Chapter 20

19.3K 771 108
                                    

'Hunters'


RAVEN


"The Tiger Moneys have been in our line of business ever since I was taken here in our village."
Tikom-bibig akong nakikinig kay Amber na kanina pa pinapaliwanag ang tungkol sa Tiger Moneys at kanina ko pa din pinapigilan sarili ko.

Pumikit nalang ako at ikinuyom ang kamao ko ng palihim.


"The Tanakas? In such dirty business?"
I can't help but run my mouth. Dahil kung hindi ako magsasalita, baka pumutok na ako sa galit. Bahagyang tumango si Amber at tumingin sa akin. "Business is business, Raven. Kaya nga nagsosorry ako kasi nadamay ka p—"


"Amber.."
Sabay kaming tumingin kay June na naglalakad palapit sa amin.


"What are you spilling?"
Ma-awtoridad na tanong ni June kay Amber. Ngumiti lang si Amber sa kanya at tumingin sa akin tsaka ngumiti ulit. "Wala naman. Just a little history about our family business. How we lure drug lords, loan sharks, mafia bosses and such. We even lured hunters, right June?" Pasimpleng sagot ni Amber. Parang umalingawngaw sa utak ko ang huling sinabi ni Amber dahilan para mapatingin ako kay June.


Hunters..


Parang nakuha ni June ang tingin ko kaya sandaling kumunot ang noo niya. It made me more confused just to think that he might know something about hunters. "Raven, we don't lure hunters." Pasimple niyang depensa kahit hindi naman ako nagsalita o nagtanong. Hinawakan naman ni Amber ang kamay ko at pinatingin sa kanya. "That's right, Raven. Nagkamali lang ak—"


I didn't mean to be rude because I'm already rude. Tumayo na ako at iniwan sila dun sa bench. Diretso akong naglakad palabas ng tennis court papunta sa bahay ni June. Hindi pa ako nakakalahati sa nilalakaran ko ay tinawag na ako ni June.


"Raven!" He called out pero hindi ako nakinig. Diretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating na ako sa tapat ng bahay niya pero nung pinihit ko ang door knob ay naka-lock pala 'yung pinto. Kinagat ko ang labi ko at hinawakan ang batok ko.


"Hey, are you okay?"
Tanong ni June nang makalapit siya sa akin at hinawakan pa ang balikat ko pero agad ko itong inalis at tumingin sa door knob. "Open the door." Walang lingon kong sabi sa kanya.


"Bubuksan ko kapag sasabihin mo—"


"I said! Open the goddamn door, June! Open it.. now!"
Wala akong pakialam kung sinisigawan ko na siya. Ang gusto ko ay pumasok lang dahil hindi ko narin alam ang susunod kong gagawin. Nag-iinit ako sa galit habang nakikita ko sa peripheral vision kong dinudukot ni June ang susi ng bahay niya mula sa tennis shorts niya.


"Okay.. just don't yell at me." Mahina niyang sambit habang binubuksan ang pinto ng bahay niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tinulak kaagad ang pinto nang mabuksan na niya ito at agad akong umakyat papunta sa kwarto ko.


Pagpasok ko ay ni-lock ko kaagad 'yung pinto at dumausdos pababa sa sahig. Hinawakan ko ang buhok ko at pinakalma ang sarili ko para makapag-isip ako.

Hunters.. at the Tiger Moneys auction? Sounds about right. Hunters are those who hunt and kill people because of their money. Tama lang na pumunta siya sa auction ng Tiger Moneys. Dahil nandun ang mga pinakamayayamang tao dito sa Mafia City. Of course, they'll be there.


At sa pagkakaalam ko, the highest bidding was Cash's twenty billion bid.

Natigilan kaagad ako sa naisip ko at agad akong nag-angat ng tingin. Nagsimula nang mabuo sa utak ko ang bagay na karugtong ng naiisip ko.

Babysitting June TanakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon