Final Chapter

28 4 0
                                    

May mga pagkakataon talaga na may mga pagsubok na dumadating sa buhay mo at kailangan mo itong lagpasan at labanan.

Kahit gaano man matapos o masimula ang pagsubok na iyon satin, kailangan natin itong tanggapin ng buo, labag man sa loob o hindi, wala na ding magbabago dahil tapos na.

May mga pagkakataon talaga na nade-depress ka sa mga pagsubok na iyon. Pero ayun na nga eh. Kailangan natin yun labanan para sa kabutihan natin. Kabutihan nga ba?

Pero sa kabila ng mga pagsubok na iyon, anjan pa din yung mga mahahalagang tao sa buhay mo.

Mga kalokohan. Mga awayan. Mga bangayan. Mga kagaguhan.

Ngayon ang huling araw ko sa pagiging Grade 10 student. Syempre last day, may closing party yan kahit kaunti lang pagkain.

Buong araw wala ding ginawa. Ay charot, may half-day exam pala kami ngayon at final exam yun. Ngayon, tapos na at magce-celebrate na lang kami para sa farewell party.

Sa nagdaan na panahon, nasigurado ko sa sarili ko na hindi ko talaga gusto si Hades. Tanging paghanga lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya. At isa pa, kapag anjan siya hindi ako masyado kinikilig. Basta ayun kung naramdaman niyo na yung sinasabi ko magegets niyo pero kung hindi bahala na kayo jan.

At isa pa, mukhang Axe lang talaga ang habol ko sa kanya eh pfft. Bat ba? Mabango kaya yung Axe Chocolate. Well, mangangamoy arabo ka na nga lang kapag naglagay ka tapos pinawisan ka. RIP NOSE.

Uwian na. At isa lang ibig sabihin nun.

May iyakan.

At ayun nga. Nang matapos mag pray, nagyakapan na yung mga tropa dahil ngayon na lang sila magkikita. Hindi naman hehe. May mga umiiyak dahil may mga pupunta na sa malayong lugar para doon magpatuloy ng pag-aaral.

Syempre ako, lumapit ako sa mga tropa ko sa classroom at pinagbabatukan silang lahat.

"Preng Axe mamimiss talaga kita huhu,"

"Ulol kadiri ka HAHAHAHA!"

Aaminin ko. Kahit na may tyansang makikita ko pa ang mga kumag kong tropa, mamimiss ko pa din sila dahil hindi na kami magsasama sa iisang classroom. I mean, sino bang hindi makakarelate?

After ng paalam session ko sa tropa ko, pumunta ako sa kabilang classroom para magpaalam na din sa mga iba kong tropa.

Nakita ko yung walong mga babae na nagyayakapan kaya tumakbo ako papalapit sa kanila at yumakap din.

"Ang baho amputa. Amoy pawis,"

Sabi ko at binatukan yung katabi ko na si Medi. Siya ata naaamoy ko eh.

"Medi ikaw ba yun?"

"Hoy kapal ng mukha mo Axe ah,"

"HAHAHA! Joke lang! Last day na eh pagbigyan mo na ako."

Nang mabanggit ko yung last day ay nag-ingay naman sila at yumakap na ulit at syempre sumali ako don.

Although internet is the best helping guide for today's generation, hindi pa din talaga matatalo ang personal communication ng magkakaibigan.

Mas dama ang paguusap, mas maiintindihan (?), mas masaya, mas relate. Diba?

"Axel, Athena Alexandre."

Pagkatawag sa pangalan ko, umakyat ako ng stage saka nilapitan ang directress namin na nakangiti at hawak ang certificate ko kaya habang naglalakad ako papunta sa kanya ay nakangiti din ako.

I can hear cheers as I was walking across the stage.

Ngayon, sinasabi ko na na ito na talaga ang pinakahuling araw ko sa junior high school. It's our moving up ceremony at lahat ng ka-batch ko, nandito.

Nagpasalamat at kinamayan ko ang directress namin ng ibigay sakin ang certificate ko.

Humarap ako sa audience at humakbang ng tatlong beses habang nakangiti ng malapad, teary eyed.

I can see my parents on their seats, endlessly taking pictures of me. I roamed my eyes and saw my friends clapping and smiling proudly at me.

High school is one of the best and worst time of my life. And I believe, all of us do.

Hindi mo inaasahan na ganito matatapos ang istorya ko noh? Ganun talaga, Athena Axel 'to eh!

At isa lang ang masasabi ko sa inyo. Remember this mga friends ha!

From your gagang Axe;

Goodluck.

axeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon