Chapter 4

58 6 0
                                    

Isang buwan na ang lumipas nang magsimula ang pagiging Grade 10 student ko. Isang buwan na mga pagbabago. Isang buwan na mga kamalian at mga katamaan. Isang buwan na pag-aaral. Isang buwan na nagmimistulang gulo sa isip ko.

Ay ewan ko. Napakalalim ko kala mo talaga eh.

"Five! Six! Seven! Eight— Hoy! Ayusin mo galaw mo!"

Oh nagtataka ka kung bakit ganyan? Nagpa-practice kami ngayon ng calisthenics namin para sa Nutrition Month Program next week. Mga kaek-ekan ng school namin. Kailangan pa ba talaga ng ganito?

Sa 4 years ko dito sa school na'to, ngayong year lang ako tinamad sumali sa mga activities.

"Hoy, Axe!"

Sabi ni Aphle Maero Diteri. For short, Aphrodite. Yung kaibigan ko.

"Oh ano?"

"Sasali ka sa calisthenics?"

"Hindi. Nakakatamad kaya—"

"Gago sumali ka! Sasali nga kaming lahat eh!"

"Bwisit 'to! Kailangang mang-batok?!"

"Oo! Sumali ka ah?"

"Ayoko!"

"EH BAKIT?!"

"TINATAMAD NGA AKO!"

Bigla namang lumapit yung isa kong kaibigan na si Cain Dyzon.

"Luh? Last year na nga natin 'to eh! Sumali kana dai!"

"Oo nga! Last year na natin dito tiyaka kapag nag-senior high tayo hindi na tayo makakaranas ng ganito!"

Hindi ko sila pinansin at patuloy lang ako sa pagce-cellphone ko. Kawawa naman ako. Pito silang nangungulit sakin samantalang ako mag-isa lang. Letse diba?

"ANO BA TEKA! SIGE! WAIT LANG TUMAHIMIK KAYO!"

Sigaw ko at tumayo sa kinauupuan ko dahil niyuyugyog na nila ako at pinagbabatok-batukan. Hanshaket!

"Sasali ako! Sa isang kundisyon!"

Sabi ko kaya tinignan nila ako ng nagtataka. Tinignan ko si Medi na nakaupo sa tapat ng inuupuan kong silya. Sa desisyon ko na'to, tiyak hindi na sila makakapalag HAHHAHAHA!

"Sasali ako! Kapag—"

"Ano ba yan! Pa-suspense! Ano ba kasi yun—"

"TAPOS NA BA AKO MAGSALITA HA? ANO TAPOS NA BA AKO? TANONG KO LANG NAMAN CAIN,"

Sabi ko ng may mataas na boses at ngumiti ng sarcastic sa kanya.

"Hehe. Sorry na bebe,"

"Ano ba kasi wala nang eepal. Oh ano ba yun Athena Axel?"

Sabi ni Rian Mae Jellyio.

"Okay. Sasali ako kapag sasali din si Medi,"

Pagkasabi ko nun ay pumikit ako at ngumiti ng mukhang nanalo.

"ANO?!"

Sabay sabay na sabi nilang walo. Oo walo. Narinig ko boses ni Medi eh HAHAHAHA!

"Hoy Athena Axel! Napaka-imposible naman niyang kundisyon mo!"

Sabi ni Jenna Cong.

"Eh, bahala kayo jan. Yun yung kundisyon ko eh,"

"Gago kaba? Eh alam mo namang hindi sumasayaw yang babae na 'yan tapos 'yan pa kundisyon mo?!"

Sigaw ni Aphrodite sakin kaya dumilat ako at sineryoso ang mukha ko.

"Gusto niyo akong sumali ah? Ayan kondisyon ko,"

axeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon