Pangatlong araw ko na bilang isang Grade 10 student sa eskuwelahang pinapasukan ko. Wala namang ginawa kahapon kundi ang mag get-to-know-each-other-portion sa classroom at sa sobrang ka-boring-an ay halos makatulog nako.
Sa ngayon, nasa harap ang teacher namin at ngayon daw ang botohan ng class officers. Hindi naman akon umaasang may magvo-vote or may magno-nominate sakin dahil sa classroom nga na pinapasukan ko ngayon ay may kanya kanyang mundo. Almost 95% of the students dito sa classroom ay iisang grupo lang. Samantalang ang 5% ay may kanya-kanya nang grupo. See how big the difference of the people?
Nagsimula namang magtawag ng volunteers ang teacher namin para sa ino-nominate. At dahil third day pa lang ng school ngayon syempre pwede ang cellphone. Nilabas ko ang cellphone ko sa gilid ng palda ko at itinago doon para hindi naman ako mapagalitan ng teacher. In-on ko ang bluetooth headset ko saka ginalaw ang phone ko para sa music.
Nag random songs na lang ako para naman hindi ako magpabalik-balik ng tingin sa phone ko para magpalit ng kanta. Isa akong hard-core kpopper at kung hihiramin mo man ang phone ko ay ang puro music ko ay pang-koreaboo. Depende kung close kita at kung papahiramin kita ng cellphone.
Dahil hindi naman ganun kahina at kalakas ang volume ng sound ko ay narinig ko na may nino-nominate sila sa president.
"Ma'am! I nominate Hades Vidas as President!"
"Ma'am! I second the motion!"
Tinignan ko kung sino ba yung Hades na iyon. At nung nakita ko siya ay- wala lang.
Siya pala kasi yung naging classmate ko nung Grade 7. Feeling ko napagtripan lang siya ng mga kaibigan niya pero nevertheless, bagay naman siya maging class president kasi mukha siyang disiplinado at sa itsura pa lang niya ay kaya naman niya i-handle ang class.
At dahil siya lang ang binoto ay majority na siya na nga ang class president. Nakita kong natatawa siya at napakamot sa ulo siyang pumunta sa harap. Kinuha naman niya ang chalk sa teacher namin saka nagtawag para sa nomination ng vice president.
At dahil wala nga akong pake kung sino mang manalo o ma-nominate ay nakinig na lang ako sa sounds habang nagmamasid padin. Parang ang pangit pakinggan ng nagmamasid eh. Parang isa akong spy HAHA. Random na nagtaas naman ako ng kamay ng makita kong nagvo-vote na.
Iniisip ko ngayon kung ano kayang gagawin mamayang hapon eh hanggang orientation pa naman kami ngayon. Dapat pala hindi na lang ako pumasok since wala pa namang gagawin. Pero, baka sumbatan ako ng teacher namin na first day of classes pa lang absent na.
"Maam! I nominate Athena Axel as Secretary!"
Napalingon naman ako sa kung sino mang nag-nominate sakin. Nakita kong napaupo siya dahil sa tingin ko. Napaayos ako sa upo at humarap sa teacher ko na nasa harap din.
"Maam, ayoko pong maging officer"
Sabi ko kaya agad namang binura ang pangalan ko sa blackboard. Napabalik ulit ako sa pagkakasandal sa upuan ko saka nagpatuloy sa pakikinig ng music at sa pag-obserba ng mga kaklase ko.
I was once a secretary on my previous school year. Na-enjoy ko pero ayoko na ngayon. Bakit? Ayoko lang kasing maki-salamuha muna dito sa klase nato lalo na't napaka-uncomfortable ng atmosphere sa klaseng kinapapasukan ko.
At tiyaka isa pa, for sure, wala namang magboboto sakin to be a secretary kasi duh? Tropa tropa silang lahat dito sa classroom at for sure din, sila sila lang ang magboboto sa sari-sarili nila sooo no thanks.
After awhile, nag-bell na kaya hudyat na iyon na tatayo kaming lahat para mag-pray kasi recess na. After naming mag-pray ay nagsilabasan na ang karamihan na tao sa room. Nang makalabas na silang lahat ay nilabas ko ang Axe Chocolate ko na pabango saka ini-spray sa buong katawan ko. Bakit ko nga ba sila hinintay lumabas? Simple. Manghihingi lang sila-
BINABASA MO ANG
axe
ChickLit[✔️] Nang dahil sa AXE Chocolate, magustuhan niya kaya siya? S: 012018 | P: 012018 | E: 060918 2018 | aatroxvl ʕ'•ᴥ•'ʔ