GD's POV:
"Minji, asan si--
"Si ate Dara?"-sabi nya na hindi man lang ako pinatapos sa tanong ko.
"Oo"
"Pansin ko , lagi mo na lang syang hinahanap ah? Uuuuuii si Kuya GD , naibig? Well , asa locker room sya , medyo kanina pa sya ah? sundan mo kaya?"
Palabas na ako ng pinto ng may nakabangga akong babae , naka pink na sweater sya .
"Ayesha?"-tanong ko . Oo , kilala ko sya , kung maalala nyo , sya yung kayakapan ko sa old building . Sya yung babaeng ginupitan ni Dara ng buhok , bakit andito sya?
"Buti naman kilala mo pa ako?"-bulong nya . Nung una , di ko sya nakilala dahil ang ikli na ng buhok nya .
"Bakit ka nandito?"-tanong ko
"Bakit ako nandito ? Mag mamajong ako , bakit? hahaha what a stupid question jiyong?"
Dumiretso sya sa harap at nagpakilala sa buong 4-2
"Hello classmates! my name is Ayesha Dominguez and I'm new here so please be nice to me! Thank you! ^___^v"
Ano naman bang balak nya ? Pupuntahan ko muna si Dara kasi mamaya , andito na yung prof namin.
"Si-sinong..."-Dara
Nakita ko si Dara na nakaupo sa sahig habang umiiyak , napansin ko din ang punit punit na papel na hawak nya at nagkalat ang iba sa sahig.
"Cassandra"
"Ji?"
Tumayo sya agad at nagpunas ng luha.
"Ano yan? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"
"Yung research papers ko , nakita kong .... punit punit lahat pag bukas ko sa locker ko"
"Sinong gumawa nito?"
"Hindi ko alam!"
Pakiramdam ko , yung gumawa nito sa bag ni Dara at sa reseach nya ay iisa .
"Papakiusapan ko na lang si prof na iextend ang report mo okay?"
Inayos namin yung mga papel para gawing ebidensya mamaya , at bumalik na kami sa room .
"Late na kayo ! san kayo galing!?"-Sir
Pinaliwanag namin kay sir ang lahat at binigyan naman ng extension si Dara until next week.
Uupo na sana ako pero nagulat ako nang nakita kong katabi ko si Ayesha. Hindi ko sya pinansin at nakinig na lang ng lecture.
***Uwian
"Best okay ka lang ?"-Ayesha
"oo , may copy pa naman ako nun sa laptop kaya piprint ko nalang"-Dara
Labasan na at nakita ko si Ayesha at Dara na nag uusap , tama ba ako ng rinig ? "best?" . Hindi ba sya natatandaan ni Dara?
"Jiyong!"- Ayesha
Lumapit ako at inakbayan si Dara
"Ji , magkakilala kayo?"- tanong ni Dara
"Oo naman best! nagpakilala sya sakin kanina , remember .. magkatabi kami ng seats hahahaha! nakakatawa naman kausap si Jiyong , pede pala syang komedyante? tapos ang cute pa nya ngumiti!"
Sinungaling kang babae ka , hindi nga kita kinausap kanina . Tanga ba sya ? pano pag naniwala si Dara?
"Talaga ? buti naman di na ako mahihirapan ipakilala kayo sa isat isa."- Ramdam ko ang lamya sa pag sasalita ni Dara
BINABASA MO ANG
One Love
FanfictionGo lang Cassandra. Kunwari di mo alam. Kunwari di mo alam na last night nya na. Hindi ako iiyak. Hindi ako ii-*sniff* Damn this tears! ~Oh Diyos ko , wag kang agawin sa akin~ --- Will two hearts able to collide if the other is dying? ONE LOVE [Dara...