Chapter 1

111 5 0
                                    

Life is a bliss.

Am-bliss magutom. Am-bliss mapagod. At Am-bliss mawalan ng pag-asang gusto mo pang mabuhay.

'De charot lang. 'Yan nga yung motto ko sa sarili ko eh. Wala lang. Nakaka-relate lang kasi ako sa 365 days ko ba naman na paulit-ulit ay parang napapatanong na lang ako sa sarili ko na; "Hindi naman ganun ka-exciting ang buhay ko. Magpakamatay na lang kaya ako?"

'De charot lang ulit.

Sa ngayon, naglalakad ako papunta sa eskwelahan ko dahil first day of school ngayon. Syempre, para mag-aral at pumasok sa paaralan hindi katulad ng iba diyan na pumapasok lang para lamang sa baon.

Hindi ba nila alam na nagpapakahirap ang mga magulang nila para lang makapagtapos sila ng pag-aaral tapos puro pangbu-bulakbol lang ang iniisip nila? Hindi ko naman nilalahat pero nakakainis lang kasi napaka-careless nila sa buhay nila. Siguro iniisip nila na, "Hindi. Bata pa kami. Kailangan muna naming maging masaya dahil sa darating na panahon, hindi na kami ganito kalaya."

Nakakagago lang yung ganyan eh noh? May punto, pero mas nakakadismaya. At ngayon sabihin niyo nga sakin, kabataan nga ba ang pag-asa ng bayan?

'De charot lang ulit. Napakaseryoso ko eh kakasimula pa lang ng kwento ko.

Akala mo naman kung makapag-isip ako, akala mo may 25 years old na. Pero sa totoo lang, 15 years old pa lang ako. Napaka-mature ko bang mag-isip? Hindi rin. Sadyang may utak at may pake lang ako. Hindi sa paligid ko. Pero sa sarili ko. Magulo ba? Magulo din ako eh.

Sumakay ako ng tricycle sa terminal papuntang school. Hindi ko alam kung anong trip ng directress ng school namin at ginawang tuesday ang first day of school ngayon. At dahil tuesday nga ngayon, coding ang sasakyan namin kaya nag-tricycle ako. Umupo ako sa likod yung sa tabi ng driver at nagbayad ng six pesos at naghintay ng isa pang pasahero para makaalis na ang tricycle.

Nang makahanap na ng pasahero ay agad umalis ang tricycle saka umandar para makapunta sa school. Nasa isang village ang school namin. Private siya pero walang aircon. So what? Kung maganda naman ang turo ng teachers, okay na ako dun. Nang makababa na ako sa tricycle ay naglakad ako papunta sa gate saka ko nakita si Kuya Drano na nasa gate.

"Kuys!"

Pagbati ko sa kanya. Nginitian naman niya ako bilang pagbati pabalik kaya nilagpasan ko na siya at naglakad. Medyo friendly naman ang mga staff dito sa school pero mas friendly si Kuya Drano. Matanda na siya at matagal na din siyang namamalagi sa school.

Umakyat ako sa hagdan para makapunta sa second floor. Hanggang 4th floor ang building ng school. Ang 4th floor ay para sa Grade 7 & 8 students. Ang 3rd floor naman ay for Grade 9, 11 & 12 students, faculty rooms, at ang practice room (for dancers). Ang 2nd floor naman ay for Grade 10 students and elementary students.

Dalawang mahabang building ang itsura ng school na simbolong "L". Magkadikit sila at ang isang building ay for Elementary & Senior-High Department.

Habang naglalakad ako sa corridor ay nakakita ako ng mga pamilyar na mukha pero hindi ko sila binati. And to be fair, they didn't greet me also, which is great. Sa isang sulok ng corridor ay may dalawang pamilyar na pamilyar na mukha sakin. Nang makita nila ako ay nginitian nila ako. Nilapitan ko sila at nakita kong may hawak hawak silang papers.

"Anong section ko?"

Sabi ko kaya hinanap naman nila sa papel ang pangalan ko. Wala man lang pagbati eh noh?

"Uh, ah! Gemini ang section mo. D'yan lang yang sa second room."

Sabi niya kaya agad akong dumeretso sa second room. Nakita ko naman ang mga pamilyar na mukha pero never kong pinapansin. Pumunta ako sa dulong upuan at nakita ko ang isa kong tropa na lalaki kaya in-apiran ko siya at umupo sa tabi niya. Syempre, nagkamustahan at asaran.

axeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon