Chapter 15: The Dragon will fly

1.1K 29 0
                                    

Dara's Pov:

"Osige mom , aasikasuhin ko na ang lahat ... Opo , opo . Sige"

Nagising ako sa boses ni Jiyong at pagmulat ko , nakita kong may kausap sya sa telepono . Siguro mommy nya yun , pero teka ? anong aasikasuhin nya ?

Bumangon ako at saktong baba naman nya ng telepono.

"Gising kana pala ?"

"Sinong kausap mo ?"

"Si mommy lang, bumangon kana dyan ! Magsisimba tayo"

Tatanungin ko pa sana kung ano pinag usapan nila kaso nagulat ako ng sabihin nyang magsisimba kami , so naexcite ako at bumangon na agad agad.

"Get in"- sabi nya habang pinagbuksan nya ako ng kotse.

"Wow! ang gentleman ata ni Dragon ngayon?"

"Sinong Dragon!?"

"You"-at agad akong pumasok sa loob.

Linggo ngayon so madami talagang nagsisimba. Bago kami umupo , pumunta muna kami dun sa may lagayan ng holy water tapos nagsign of the cross.

Bakit kaya to nag aya magsimba? Kadalasan kase , yung tatlo ang kasama ko eh.

Pagkatapos ng misa , tumambay kami sa Plaza, marami akong nakitang couples with their kids .

"Jiyong , ilang anak ang gusto mo?"

Haaaaaa!!! What the heck Dara? Ano ba namang klaseng tanong yan ! Sana lamunin na ko ng lupa , NGAYON DIN !

>////< Hiyang hiya akong tumingin kay Jiyong , bakit blangko ang mukha nya? Nagulat ata?

"Ah hehe ! joke lang ! wag mong intindihin ang tanong ko its just ---

"Gusto ko 12 . 6 girls , 6 boys"-nakangiti nyang sabi , nagjojoke ba sya ? alam kong biro yun pero , bakit parang seryoso sya ?

Pero teka teka 12 ! diko ata kaya yun ? ... Argghhh ! erase erase ! ano bang iniisip mo Dara!?

"Mahirap atang manganak ng isang dosena" biro ko

"Hindi mo kaya?"

"Ako ? bakit ako?"

"Syempre ! ikaw ang magiging asawa ko, nakalimutan mo na?"

Nagsink on sa utak ko na Oo nga pala , naka arranged marriage kami hayyyy.

"Mahirap ang 12! , ikaw kaya ang manganak!"

Niyakap nya ko ng mahigpit at hinalikan ang noo ko , waaaa~ ang bango~

"Ikaw talagang rabbit ka ! tinatanong moko kung ilan ang gusto ko , yun pala , di mo kaya! Gusto ko pa naman paramihin ang lahi ng magaganda at gwapo"

Napatawa ako sa sinabi nya at I hugged him back tightly. Ang bango talaga~

***House

Umupo ako sa kama . Ni reminisce ko yung nangyari kanina. Nagsimba kami , pumunta sa plaza , kumain at namasyal maghapon then ayon ! pagod! *boggsh* Binagsak ko yung katawan ko sa kama at pumikit pero ..

"Cassandra , may sasabihin ako sayo"

Naimulat ko yung mata ko at nakita ko si Jiyong na nakatayo sa gilid ng kama. Seryoso ang mukha nya , mukhang seryoso ang sasabihin nya kaya bumangon agad ako at umupo sya sa kama.

"Bakit? May nangyari ba?"-tanong ko

"Wala naman"

"Anong gusto mong sabihin ? Kanina ka pang seryoso dyan , hindi tuloy ako makahinga ng ayos"

One LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon