuhod siya sa harap ko sabay kuha ng dalawang kamay ko at yumuko. He was begging on his knees, crying and sobbing like a kid. "R-Raven.. I'm sorry." Nararamdaman ko nang nababasa na ang kamay ko sa mga luha niya.

But I remained emotionless. Parang tinurukan ng isang katutak na anesthesia ang puso ko sa mga oras na 'to.


"I had no choice. I'm sorry, Raven. I-I'm sorry.."
Parang wala akong naririnig mula sa mga sinasabi ni Kion. My mind was blank of processing things. I don't know what to say and I don't know what to do. Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinisil ito.


Tumayo ako at lumapit kay Yuen. Pasimple ko lang itinaas ang laylayan ng polo niya at kinuha ang baril na nakakabit sa torso niya at tinutok kaagad ito kay Kion. "H-Hey!" Pilit akong pinigilan ni Yuen pero wala ako sa mood para magpapigil. Umiwas lang ako sa mga hawak niya at dahan-dahang naglakad palapit kay Kion na nakayuko parin at nakaluhod.


Narinig kong tumigil sa pagsigaw at pagpupumiglas si Buggy at tinuon ang pansin sa ginagawa ko. I don't know if there was an expression in my face while I was pointing the gun at Kion. Ang nasisigurado ko lang, I want to shoot him where he shot Cash.

Inangat ni Kion ang tingin niya sa akin at dun ko nakita ang basa niyang mga pisngi, ang pilik-mata niyang may bakas pa ng luha. Pumikit siya at dahan-dahang tumango. The longer I look at him, I remembered how Cash feel in front of me. How his white shirt became covered with his own blood.

And I can still remember how he died.


"You shot him twice, right?"
Walang emosyon kong tanong nung sumagi sa isip ko ang pagbaril sa kanya dun sa campus at ang huling paghinga ni Cash dun sa hospital. Humigpit ang hawak ko sa baril nung tumango siya at mas lalong yumuko.

Babysitting June TanakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon