Chapter 6

31 4 0
                                    

"Hoy pahingi nga ako niyan!"

Napasimangot na lang ako at padabog na inabot kay Jhaziel ang hinihingi niya sakin. Take note, nilakasan ko ang abot ko at tinama ko ito sa dibdib niya kaya wala sa oras nanaman siyang kawawa sakin.

"Kupal! Balibagin kita 'jan eh!"

Sabi niya habang hinihimas ang dibdib niya.

"Bilisan mo na at akin na 'yan!"

Sabi ko. Humingi lang naman siya ng Axe ko ulit. Jusko, mamaya pag nakaamoy na yung ibang boys diyan baka maubos na yung Axe ko. Malakas pa naman radar nila pag nakakaamoy ng Axe.

Napansin kong ang tagal at ang dami na niyang ini-spray sa katawan niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya kaya napasigaw siya.

"Mr. James! Bakit ang ingay mo?"

Umupo naman ako kaagad at kunwareng walang alam sa nangyayari.

"Hoy Jhaziel 'wag ka ngang maingay 'jan!"

Sulsol ko para mas lalo pa siyang pagalitan. Nakangiwi naman siyang tumingin sakin saka ako sinamaan ng tingin. Ngumisi lang ako sa kanya at inilahad ang kamay ko.

"Akin na 'yan,"

Sabi ko kaya agad niyang binigay sakin at inambahan ako pero binelatan ko lang siya. Tinawag naman ulit siya ni ma'am dahil nakita niyang inambahan niya ako.

"Jhaziel bakit maingay ka?"

"Sorry ma'am."

Hinayaan ko na lang sila saka nilagay ang axe ko sa bag ko. Nagpabago lang ako saglit dahil feeling ko wala na akong amoy hehe.

Binuklat ko yung notebook ko saka nagsimulang magbasa. First Preliminary Exam namin ngayon at first day sa tatlong araw na exam. Sa ngayon, minor subjects lang naman ang exam ngayong araw kaya bakit ako nag-rereview ngayon?

Tinigil ko ang pagbabasa ko saka ako tumayo. Lumapit ako kay maam para magpaalam dahil pupunta ako ng library. Pumayag naman siya kaya lumabas na ako agad.

At dahil nasa ground floor ang library ay syempre bumaba pako. Nang lumiko ako para makababa ay nakasalubong ko si Hades na mag-isa lang.

"Hoy saan ka pupunta?"

Sabi niya.

"Maghahanap ako ng basura. Sama ka?"

Natawa naman siya doon sa sinabi ko kaya nginitian ko naman siya. Agad namang parang may bumaluktot sa tiyan ko nang makita ko ang tawa niya.

"Ulol. Pero nagpaalam ka ba kay maam?"

"Oo kaya tumabi ka na diyan."

Sabi ko saka hinawi siya at nakita kong napasubsob siya sa bintana sa gilid saka ako bumaba na para makapunta sa library. Nang makapunta ako sa library ay nakita kong walang tao dun. Hmm? Asan kaya si Sir na ngbabantay dito? Baka bumili nanaman siguro ng Chowking.

Umupo ako saka ko inilabas yung earphone ko at pasimpleng inikot ito para hindi makita na nagsa-soundtrip lang ako dito. Syempre, nag-shuffle ako ng songs at kumuha din ako ng isang libro para kunyari nagaaral ako.

Nakaka-walang gana kasi kapag sa classroom magre-review. I mean, ang ingay kasi tiyaka hindi makakapag-concentrate. Mas maigi pa yung ganito. Yung ikaw lang mag-isa—tahimik, tapos ikaw mismo yung magsa-soundtrip.

Hindi ako introvert ha. May times lang naman hehe.

Pagdating ng 1:00 o'clock ay nagsimula nang mamigay ng test papers. So syempre ako, pumwesto ako sa harap dahil gusto ko katapat ko yung pinto o kaya bintana kasi mas makakapagisip ako ng mabuti.

axeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon