Chapter 22: Love the way you lie

1K 20 0
                                    

Bomiee's Pov:

Jiyong ..

Hindi ako makapaniwalang gagawin yun ni Jiyong kay Dara.

"Ano ba Top! Sinabi ko lang naman yun dahil nag aalala ako kay ate Dara!" -Dae

"Whatever. Pati nuno , dinamay mo! Are you still aware of what's in the f*cking world is  happening  ha? Daesung Jung!" -Top

Ang dalwang to talaga! Nagagawa pang mag away ey ganito na nga ang sitwasyon

Asan na kaya si Dara?

Yung mama nya , hindi tumitigil sa pag iyak.

"Tita , calm down. Maaayos din ang lahat." sabi ko habang hinihimas si Tita sa likod nya

"Salamat Jenny"- sagot nya.

Habang si tito naman , tahimik lang sa tabi namin ni tita.

"Jenny" lumingon ako sa likuran at nakita kong si Top ang tumawag sakin

"Why?" tanong ko

"Kelangan na nating umalis. Hayaan na nating magpahinga muna ang parents ni Cassandra" sabi nya at hinawakan na ako sa kamay.

"Sige" pero bago kami lumakad , nilingon ko ulit si TiTa

"Tita , kami na po ang bahala kay Cassandra" sabi ko

~~

Sumakay na kami ni Top sa kotse nya. Wala kaming imikan habang nag da drive sya.

Pero nagulat na lang ako ng basagin nya ang katahimikan

"Why do you think Jiyong did that?" tanong nya.

"I dont know. Nagtataka rin ako. Kase ang alam ko , okay naman sila ni Dara" sagot ko habang iniisip parin kung bakit nga ba.

"Do you want to go to their house?" tanong ulit nya.

Oo nga? Bakit hindi muna namin daanan ang bahay nila?

"Nice idea" sabi ko at iniba na ni Top ang direksyon ng sasakyan.

~~

Andito na kami sa tapat ng gate. Mag dodoorbell pa sana kami pero bukas naman pala.

"Bakit hindi to naka lock? Gabing gabi na ah? baka may pumasok na magnanakaw" sabi ko at naglakad na papasok. Nakasunod lang sakin si Choi.

Pati rin yung main door hindi naka lock kaya pumasok na rin kami.

At pagpasok namin , nagulat kami ng tumambad samin ang kalat. Gulo gulo yung mga display at puro basag ang pinggan. Hindi rin maayos ang furniture.

BOOGHSSHH.

Napapitlag kami ni Choi nang may marinig kaming bumagsak. Mula yun sa kwarto.

"Si Dara!" tangi kong nasambit at dali dali kaming tumakbo papasok sa kwarto.

"What the f*ck!" sigaw ni Choi.

"Dara..."

Hindi ako makaimik sa nakita namin.

Si Dara....

Bakit nya ginagawa to ? Sh*t.

May hawak syang razor. Agad ko namang napansin yung buhok nya . Shit!

Yung buhok nya ...

Yung buhok nya!

Ginupit nya yung left side ng buhok nya at sinisimulan na nyang ahitin.

"Da---" susugod na sana ako palapit kay Dara pero pinigilan ako ni Choi.

"Just let her" bulong ni Choi.

One LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon